"Mahal kita."
"Huh?"
"Sabi ko Mahal kita."
"M-Mahal mo ako?"
Nakatitig na tanong niya sakin. What? Hahahaha. Pinipigilan ko namang tumawa. Halatang confuse siya. Nag expect nanaman.
"Hahaha! Tungaw! Mahal kita yung password ng phone ko." sabi ko at nag simula ng mag lakad. Sumunod naman siya sakin. Bobs nga pala tong kasama ko.
"Ano ulit yun?" tanong niya, inakbayan ko naman siya.
"Mahal kita."
"Teka ano ulit?"
"Mahal kita nga!"
"Huh? Hindi ko narinig?" tinanggal ko yung pag kakaakbay ko at humarap sakanya.
"Ano ba Swami! Alin ba sa salitang Mahal kita ang hindi mo maintindihan? Mahal kita! I Love you in english! Ganon!" irritang sigaw ko sakanya. Ngumiti naman siya ng malaki.
"I Love you too." nanlaki yung mata ko sa sinabi niya. What?
Ngayon ko lang narealize lahat ng sinabi ko. Pero bakit? Mahal kita naman yung password ng phone ko ah!
"Tsss..wag kang feeling." kinuha ko yung phone ko sakanya at binuksan iyon. "Oh mag gogol ka na! Hahahah!!" naglakad na ulit ako nung kunin niya yung phone.
"Mickey naman! Minsan na nga lang eh! Panira ka! Kala ko yun na eh!" nakanguso niyang sabi.
"Hahahaha! Oo na tara na." inakbayan ko ulit siya. Bakit? A-Anong masama? Akbay lang naman ah! Tss..
"Saan na daan natin?" tanong ko, tiningnan niya naman yung phone ko. "Kaliwa daw tayo eh..." kumaliwa naman kami.
"Diretso daw tapos dun sa may Amigi street liko daw..." ginawa naman namin yung sinabi niya.
Saan ba talaga papunta to?
"Hoy ano ba! Saan ba talaga?" tanong ko. Tumingin naman din ako sa phone ko. Sinundan lang namin yung daan.
Lakad.
Lakad.
Lakad.
Shit! Is this really the way? Tumingin ulit ako sa phone.
"Kanan/Kaliwa daw" sabay naming sabi ni Swami.
"Kanan Swami."
"Hindi mickey kaliwa!" tinaasan kk naman siya ng kilay, "Kanan."
"Mickey naman! Alam mong ang gwapo gwapo mo pag tumataas kilay mo eh! Wag ganyan Kaliwa talaga eh!" ngumisi naman ako, hinawakan ko yung wrist niya at hinila pa kanan.
"Sumpa na talaga sakin ang pagiging gwapo Swami. Maswerte ka. Kaya kanan na!" hinila niya naman pabalik yung kamay ko. "Kaliwa nga mickey!"
"Kanan!"
"Kaliwa!"
"Kanan!"
"Mickey mahal na mahal kita pero dito talaga yung palengke sa kaliwa eh!"
Naghilaan kami kung kanan o kaliwa kami dadaan. Kanan naman talaga! Parang may kidlat ang mga mata namin dahil sa hilaan namin.
"Excuse me po?!?!"
Napatingin kami sa sumigaw na ale.
"Kanina pa po kayo maingay jan! Palengke po ba hinahanap niyo??"
"Opo ate! Kasi po itong asawa ko ayaw maniwalang kaliwa eh!" sumbong ni Swami sa ale.
Asawa? Napatawa ako sa sinabi niya. Wait...did i just chuckled?? Argghh!!

BINABASA MO ANG
One Week With HER (On Going)
Novela JuvenilIsang linggong kasama siya. Was it a Happy ever after? or It was a Happy Never after? "We never had an ending."