Chapter 8- Omyghad!

348 28 2
                                    

Cerisemie © Wattpad 2012

Chapter 8- Omyghad!

Pabalik-balik ako sa loob ng Clinic habang tinitingnan iyong nakaharang na kurtina sa harap ko. Tinext ko na rin sila Manilyn and Christine na pumunta rito para samahan ako. Sa ngayon kasi ay kailangan ko ng makakasama, kanina pa ako hindi mapalagay.

At saka,  pinagbawalan kasi ako ni Nurse Alora na pumasok sa loob mismo ng bawat kurtina, sinabi rin niyang kumalma ako dahil hindi naman daw malala iyong nangyari kay Lor at may sugat lang daw ito na natamo sa likod at ulo nito, but seriously, I can’t. Hindi ko kayang kumalma. Kaya nga pinapunta ko rito iyong dalawa. Sana nga lamang ay bilisan nila.

“Nurse, okay na po ba siya?” Sigaw ko kay Nurse. Hindi naman niya ako sinagot, siguro kasi ay nakukulitan na siya sa akin. Kada minuto na lang kasi ay sumisigaw ako at nagtatanong kung maayos na ba ang lagay ni Lor.

Siguro kasi ay nakokonsensya ako dahil ako ang may kasalanan kung bakit siya nagkaganoon. But seriously Ace? Iyon lang ba talaga ang dahilan? Hindi ka nag-aalala sa kanya?

ARGH! Nakakainis!

Tiningnan ko na lang iyong relo ko at inalam kung anong oras na. Naiinip na ako sa oras, idagdag pa na ang tagal naman dumating noong dalawa. Kanina ko pa sila tinext ah!

Napatingin ako bigla sa may pintuan nang marinig ko ang medyo malakas na katok at pagkabukas naman nito ay nakita ko ang dalawa kong best friend na humahangos papunta sa akin. Ako naman ay lumapit na rin sa kanila. Sa wakas! Dumating din sila.

“Hey best! Anong nangyari? Okay ka lang ba? Bakit ka nandito?” Narinig kong sunod-sunod nilang tanong sa akin. Pero hindi ko naman maintindihan dahil parang nahihilo ako sa mga sinasabi nila at umiikot ang paningin ko.

“A-ano sabi niyo?” Pagtatanong ko sa kanila.

Npanansin ko namang nagkatinginan silang dalawa. “Nag-text ka sa amin remember?” Tumango naman ako sa sinabi ni Manilyn.

“Oo nga, bakit?” Sagot ko.

“Nagamit namin iyong phone namin dahil hindi pa naman nag-ta-time for the next subject. Then heto nga, hindi namin maintindihan ang sinend mong text. Ang na-gets lang namin ay ang salitang clinic, kaya nagmamadali naman kaming pumunta rito. Naisip naming baka may nangyaring masama sa iyo.”

“Ang sabi ko ay pumunta kayo ng Clinic ASAP. Sabi ko rin na kailangan ko kayo. Anong hindi niyo naintindihan doon?” Tanong ko sa kanila pagkatapos ay umupo ako sa silya na nakalaan sa Clinic Room.

Lumapit naman silang dalawa sa akin. Kinuha ang kamay ko at hinawakan itong mabuti. Napatingin ako sa kanila, “Anong ginagawa niyo?”

Iniabot naman ni Christine sa akin iyong phone niya. “Aanhin ko ito? May phone ako, remember?”

Napailing naman sila sa akin. “Nandiyan iyong text mo. Basahin mong mabuti, para malaman mo ang sinasabi naming hindi namin maintindihan ang sinend mong text.”

Book 1- My First Love [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon