OWWH 13

253 26 0
                                    


12:06 am.

"Woooooooooooooowwwww!!!!!  Mickey ang ganda dito!  Malamig pa! "

Sigaw ni Swami. Binatukan ko naman siya. 

"Aray naman mickey!"

"Anong wow Swami? Eh likod ng airport yang nakikita mo wow?"

Ngumuso naman siya at nauna na ng naglakad. Sinundan ko naman siya.

Di siya kumikibo at nakabusangot na naglalakad.

"Oy! Bakit ganyan mukha mo?" tanong ko.  Huminto naman siya at humarap sakin, "Eh Mickey akala ko talaga Baguio na yan kanina eh! " sabi niya at turo sa airlines.

"Pfft-Swami baguio na to. Pero hindi yan mismo." turo ko sa airlines.

Ngumuso nanaman siya,kaya hinila ko na siya papunta sa loob at kinuha ang mga gamit namin.

Akmang kukunin ko na yung maleta ng pigilan ako ni Swami.

"Mickey wag mong hilain!" sabi nito. Kumunot naman noo ko.

Kinuha ni Swami yung maleta at tinabi sa maleta niya.

"Hoy kayong dalawa! Maglakad kayo magisa!" sigaw niya sa mga maleta namin. Anong- ayy Oo nga pala...

"Aba! Ayaw niyo pang maglakad? Maglakd kayo! Pinahirapan niyo ako kanina! Tapos akala ko pa nanakaw kayo! Pero medyo okay lang kasi nakachansing ako kay mickey, hinalikan niya ako! Ay teka basta maglakad kayo!" tumalikod siya at naglakad na. Napailing ako, buang talaga to. Pinipilit maglakad yung maleta buang talaga.

Kinuha ko yung maleta naming dalawa at hinila na. Nakasunod lang ako sakanya. Bigla naman siyang lumingon.

"Mickey bakit mo hila hila yan mga yan? Pano matututo yan iniispoiled mo!"sabi niya, at balak pang kuhain sakin yung mga maleta. "Swami, hayaan mo na!" sakto namang may humintong taxi sa harap namin.

"Mickey naman! Hayaan mo na kasi silang maglakad!" mahina ko siyang tinulak, "Sumakay ka na nga sa taxi!" saway ko. Nakasimangot siyang tumalikod sakin at pumasok na nilagay ko naman yung mga gamit namin sa compartment. Pumasok na ako sa loob ng taxi.

"San po tayo sir?" tanong sakin ng driver. Tumingin naman ako kay Swami.

"Huy, Swami sabihin mo kay manong kung saan yung hotel." kalabit ko sakanya. Inirapan niya naman ako.

"Tsss. Bat hindi mo sabihin." pagtataray niya. Aba!

"Hindi ko naman alam eh!"

"Bakit hindi mo inalam? Tanga mo Kyros." sabi niya. What? Kyros? Problema nito?

"Kasala--"

"Oh manong jan po kami papunta." putol niya sa sasabihin ko at may binigay siyang papel sa driver. Tsk. Bahala siya sa buhay niya.

Tahimik ang byahe namin hanggang sa makarating kami sa hotel. Kinuha ko yung maleta ko, akala ko kukunin ni Swami yung maleta niya kaso dinaanan niya lang yun. Aba! Ako pa paghihilain?

Nauna na siyang pumasok nakasunod naman ako sakanya. Ano ako dito? Bodyguard? o Alila? Tsss.

"Excuse me po. Reservation of room po kay Kyros Estevan." sabi ni Swami. "Ma'am, Room 137 is your room. And here's the key."

"Thank you."


Inunahan niya nanaman akong maglakad.

Kaso huminto siya, humarap naman siya sakin.

One Week With HER (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon