OWWH 11

249 26 0
                                    


Wednesday, December 3. (Umaga to. Basta Umaga to!)

Maaga akong nagising ngayon mga 6:25 am ata, kahit parang masakit at pagod ang katawan ko. Kaso naka busangot ako dahil mas maaga palang nagising si Swami kaysa sakin.

Masama akong naka tingin kay Swami na nasa higaan.

At Guest what?

P*TA! NAKA EMPAKE NA SIYA NG DAMIT!

Bakit?? Gento!

"Mickey! Bakit ngayon ka lang nagising?! Bilisan mo kumilos! Aalis na tayo diba?" Lalo akong napa busanggot. Nako talaga! Nako!

"Pucha naman Swami! Bakit nagmamadali ka?!" tanong ko. Napaharap naman siya sakin. "Tungaw! Anong nagmamadali? Hehehe kagabi kasi tumawag ako sa hotline at nagpareseve na ako ng ticket at hotel room sa Baguio!" sabi niya napanganga ako. Huwhat?!

"ANO?! NAGPARESERVE KA NA?!" napatayo ako sa pagkakaupo ko at lumapit sakanya habang inaalog ang balikat. Pero mas lalong lumaki ang mata ko sa naisip ko...teka....

"K-Kanino ka kumuha ng pera??" kinakabahan kong tanong. Nakuuu!! Swami masasapak talaga kita pag naku talaga!

"Hehehe...hehehe...S-Sa ano..sa credit card mo mickey...hehe.." sabi niya at nag peace sign. Ikaw babae kaaaaa!!!!

Kung sasapakin ko ba siya, wag na. Argghh!!

"Swamiiiiii!!!" maktol ko at agad akong napaupo sa lapag! Huhuhuhu!! Mommy author! Bakit pa kasi si Swami yung kalove team ko eh!!! Lilimasin pa ata laman ng credit card ko!!

(A: Bahala ka jan. ^3^)

Whaaaa!!! Huhuhu!!,

"Ano ka ba mickey! Maligo ka na sayang yung pinareserve ko!" sabi niya at sinisipa sipa ako dahil nakaupo ako sa lapag. Ano ba! Siya sipain ko jan! Bulong lang ako ng bulong dito...

"Letche ka Swami~~" yan! yan ang binibulong bulong ko!

"Alam mo Mickey wala ka ng proptoblemahin dahil asawa mo ako! Tingnan mo! Pinagimpake pa kita ng damit?! Maayos yan! Nakatupi ng bonggang bongga! Kumpleto narin tayo ng gamit!"

Ano? Walang proproblemahin?! Tangna! Ngayon pa lang nga puro problema na!
Wow, pinagmalaki pang pinag impake ako...grabe.

Tumayo na ako at kumuha ng tuwalya...tch, wala na rin akong choice. Nagawa niya na eh!

Dederetso na sana ako sa banyo, ng parang flash na tumakbo si Swami sa loob takip takip yung bibig niya. Huh?

Pumasok ako sa loob at nakita ko naman si Swami na nakaharap ang ulo sa inidoro.

"Ack! Ack!"

Nagulat ako ng nagsususuka siya...t-teka!! A-Anong...bakit nagsusuka siya?

"S-Swami ayos ka lang?!" agad akong lumapit sakanya...

Bakit siya nagsusuka? Di kaya....N-Nooooooo! Hindi pwede! Kahit nakikita ko yun sa tita ko dati ng nag momorning sickness siya hindi maaari!

Patuloy pa rin siya sa pagsuka, "P-Putcha Swami! Sabihin mo! Bakit ka nagsusuka?!" hindi siya sumagot, tumayo naman siya at pumunta sa lababo. At nagmumog.

"Putcha Swami! Sagutin mo ako! Bakit ka nagsusuka?! B-Bu-Buntis ka ba?!" tanong ko agad siyang napa tingin saakin. Nanlaki yung mata niya....Ibig sabihin...nagawa ba namin yun kagabi? No weyyyy!!! Kahit pagod ako pagkagising impossible! Bakit feeling ko rn hindi ako nakaraos? Whaaaaaaaaaaaa!!! ang green ko!!!!!

"Ouch!!" napasigaw ako sa sakit ng batuhin niya ako ng body gel. Sapul ako sa noo!

"Bobo Mickey? Buntis? Ikaw....gusto mo na talagang mag kaanak tayo no? Hindi ako buntis! Kagabi pa masakit sikmura ko dahil sa sobrang kain sa street foods...plus... hehehe...Mickey wag kang magagalit ah? Naubos ko kasi yung chocolates mo sa fridge.. natatakot kasi ako baka maexpire!" sabi niya. Napa nganga naman ako. Takte! Nababaliw na rin ako?

Walang hiya siya! Chocolates ko? Natakot baka maexpire? Putcha kakabili ko lang nun ng sabado! Next next year pa yon ma eexpire!

"A-Alam mo? Lumabas ka na nga! Nabwibwiset lang ako sayo!" Tinutulak ko naman siya palabas. "Mickey! Sorry na! Sorry kung inubos ka yung chocolates! Gusto mo palitan natin? Mamaya hihingi ako sa papa mo ulit-"

"Ay! Walang hiya to! Wag na! Okay na! Lumabas ka na nga!" tuluyan ko na siyang tinulak palabas, aba may balak pa ulit manghingi ang gaga!

Mabilis akong kumilos at nagbihis sa loob ng banyo. Hindi man ako sanay na magbihis sa banyo. Pucha! Pano ako makakapagbihis sa walk in closet ko kung nasa labas si Swami? Bosohan pa ako nun! Alam niyo namang baliw yun sa hot kong katawan! Oh wag ng pumalag! Gwapo ako period.

Paglabas ko ng banyo, wala na si Swami at yung mga maleta.

Bumaba narin ako, nakita ko naman sila Papa at Mama na kausap si Swami habang si Rian nagsusulat.

Nice naman! Nasa baba na lahat ng maleta namin? Nakaya ibaba ni Swami yung Dalawang malaking maleta na to?! Abnormal talaga yun!

"Swa-Minnie!" tawag ko sakanya at lumapit sakanila.

"Mag ingat kayo sa byahe ha hija?" niyakap ni Mama si Swami. "Opo."

"Anak take care." sabi ni papa at tinap ang balikat ko, tumango naman ako.

Lumapit naman ako kay Rian, "Oh anong ginagawa mo jan? Aalis na kami." sabi ko, agad naman may inabot sakin si Rian ng papel.

Binasa ko yung mga nakasulat.

Strawberry jam.

Strawberry piyaya.

Strawberry cake.

Strawberry bag, keychain, tshirt, perfume.

Fresh Strawberry.

At Strawberry brittle?

Takte meron ba nun? Puro pasalubong ah!

"Hoy! Rian Jhin Estevan, hindi ako suplayer mo ng Strawberry." sabi ko dito at ngumiti lang siya.

"Pero your my Kuya! Alam mo namang favorite ko yung Strawberry diba kuyaaaaa??" sabi niya at nagpacute sa harap ko. Napailing na lang ako at ginulo ang buhok niya ngumuso naman siya.

Pagtapos namin magpaalam sakanila pinaderetso ko sa maid namin yung mga maleta sa BMW.

Lumabas na kami ni Swami ng Bahay, Kaso napa hinto siya. Oh ptoblema nito?

"Mickey....."

"Oh?"

"Nakalimutan ko yung mga panty at bra ko! Hindi ko nalagay sa maleta kanina!" sigaw ni Swami.

Nakanang! Swamiiiiiiii!!! Kailangan talagang sabihin?

-------

One Week With HER (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon