Chapter 21- Competition

304 28 2
                                    

Cerisemie © Wattpad 2012

Chapter 21- Competition

Grabe na iyong tagaktak ng pawis sa katawan ko dahil kanina pa ako lakad nang lakad. Ieven scanned the elementary department to search for Carl but he wasn’t there.

Nang makasalubong ko naman iyong third year representative ng Student Government Council ng Academy ay kaagad ko siyang kinausap, “Nakita mo si Carl?”

Umiling siya sa akin. “Hindi po Ate Ace. Wala rin naman po siya sa quarters eh.”

Napabuntong-hininga ako. “Okay, thanks Ria.”

Umupo ako sa bench at saka doon muna nagpahinga. Actually, the reason why I wanted to talk with Carl was because of what happened to me this past few days. Gusto ko lang siyang makausap, gusto ko lang humingi ng sorry because I totally forgot him. Talagang nakalimutan ko siya dahil masyado na akong okupado ng iba’t-ibang iniisip. Siguro, totoo nga iyong sinabi noong iba. Basta masaya ka, makakalimutan mo na may nasasaktan at masasaktan ka sa bawat gagawin mo.

Gusto ko lang isipin ni Carl na kahit ganito na ang mangyari, I still care about him. Ayoko namang isipin niya na porket Lor was there already eh nakalimutan at kakalimutan ko na ang ginawa niya sa akin. Carl was there noong down na down ako, and I don’t want to alienate him as a friend.

I was walking towards the direction of our classroom at doon ko na nagbabakasakaling makita si Carl sa room namin when Ma’am Lacangan called out my name. Kaagad naman akong lumapit kay Ma’am.

“Chloe, I’m looking for you kanina pa. Saan ka ba nagpunta?”

Napakamot naman ako sa noo ko, “Ma’am, sorry po. Hinahanap ko po kasi si Carl dahil may sasabihin po ako sa kanya, kaya nga po siguro hindi niyo ako mahanap.”

“Nasa Principal’s Office si Carl kanina pa. Kaya imposibleng makita mo talaga siya. And besides, kayong dalawa talaga ang dapat nandoon na kanina pa sa Principal’s office dahil may sasabihin sa inyong importante.”

Nagtaka naman ako, pero nakisabay naman na ako kay Ma’am na maglakad. “Bakit po? Anong mayroon?”

“I think it was all about the proposal that you and Carl passed last summer to the board. I wasn’t still sure though pero iyon lang kasi ang naiisip kong dahilan kung bakit kayo ipinapatawag.”

Na-excite naman ako bigla at tila nakalimutan ko ang totoong pakay ko. “Hala, sa tingin niyo Ma’am iyon na po iyon?”

Ngumiti siya sa akin. “I think so, Chloe. Besides, the competition will start in just two weeks. Though, I know naman na ready na kayo ni Carl for the contest dahil lagi naman kayong nag-aaral since summer pa.”

Napaingit ako ng sigaw. “Ma’am! Yes! If ever it was all about the competition thing, then Carl and I better pack our things already! Yay! Makakapunta kami ni Carl ng Japan! That was the place for the International Scientific Competition hindi ba po?”

Inakbayan naman ako ni Ma’am. “Don’t be too excited Chloe, I told you, I don’t know why Mrs. Principal called the both of you. I just assumed.”

Book 1- My First Love [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon