OWWH 14

260 24 0
                                    

2:13 pm.

Kumakain kami ni Swami ngayon, nalipasan na kami dahil sa bitch thing ni Swami. Pfft- hindi ko talaga makalimutan.

"Uy mickey mukha kang baliw jan! Nakangiti ngiti ka!' sabi niya saka sumubo.

"Wala." sabi ko.

Natapos na akong kumain pero eto parin si Swami kain parin ng kain.

Nakatingin lang ako sakanya. Saan kaya kami unang pupunta dito sa Baguio? Ang alam ko 5 days kami dito including na yung araw ngayon.

Bakit kasi ang ano nito ni Swami eh. Masyadong atat.

Tumayo ako, "Swami hintayin mo ako dito ah? Titingnan ko lang yung tourist favorite spot sa lounge nitong hotel." paalam ko tumango naman siya.

Iniwan ko na siyang kumakain pa rin. Matakaw.

Pumasok na ako ng elevator ng may humarang na kamay.

"Whaaaa!!" napasigaw ako at napataklob ng mukha! Zombie!!!!!!!

"Hey!" nagulat ako ng hawakan na nung zombie yung braso ko!

"Whaaaa!!! Zombieeeeeeee!!!" nakapikit kong nagiiiwas sa zombie!! Whaaaaa! Swami--Mama pala!!!

"Zombie layo!!" sigaw ko.

"Hey-- Wait Kyros???" Whaaaa!! pano nalaman ng zombie yung pangalan ko?!!

"Whaa--"

"Ano ba Kyros?!" sigaw niya at sampal sakin. Ouch ah!

Dumilat ako, dahan dahan lang syempre baka mamaya ang panget niya! Tumigil ako sa pagsigaw.

Pagkadilat ko nanlaki yung mata ko, "SABEL?!"

Napailing siyang lumapit sakin at sinampal ulit ako, "Aba! Sumusobra kang babae ka ah! Kaliwa't kanan Sabel?!" isagaw po at ngumuso. Tinawanan lang ako nito, tibay ah!

"Hahaha you're so silly talaga!" tawa naman siya ng tawa.

"Tsk! Hoy! Bakit ka nandito? Ha?!"

"Alam mo Kyros, I'm Allymara Sabel Gustavi."

"Oo ikaw nga yan yung patay na patay dun sa Charles mukhang ano." tinarayan ko naman siya, hinampas niya naman ako. Aba! Etong ano na to!

"Ambakla mo talaga!" palo niya pa ulit.

"Shut up." sabi ko at umayos na ng tayo. Letche kaasar na zombie yan! Kasalanan to ng napanood ko habang bumabyahe kami eh! Yung train to busan!

"Hahaha..so Kyros saan nga punta mo?" tanong niya. "Lounge." sabi ko.

She's Allymara Sabel Gustavi kinakapatid ko. "Nandito ka ba ngayon dahil nandito yung bulok na artista na yon?" tanong ko.

Pinalo niya nanaman ulit ako, "Ano ba! masakit na ah!"

"Ang sama mo! Wala siya dito umalis siya eh, nag out of country siya...." malungkot niyang sabi.

Natawa naman ako, "Buti hindi mo sinundan-Pfft-" sinamaan niya naman ako ng tingin.

"Nandito kasi nga isa ako sa naghahanap ng nawawalang anak ng Hartwel Corporation." paliwanag niya.

Bumukas naman na yung elevator. "Hartwel's? Yung pangalawa sa multi billionaire?" tumango naman siya.

Sa ewan kong pagkakataon nabatukan naman ako, "Aray naman!"

"Hoy, bakit ako lang may interview? Ikaw? Bakit ka nandito?"

Huminto naman ako sa sinabi niya, bakit nga ba ako nandito? Dahil kay Swami?

Siguro nga, kaso...sabihin ko ba na asawa ko si Swami at dahil sakanya kaya ako nandito? Kaso madaldal tong babaeng to eh!

One Week With HER (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon