OWWH 4

337 27 0
                                    

Monday 1:25pm.

Matalim kong tinitingnan si Swami na nakaupo sa kabilang dulo ng sofa namin dito sa living room. Siya naman ay todo ngiti sakin. Ingogngod ko siya jan eh!

Syempre joke lang. Di ko magagawa yun gentleman ako no!

Si Papa pumunta na sa kumpanya, si Mama pupunta daw siya sa flower shop namin. Si Rian nasa kwarto niya.

Tinuon ko ulit ang tingin kay Swami.

"Hehehe...mickey ko, sorry na! Yung laser sa mata mo oh lalabas na sige ka!" napafacepalm ako sa sinabi niya. Seryoso?!

"Wag mo akong ma mickey mickey ko jan! Anong trip mo at sinabi mong buntis ka?!" sigaw ko sakanya. Aba buntis daw siya? Buang na talaga siya eh!

"Hehehe kasi...ano..ano kasi...ahmm.."

"What??"

"Kasi..para nga ano..ano.."

Antagal naman ng babaeng to!

"Ano nga! sabihin mo na!"

"Kasi...para may thrill tong kwento tanga! nasa prologue kaya yun!"

Napa facepalm ako. Mommy Author paki alis na nga si Swami sa story na to!

(A: Hinde pwede! bahala ka jan! mawalan ka pa ng asawa! hahahaha!!)

Tssss...mommy author naman eh!

(....)

Wala na hindi na ako pinansin! hmp!

"Nako Swami! Lumayas ka na nga dito!!" Tumayo ako at hinila siya patayo, naglakad ako habang hila hila ko siya.

"Mickey ayoko!! please?? Kyros naman eh!!" hinihila niya ako pabalik . Aba!

"Mickey!!"

"Mickey naman eh!"

"Uy kyros ayaw ko!!"

"Mickey naman pano mo to nagagawa sa asawa mo?!"

"Kyros baka mapano yung baby natin!"

Huminto ako at nilingon siya. Paninindigan niya talaga?

"Baliw ka na."

Hinila ko siya kaso hinila niya pabalik yung kamay niya at nasobrahan ito sa hila kaya munting na siyang mahulog. Mabilis kong hinawakan yung kamay niya.

Tumalikod ako at naglakad na ulit.

"Mickey!!"

"Mickey naman!"

Kainis kang babae ka!

Bumalik ako at huminto sa harap niya. Tinitigan ko yung mata niya.

Yung kulay brown nyang mata.

*dub-dub-dub*

Ang bilis ng tibok na puso ko. Bakit?

Hinawakan ko yung kanang kamay niya at nilapit siya sakin niyakap ko naman ang kamay ko sa bewang niya. Binitawan ko ang kamay niya at hinawakan naman ang pisngi niya. Mas lalo ko pa siyang inilapit sakin.

Nanlaki ang mata niya sa ginawa ko. Yung mata niya...

"Oo na...hindi ka na aalis Minnie. Dito ka lang, sa tabi ko." bulong ko sa tenga niya.

"M-Mickey...." tiningnan ko naman ulit siya. Yung mapungay niyang mga mata.

"Joke lang, kilig ka naman."

Ugh! nababaliw na ako! Umiwas ako ng tingin at binitawan na siya. Argghh!! Anong nangyayari sayo Kyros?!

Hinawakan ko naman ang siko niya at pinaupo ulit sa sofa.

Anong nagyayari sakin? This is not me! Her eyes... bakit hinuhugot ako? parang may bibig ang mata niyang nangungusap?

Tumingin ako sakanya. Naka ngiti nanaman siya!

"M-Mickey an--"

"Whaaaa!!! Kuya tumatawag si Mama!!" napatingin kami kay Rian na bumaba sa hagdan.

"Edi sagutin mo! wag ka ngang tumakbo jan sa hagdan madapa ka!" saway ko sakanya umupo naman siya sa tabi ni Swami. Sinagot niya ang tawag at niloud speaker, nilapag niya yung phone niya sa lamesa.

"Hi ma!!" tili ni Rian. Etong babaitang to!

[Helllo anak!!!!]

"Ma!! miss na kita uwi ka na--Aray! Kuya naman makabatok!"

"Stupid! kasama lang natin si Mama kanina miss mo na agad!" sabi ko dito. Nababaliw nanaman eh.

[Kyros! wag mong saktan yung kapatid mo!] saway naman sakin ni Mama.

"Tss..opo. Bakit pala kayo napatawag?"

[Kyros...may sasabihin kasi papa mo sayo, oh Hon kausapin mo na..]

Hinintay kong magsalita si papa. Narinig naman naming sinaway ni Mama si Papa sa kabilang linya. Nasa company si Mama?

"Ma, Pa?"

[Kyros, alagaan mo si Swami. She's pregnant at kailangan niya ng gabay from you.]

Napa busangot ako. Letche ka Swami! Tumingin ako sakanya at nagpeace sign naman siya sakin.

"Kuya! uy kausap ka ni Papa!"

"Opo tito!! inaalagaan niya naman po ako sobra!" bihlang sigaw ni Swami. Epal? ganon?

[Good. Rian sorry i need to hung up. Bye mga anak.]

"Bye po!" sigaw ni Swami at Rian.

"Omy gosh kuya magiging tita na ako!" masiglang sigaw ni Rian. Tch.

"Bt the way kuya...magpapaalam sana ako sayo. Pupunta kami nila Yohanne at ni my captain sa tagaytay for photoshoot." sabi niya.

"Kila Papa mo sabihin yan."

"What?! Please sige na kuya! hindi ako papayagan ni papa si mama baka pwede pa!"

"Ayoko--"

"Ate Swami please??" aba! kay Swami siya nagpacute?

"Sige na ako na bahala sa kuya mo hehe.."

"Omo! Thank you ate! i love you na talaga! sige akyat na ako para magbihis! bye kuya!"

"Rian--"

"Thank you kuya!"

Aba etong batang to! Sipain ko to eh!

"Hayaan mo na siya Mickey. Payagan mo na." sabi ni Swami napailing naman ako.

May magagawa pa ba ako?

"Tsss. Oo na. Nagbihis na siya eh. Ikaw nag bihis ka na rin." sabi ko at umupo sa sofa ay kumuha ng lolipop na naroon sa lamesa. Bakit may lolipop? actually sweets para kay Rian. Malay ko dun sa batang yon at bakit nagpalagay ng ganyan dito.

"Ehh Mickey. Wala akong damit eh! Tara bilis bili tayo libre mo ah!!"

Tumayo si at hinilahila ako. Aba!

"Libre ko?"

"Alangan! may pera ba ako??"

Aba! Ayos tong babaeng to ah!


One Week With HER (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon