Cerisemie © Wattpad 2012
Chapter 29- Last Chapter
2 and a half weeks before their Graduation…
“Tigilan mo ‘ko JJ. ‘Di ako natutuwa sayo.” Angal ko sa kanya sabay tanggal ng braso niya na nakasampay sa balikat ko.
Nginisian ako ni JJ. “Ba’t ba? Noong nasa St. Mary tayo, okay lang sayo na ginagawa ko ‘yan. Pero ngayon, tingnan mo ‘to.”
“Eh sa ayoko eh! Pakelam mo ba?”
“Woah. Chill Ace.” Sagot niya sakin.
Biglang umentra si Christine. “Kung hindi ko lang talaga alam na may iba kang gusto bessy,” Sabi niya sakin. “Iisipin kong may something sa inyo ni JJ eh.” Dugtong nito.
Kaagad akong napanganga. “Over my dead body!” Sagot ko. “No way!” Sagot naman ni JJ.
Natawa silang pareho ni Manilyn sa reaction namin. “Mas malala sila sating mag-away, liit.”
“Oo nga, liit the second.” I rolled my eyes.
Pinuntirya ko na naman ‘yung katabi ko. “Alis na nga JJ!”
Kaagad na bumalik ang nakakabwisit na ngiti niya sakin. “Natatakot ka lang atang magselos siya eh. ‘Wag kang mag-alala, aalis din ako dito mamaya. Alam ko namang katabi mo siya eh. And alam kong excited ka ng makatabi siya ulit.”
“Tss. Hindi ah.”
“Palusot pa eh.”
Napabuntong-hininga naman ako. Tila, parang nakalimutan ko bigla ang pang-aasar nilang tatlo sakin. Matagal pa bago ako nakapagsalita. “Wala na JJ. Kahit anong gawin mo, o ninyo, wala na. Tapos na talaga.” At saka ako napahawak sa mukha ko at sumubsob sa desk. Hindi ko alam kung nagets ba nila ang sentimyento ko, basta, iyon lang ang alam kong nararamdaman ko ngayon. “Bumalik ka na ngang St. Mary. Tapos naman na ‘yung mga ipapasa mo ah.”
“Oh, so you’re in an emo-mode?” He tsk-ed. “’Di mo ba itatanong sakin kung totoo ba ang sinabi ni Manilyn tungkol kila Mariel?”
I immediately glared at him. “So you’re saying that my bestfriend is a lier?”
“Hindi ah.” Kaagad nitong sagot.
“Amalayer?” Entra ni Manilyn.
“Ate, ginanon mo ako eh! Oh, so you’re telling me amalayer?” Alam kong nagpapatawa lang ‘yung dalawa kong bestfriend, but seriously, ‘di ako natawa.
“At saka, ang sasabihin ko naman talaga eh, kukumpirmahin ko lang na totoo talaga ang sinabi ng bestfriend mo.” Sabi sakin ni JJ. At saka niya ako tinawanan ng malakas.
Siguro, lahat na ng inis sa katawan ko ay lumabas na. Kung ayon nga sa kanya na nasa emo-mode ako kanina, well, makikita niya ang beast-mode ko ngayon. Kung sabihin sakin ng iba na paiba-iba na ako ng ugali, wala na akong pakelam. Basta, bwisit na bwisit lang ako sa lalaking katabi ko ngayon. “Pakyu JJ, pakyu. Sana hindi ka sagutin ng kapatid ni Justin. Karma ‘yun sayo! Bwisit!”
BINABASA MO ANG
Book 1- My First Love [FIN]
KurzgeschichtenRevised ǁ How would you know if you've made the right choice? Property of: cerisemiestories.weebly.com