Chapter 1 - Hello first day!

883 34 13
                                    

Cerisemie © Wattpad 2012

Chapter 1 - Hello first day!

*Hello Sunshine, Hello Sunshine*

Okay, ang weird lang ng alarm clock ko. Anyway, it’s time to get up na! This will be my first day of classes. And I know, all of the students especially 4th year high school students like me are very excited because of this day. Syempre, last year, more experiences and at the same time ay huling taon para maging papetiks-petiks bago suungin ang new path ng buhay nila. Edi syempre, mas masaya kung susulitin kaagad hindi ba?

Hay, henebe! Bakit ba nagpapaka-senti ako? I stood up and went to the bathroom. Ginawa ko ang morning rituals ko, after that, bumaba na ako para kumain naman ng breakfast ko together with my Mom.

“Ma, ang aga atang umalis ngayon ni Papa?” Sabi ko pagkatapos kong kagatan iyong sandwich ko, my breakfast for this day.

“Actually, nasa labas na ang papa mo. Hinihintay kang umalis.” Natatawang sabi ni Mama. Natawa na rin ako, mas excited pa pala si Papa sa akin eh!

“Bilisan mo ng kumilos, alam mo naman ang Papa mo, Ace eh.” Okay, that’s my name.

 

Antanasia Chloe Emi M. San Diego to be exact. And yeah, hindi masyadong pinag-isipan ng parents ko ang pangalan kong ito. And because I don’t like this name, I mean ayoko ng masyadong mahabang introduction lalo na kapag tinatawag ako, I prefer to be called as Ace only. I got this name from the first letters of my name. Mas okay din naman ang pangalang iyon kahit pang-lalaki hindi ba?

“Ma, alis na po ako.” Sabi ko pagkatapos kong mag-toothbrush at madala na ang gamit ko. Tumango sa akin si Mama, and syempre binigay na ang aking pinakaaasam na baon! Yipee, 2 months din akong nagtiis sa ipon ko ah?

“Papa, sabi ni Mama mas excited ka pa raw sa akin ngayon.” I said when I saw my father standing beside our car.

“Pareho lang naman tayo ng papasukan hindi ba?” Nakangiting sagot sa akin ni Papa. Okay, guidance councilor nga pala ng Angels Academy which is the school where I am studying ang Papa ko.

“Papa, as far as I know is 9 in the morning ang pasok mo.” Napakamot sa batok si Papa dahil sa sinabi ko.

“Ikaw talagang bata ka. Tara na nga, mala-late ka na.” Hindi ko na inasar si Papa at sumakay na sa kotse namin. Pagdating naman naming ay kaagad kong nilahad ang palad ko kay Papa.

“Okay Ace. What’s the meaning of that?”

“Uhh, baon Papa?” Natatawa kong sagot. Umiling na lang sa akin si Papa at nag-abot ng dalawang ubeng papel na pera. Lumawak ang ngiti ko, nagpaalam na ako kay Papa at lumabas na sa kotse namin. Besides, hiwalay naman ang direksyon ng opisina niya sa building namin kaya nauna na ako.

“BOO!” Nagulat naman ako ng may dalawang biglang nanggulat sa akin pagliko ko sa building namin.

“Ang addick niyong dalawa, alam niyo iyon?” Kaagad kong sabi ng makilala ko kung sino ang dalawang ito.

Book 1- My First Love [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon