Cerisemie © Wattpad 2012
Chapter 12- Questions
Kinuha ko iyong cellophane at nagsimulang gumupit. Actually, we’re at Carl’s house at gumagawa ng props para ma-lessen na ang mga gagawin namin for the next days. Para na rin puro practice na lamang kami.
“Ace! Pa-help namang gumawa ng circle please!”
I looked at Mariel na nasa sahig ng bahay nila Carl. Kaunti lamang kami na nandito compared kahapon na kumpleto because practice namin iyon, at gagawa lang naman kami ng props today. Out of 15 members, 9 lang kaming nandito. “Ohh, okay. Wait lang ha? Tatapusin ko lang itong ginagawa ko.” Sinubukan kong hawakan iyong dulo ng cellophane para mabilis ng magupit pero hindi ko naman nagawa dahil masyado itong mahaba.
“Ako na.” Narinig kong sabi ng taong nasa harap ko.
Tumingin ako sa kanya, and it was Carl. “May ginagawa ka ‘di ba? Tapos mo na ba?”
“Katatapos ko lang.” Sagot nito sa akin pagkatapos ay hinawakan iyong cellophane.
“Ohh, okay. Hawakan mong maige ah.”
“Yes, Ma’am.”
Napaling ako sa sinabi niya. “Baliw.” Tinawanan naman niya ako.
“Thanks.” Sabi ko sa kanya nang matapos. Tumayo naman na ako at saka pumunta sa direksyon ni Mariel. Nakita ko namang nandoon si Lor, at pilit na gumagawa ng circle.
Hmmm, circle.
A smile formed to my lips. Now Lor, watch me. Ipapakita ko sa iyo ang tamang paggawa ng circle.
“Mariel, mayroon kang tali?”
Tumingin siya sa akin na kasalukuyang nagpa-paint.”Wala Ace eh. Hanap ka na lang dyan.” Tumango naman ako.
Nakakita ako ng nakausling tape na nakadikit sa karton at saka ko hinila, iyon na lang ang ginawa kong tali. Then, kinuha ko iyong ballpen sa bulsa ko. Kinuha ko iyong dulo ng ginawa kong tali at idinikit sa top ng ballpen at saka hinawakan din iyong isang dulo ng tali. Saka ko pinoint sa karton iyong ballpen, at iniikot.
“Nice Ace, forte mo talaga iyan.” Sabi sa akin ni Mariel.
Tumingin ako kay Lor at iniwasang matawa nang makita ko iyong bilog niya na wala sa hugis. “I know right. Gawin niyo na lamang na tularan iyong ginawa ko, tutulungan ko lang si Carl doon.”
Aalis na sana ako nang may biglang puimigil sa akin. “Ikaw na lamang ang gumawa nito.”
Tumingin ako kay Lor. “Eh anong gagawin mo?”
“Tutulungan ko si Carl.”
---
“Anong tingin mo kay Lor?”
BINABASA MO ANG
Book 1- My First Love [FIN]
ContoRevised ǁ How would you know if you've made the right choice? Property of: cerisemiestories.weebly.com