OWWH 25

152 13 8
                                    

"Swami!!"

Agad akong tumakbo papunta kay Swami na nakahiga sa kalsada. Panay ang mura ko habang tumatakbo.

"Shit.." napahinto ako sa pagtakbo....at laking matang tumingin kay Swami na nakapikit.

May kulay pulang likido dumadaloy sa kalsada papunta sa kinatatayuan ko.

A-Anong nangyari?

Agad akong tumakbo papunta sakanya, "Swami!!" agad ko naman siyang niyakap.

Swami's POV

Nagsitaasan yung mga balahibo ko ng may biglang yumakap sakin.

"Swami!!"

Napakunot yung noo ko. Eh? Sino yun?

"Swami!!!"

Napadilat na ako ng marecognize ko na yung boses niya.

Tumingin ako sakanya, bakit to umiiyak? Nababaliw na ba to?

"Mickey?" agad kong tawag sakanya, bigla naman siyang tumingin sakin.

"S-Swami?" agad naman akong ngumiti sakanya.

"Sa wakas nakita din kita!" sabi ko sabay pout. Kanina ko pa siya hinahanap eh!

"A-Ayos ka lang? Wa-Wala bang masakit sayo?" pakurap kurap mata niyang tanong.

"Buang ka mickey? Sinasabi mo dyan?" nagpipigil tawang tanong ko.

"What the...Anong ginagawa mo dito sa kalsada?!" agad niya akong binitawan dahilan para mapahiga ulit ako sa semento.

"Aray naman!!!" ang sakit nun ah!

Agad akong umupo at nag indian sit. "Ang sama ne'to! Alam mo bang hinanap kita kung saan saan?! Tch! Ang bad mo!" naka nguso kong sabi sakanya. Nakatingala ako sakanya habang pinapanuod siyang pakurap kurap matang nakatingin sakin.

"Problema mo mickey? Tumitirik mata mo jan? Pfftt-" pigil tawang tanong ko saknya. Nababaliw na ata to!

Nawala yung ngiti ko..Whaaaaa!! Baka ano ng nangyayari kay mickey ko! D kaya nagpapacute lang siya sakin kasi love niya na ako? Nag be-beautyful eyes siya sakin? hehehe...

"Mickey naman! Hindi mo na kailangan magpacute sakin tanggap ko na yun!!" ngiting ngiti kong sabi ko sakanya.

Tumayo naman siya, "Huh?" puno ng kabobohan na tanong niya. Ang ano talaga ng IQ ne'to pero lab na lab ko yan. Ayiee!

"Bovo naman mickey ko sagad! Pakurap kurap kasi mata mo. Ewan ko kung nagpapacute ka sakin o nababaliw na yung mata mo?" tanong ko. Kasi naman eh yung mafa niya ang cuteee!!!

"H-Huh? Nababaliw ka na ba?! Hoy! Tumayo ka na nga jan!" hinila niya naman ako patayo pero pinigilan ko siya.

"Ehhhh! Ayoko nga!"

"Ano ba kasing nasa isip mo at humiga ka dito sa kalsada ha?!" sigaw niya sakin. Ouch! Sinigawan ako ng bebe ko huhuhu!!

Ngumuso naman ako, "Ikaw kaya may kasalanan!" maktol ko.

"Ako?" puno ng katangahan niya nanamang tanong. Tumango naman ako.

"Oo ikaw! Alam mo bang hinanap kita nung bigla kang nangiwan sa restaurant kanina, tapos isang libo lang binigay mo! Isang libo lang! Eh syempre mabait si Zico kaya siya na nagdagdag tapos hinanap na kita tapos hindi kita makita kung saan saan na ako napadpad tapos OMG! Alam mo ba may nakita akong strawberry shop tapos grabe syempre pumasok ako pero bago yun binuksan ko muna yung pinto gamit ng kamay alangan naman paa ko gamitin ko tapo--"

One Week With HER (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon