OWWH 10

247 27 0
                                        

8:34pm.

Nakauwi naman na kami ni Swami. Pero sadyang makulit talaga siya dahil pagkatapos ng nangyari ako lang ata ang naapektuhan dahil ang daldal parin niya.

"Mickey..tara!" sabi niya at hinila ako papasok ng bahay. Pagpasok naman namin nakita ko sila Mama na nanonood sa tv.

Humarap naman siya sakin at hinawakan yung kamay ko. Problem a nito?

"Mickey...may isang lilinawin lang ako sa parents natin." sabi niya.

Teka parents namin?

"Parents?" tumango siya, "Oo, sila tita Marga at tito Light." Napataas naman kilay ko. Aba! Nang angkin din ng magulang to!

"Ang kapal mo magulang ko lang yun!" sigaw ko. Napalakas ata yung sigaw ko dahil narinig kong tinawag ako ni Mama.

"Kyros? Anong nangyayari jan?" tanong ni mama. Agad ko namang inakbayan si Swami. "Wala Ma, umaakting lang kami ni Minnie. Diba?" palusot ko. Syempre! Ayoko namang isipin nila Papa na ang sama kong asawa!

Shet! Asawa talaga?!

Lumapit naman si Swami sakanila.

"Tita, tito....may..lilinawin lang po ako sainyo..." natuod ako ng magsimula ng magsalita si Swami. Huh! Alam niyo namang pag ganyan yan! Nababaliw nanaman siya!

"Hija. Papa at Mama na lang." sabi naman ni Papa. "Ano yun anak?" tanong naman ni Papa.

"Kasi po...hehe about po sa pagbubuntis ko? Sabihin na po natin kay Mickey ko..." sabi niya at humarap sakin. Teka! Anong tungkol sa pagbubuntis yan??

Naku!!! wag mong sabihin buntis nanaman siya at kambal?! Nako! Wag lang talaga!

"Sigurado ka hija?" sabi naman ni Mama habang naka ngiti.

Ano ba yan!!! Ano nanaman alam nila na hindi ko alam?!

"Sabihin mo na hija, hndi naman magagalit yan." sabi ni Papa. Nakakaasar na! Masyadong pa showbiz sila ah!

"Mickey...yung pagbubuntis ko..alam na nila tita at tito na.." huminto siya at lumapit siya sakin.

Alam na ano?

"Alam na nila na....hindi talaga ako buntis."

Napanganga ako...what?!

Teka kailan pa? Pano? Kinareer kaya ni Swami yon!

"Nung monday pa nila alam...hehehe nagulat na nga lang din ako ng sabihin nila yon. Pinanindigan ko na lang din. Sinabi ko kasing buntis ako pero nag joke agad ako. Nagulat nga ako ng sumeryoso yung nakakatakot! Parang mag susuper syian! Natakot nga ako kasi parang magtratransform sila! Kaso nagulat ako ng bigla silang tumawa ka--"

"Swami hehe tama na!" sabi ko at tinakpan yung bunganga niting babaeng to! Kung ano ano pinagsasabi! Nanjan lang magulang ko!

Tumawa naman sila mama. Nakakaasar sila! Ibig sabihin kahapon pa nila ako niloloko? Ganyan naman talaga eh..lagi na lang. Wew ang emo ko.

"Sorry anak. Yung Mama mo nakaisip nun." sabi naman ni papa. Tch, napailing na lang ako. Atleast nabawasan yung problema ko.

Pero...kasi hindi naman talaga siya buntis no?

Binitawan ko na yung pagkakahawak sa bunganga ni Swami. Umakyat na kami pagkatapos magpaalam kila Papa. Pumasok na kami sa kwarto.

"Mickey pwede mag request??" sabi niya naman tapos kumuha ng chocolate sa maliit na fridge dito sa kwarto ko, sabay upo sa kama.

"Ano nanaman? Anakan kita para for real na?"

Nanlaki yung mata ko ng marealize ko yung sinabi ko. Takte! Bago ko pa mabawi yung sinabi ko, napa poker face ako. Siya nga pala si Swami kaya bago pa ko pa masabi yung sasabihin ko nagtititili na siya.

"Whaaaaaa!!!! Mickeuy kou!!!!!! Grebe ka!!! Pero bakit hindi? Whaaaa!!! Ang landi kooo!!!" nagsisisigaw siya habang nagtatatalon sa kama. Shete ayoko na!!

"Hoy babae! Manahimik ka! Isa!" sabi ko at lalapit na sana ako ng tumigil siya at sumigaw.

"Teka Mickey gagawin mo na ba?? Wait magreready lang ako!! Whaaaaa!!! Ang bilis mo naman! Pwede namang mamaya na lang para tulog na sila! Whaaaaa!!" napa face palm ako!Whaaaa! Buang na talaga to!

"Manahimik ka nga! Ano ba! Mali lang yung nasabi ko!"

"Weh? Di nga?" tch! Ang kulit nito!

"Oo! Ano na yung request mo?!"

Umupo ako sa sofa. Nakakainis! Anong naisip ko at nasabi ko yun?!

"Ah yun ba? Mag papaanak sayo!" laking ngiting sabi niya. Binato ko naman siya ng throw pillow. "Ano ba Swami!" saway ko sakanya. Tss pulang pula na yung mukha ko sa pinagsasasabi nito!

"Hahahaha!! Sorry na! Ahh...kasi..pwede ba tayong mag out of town??" tanong niya kumunot naman noo ko. Out of town??

"Sige na mickey please???????" sabi niya at nag puppy eyes.

Hindi ako sumagot. Bakit gusto nitong mag out of town? Papayag ba ako?

"Bakit?" tanong ko, "Wala lang gusto ko sa Baguio para medyo feel yung ambiance ng pasko! Sige na oh!!! Mag papasko naman na eh!" sabi niya at lumapit sakin at umupo sa tabi ko.

"Tsss. Sige."

"Whaaaa!! Thank you!!!!"

Napailing na lang ako. Ang ingay niya nanaman! Tapos parang pusa naman tong makalungkos sakin.

"Ano ba Swami!" saway ko.

"I love you too." sabi niya. what?

"Ano?"

"I love you too!"

"Teka wala naman akong sinabing I Love you ah?!" sabi ko, wala naman talaga ah!

"Alin yung hindi mo sinabi Mickey??"

"Yung, I Love you."

"I Love you tooo!!"

What?! Ano nanamang?

"Bat ka nag I love you too?"

"Kasi nag I Love you ka!"

Nanlaki yung mata ko, teka nasabi ko ba?

"Ayieee!! Nag I love you siya sakin!!"

"Matulog ka na nga! Tinulak ko naman siya. Baliw. Namali lang siya ng rinig diba?? diba?!?! Tss.

One Week With HER (On Going)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon