Cerisemie © Wattpad 2012
Chapter 18- Confessing what?
It was a moment of silence. Lahat ng limang nasa harapan ko ay biglang tumahimik. But then again, kaagad din akong napasinghap nang biglang itinaas ng taong tinitingnan ko ang ulo nito at biglang tumingin ng diretso sa mga mata ko.
Eye to eye.
"W-what the hell." Bulong ko.
Kanina pa kaya siya gising?
Huminga ako ng malalim. "K-kanina ka pa g-gising? A-anong narinig m-mo?"
Tumayo ito nang dahan-dahan habang hindi inaalis ang tingin sa mga mata ko. Hindi ko na nakayanan ang nararamdaman kong malakas na tibok ng puso ko kaya bigla akong tumakbo palabas ng room. Nakadaan ako sa kabila ng limang barkada niya dahil sa tingin ko ay hindi rin nila inaasahan ang ginawa nito.
Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa natagpuan ko ang sarili ko sa may pintuan ng library. Pumasok ako sa loob, nadatnan ko ang ibang students doon na kung walang tutor is kasama ang mga kaibigan nila at nagbabasa roon. Pumunta naman ako sa may dulong parte na hindi masyadong kita ng iba, which is my hide-out dito sa loob ng library. Sumalampak ako doon, pumikit, habang habol ko ang hininga ko.
Ipinangkapa ko iyong kamay ko para kuhanin ang bag ko at para kumuha ng panyo ko doon. Pero halos ipanglampaso ko na iyong kamay ko sa tiles pero hindi ko parin mahagilap iyong bag ko. Doon ko iminulat ang mata ko at inilibot ang paningin ko sa paligid ko. "Omyghad, iyong bag ko nasaan?" Bulong ko pa.
At saka ko naalala iyong nangyari kanina, nabitawan ko iyong bag ko! Hindi naman ako pwedeng bumalik doon kaagad because I'm not ready for any confrontation, and besides, panigurado ay nandoon pa sila. Napabuntong-hininga na lamang ako. Good thing that my phone was on my pocket, I create a message and send it to my father saying na mala-late ako ng uwi because I was at the library. It was a white lie, but still, nasa library pa rin naman ako ah.
I looked at my watch; it was already 4:18 in the afternoon. Kinuha ko na lamang ang favorite book ko na isinuksok sa may bandang gilid ko para walang makakita o makakuha kahit na sinong student at saka nagsimulang magbasa.
I was already finished reading it when I look at my watch again, it was already 5:30. I stood up at saka pinagpag ang damit ko. May naabutan akong ilang students na lower years kasama ang tutor nila.
Habang nasa daan patungo sa department namin, lilinga-linga ako sa paligid. Ofcourse, I still don't want to see them. After what I admitted few hours ago? Kung pwede lang na magpaka-invisible every freaking day na makakaharap ko sila ay gagawin ko, huwag ko lamang sila makausap.
Napabuntong-hininga ako when I didn't found my bag inside our classroom. Maybe they get it. Wala na rin akong nararamdaman na malamig sa paligid, which means na patay na ang aircon and kanina pa sila wala rito.
Nanlulumo akong lumabas ng room at naglakad palabas ng Academy. But, nasa pintuan pa lamang ako ng katabi naming room ay may narinig na akong nagsalita. "Why did you run away?"
Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Nandito pa siya?
I chose to run again. Ewan ko. Ganito siguro kapag umamin ka sa isang tao. Hindi mo siya maharap. Hindi mo siya makausap. Dahil nahihiya ka.
At isa pa, lalo na kapag alam mong, nagustuhan ka niya, pero hindi na ngayon.
"Hey stop! Hindi ko ibibigay ang bag mo kapag hindi ka huminto!"
BINABASA MO ANG
Book 1- My First Love [FIN]
Short StoryRevised ǁ How would you know if you've made the right choice? Property of: cerisemiestories.weebly.com