Chapter 16- Choice

302 28 2
                                    

Cerisemie © Wattpad 2012

Chapter 16- Choice

Nanlalata akong tumingin sa relo ko, at nang makita kong 1 minute to go ay uwian na ay saka ako na-energized. Nagcountdown pa nga ako hanggang sa marinig ko iyong bell na pahiwatig na tapos na iyong klase. Nagsalita na rin iyong teacher namin. “Oh, class I’ll remind you about your project to be passed tomorrow okay? Class dismissed.”

Inayos ko iyong gamit ko at inilagay sa bag. Pagkatapos ay hinarap ko iyong dalawa kong bestfriends. “Tara na?” Aya ko sa kanila.

“Uhh, oo tara na. Pero hindi mo kami kasabay.”

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi ni Manilyn. “Nagpaalam kasi sa amin si Carl na kung pwede raw ba na sabay kayong umuwi. Pumayag kami so hayan, kayo ang sabay.” Paliwanag naman ni Christine.

Napatango na lamang ako. “Ohh. Okay. Edi mauuna na kayo?”

“Yups.”

Binitbit nila iyong bag nila, bago sila tuluyang umalis eh hinarap pa nila ako. “Ace, we just want to remind you na nililigawan ka ni Carl. At alam naman nating tatlo na hanggang ngayon ay hindi mo pa rin siya gusto. May gusto kang iba. Sana lang, huwag mo ng paasahin iyong tao okay?”

“Don’t worry. Humahanap na lang naman ako ng tiyempo para sabihin sa kanya iyon eh.” Sabi ko pa bago sila tuluyang umalis.

Maya-maya naman ay nilapitan ako ni Carl. Nagpaalam pa kasi ito sa barkada niyang sila Alvin at Alex. Kinantyawan pa nga nila ito nang makitang papalapit siya sa akin. Pagkatapos ay sabay na kaming lumabas ng room para ihatid ako sa amin.

“Bakit ba ayaw mong dalhin ko iyong bag mo?” Tanong niya sa akin.

Napangiti ako. “Tao ka kasi. Hindi ka sampayan.”

Tumawa siya sa sinabi ko. “Point taken. But still, ‘di ba iyong iba pa nga eh halos makuba na iyong lalaki dahil sa dami ng pinapabitbit sa kanila noong babae?”

“Maybe you’re right. Lalaki nga ako. Kaming tatlo ng mga bestfriends ko dahil hindi ko hilig gawin iyong ginagawa ng ibang babae.”

“That’s why I like you more. Totoong-totoo ka sa sarili mo.”

Napatawa ako sa sinabi niya. “Bolero ka talaga.”

“But seriously speaking, hindi naman sa nagmamadali ako ah.” I heard him inhaled deeply.

Lumingon ako sa kanya. “Ano ba iyon?”

“Hindi naman sa nagmamadali ako, alam mo namang kaya kong maghintay eh.”

Napakamot na ako sa ulo ko sabay natatawa. “Ano nga?”

“May pag-asa ba ako sa iyo?”

That made me speechless.

Book 1- My First Love [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon