Chapter 15- I...What?

316 27 2
                                    

Cerisemie © Wattpad 2012

Chapter 15- I…What?

Seriously, what’s wrong with me? Really, I’m hurt physically. But how come na mas nangingibabaw iyong sakit emotionally? What’s wrong with me?

“Ah-a-aray.” Daing ko naman sabay bawi ng kamay ko sa pagkakahawak ni Nurse Adora. Noon ko lang kasi naramdamaniyong hapdi. Pero kinuha lang niya ulit ito.

Ngumiwi naman sa akin iyong dalawa kong bestfriend. “Iyong totoo Ace? Alam mo bang kanina pa kami nakatingin dyan sa ginagamot sa iyo? And seriously, feen na feel namin iyong sakit tapos ikaw ngayon mo lang naramdaman?” Reklamo sa akin ni Christine.

“Aba, malay ko. Ngayon ko lang naramdaman iyong sakit eh.” Sagot ko.

“Panigurado, hindi mo rin napansin na nakaalis na si Carl kanina pa.”

Saka naman ako napalingon sa paligid. “Umalis na siya?”

Napatampal naman iyong dalawa sa kanilang noo. “Sabi ko na nga ba.”

“Saan ba lumilipad ang utak mo?”

“W-wala. Basta, hindi ko lang naramdaman na nakaalis na si Carl.” Sagot ko naman.

“Aba, naging manhid ka ata.”

Napatingin ako kay Manilyn. Bakit noong banggitin niya iyon, pakiramdam ko, bumalik na naman iyong naramdaman ko kanina?

Napailing ako. Argh. Ayoko ng pakiramdam na ito.

“Kasalanan mo ito Christine eh!” Sisi naman ni Manilyn kay Christine.

“Ako na naman! Kanina mo pa ako sinisisi ah! Hindi ko naman kasalanan na siya iyong tinamaan ng bola! ‘Di ba nga nakita mo pang muntik ko ng sugurin si Lor? Ba’t ako sinisisi mo?”

Pumagitna naman ako sa kanila. “Wala namang may kasalanan. Huwag na kayong mag-away na dalawa.”

Totoo naman kasi. Wala namang may gusto noong nangyari eh.

Eh ang kaso, hindi nagpaawat si Manilyn. “Eh kasi naman! Kung hindi niya natapakan ang sintas mo hindi ka naman matatamaan ng bola eh!” Sabi ulit ni Manilyn with matching turo kay Christine.

Tumingin sa akin bigla si Christine. Nanglaki ang mata ko sa nakita ko. “Edi ako na may kasalanan! I’m sorry Ace.” Tumingin ito kay Manilyn, “Nakakainis ka na.” Sabi nito sabay labas ng pintuan ng Clinic.

“Hala, hanyare. Umiiyak iyon, nakita ko.” Sabi ko maya-maya nang makahuma na ako sa nangyari.

Tumingin sa akin si Manilyn at nanatiling nakatayo sa kinatatayuan nito. “Sumobra na ba ako sa pagsasalita?” Mabagal nitong pagkakasabi.

Book 1- My First Love [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon