Cerisemie © Wattpad 2012
Chapter 26- St. Mary Academy
To begin with, maayos naman ang pag-stay ko sa St. Mary Academy. I got a lot of friends, sobrang mabait ang administrator unlike Mrs. Principal sa Angels Academy na minsan kasi masungit minsan naman mabait. Siguro, isa na rin sa naging dahilan kung ba’t marami akong naka-close ay dahil close ko si JJ, na apparently is the grandson of the administrator.
Actually, hindi ko nga napansin na February na. Yes, totoo. Apat na buwan na akong nandito. Apat na buwan na ang matuling lumipas. Ang bilis talaga ng panahon. Pero teka, bigla naman akong natawa sa sinabi ko, it’s as if it’s been four years kung makapagsalita ako eh!
Well, sa ngayon ay abala ang mga students dito sa St. Mary Academy sa Juniors and Seniors Promenade. Hindi lang dahil sa paghahanap ng mga suits and gowns, abala ang fourth years dahil sila ang nakatoka sa designs, and busy din ang juniors dahil sila ang nakatoka sa set-ups. ‘Yun nga ang isa sa mga dahilan kung bakit nagustuhan ko dito sa Academy, tinuturuan ang mga students ng events management.
And oh, before I forgot, 3 weeks from now, babalik na ako sa Angels Academy. And I’m really excited na para umuwi. Wooo, beat that! Makikita ko na ulit silang lahat!
“Hey, wala ka pa ring partner?”
Napatingin ako bigla kay JJ na nakatabi sa akin ngayon at tinutulungan ako sa paggugupit ng mga bulaklak. “’La. Hindi naman required na may partner ah?”
“Hindi nga. Pero syempre, mas magandang may partner ka.”
Tumaas ang kilay ko sa kanya. “Aduy! Barbero ka, gusto mo lang akong maka-partner eh!”
Ngumisi siya sa akin. “Partner na kita ha?”
“Pinagseselos mo lang yata si K—“ Kaagad tumalim ang tingin niya sa akin kaya ako napatawa. “JJ, masyado kang child abuse, alam mo ba ‘yun?”
“Ba’t ba ang hilig mong asarin ako ‘dun? Eh ang bata-bata pa ‘nun eh!” Pagkasabi nito ay biglang dumating si Justin, bestfriend nito. Mas napangisi ako nang makita ‘yung kapatid ni Justin na nasa tabi nito.
“Uy taba.” Pang-aasar ni JJ ‘dun sa kapatid ni Justin na first year high school.
Napansin kong umirap ito at may sinabi sa Kuya niya na ikinatawa naman nito. “Halatado ka masyado JJ. Halatang-halata.” Pang-aasar ko rin sa kanya.
“Tigilan mo nga ako, Ace. Baka gusto mong sabihin ko na sa mga kaklase mo kung saan talaga ‘tong school natin?”
I scoffed. “As if na gagawin mo, kasama sa pinirmahan mong waiver na bawal sabihin ‘no.” Sa totoo lang, alam naman ng Angels Academy ang St. Mary Academy. Alam nila ang school na ito, ang province kung saan ito matatagpuan, pero hindi ‘yung mismong lugar. Ganoon din sa mga students ng St. Mary. Unusual, pero nakasanayan na rin ng mga students. For the sake of privacy daw na hindi ko ma-gets kung para saan.
“Nakakalimutan mo atang apo ako ng administrator Ace.” Ngisi niya sa akin. “Akala mo, takot ako sa binablack-mail mo saking waiver?”
BINABASA MO ANG
Book 1- My First Love [FIN]
Short StoryRevised ǁ How would you know if you've made the right choice? Property of: cerisemiestories.weebly.com