Cerisemie © Wattpad 2012
Chapter 6- Crush
Pagdating ko sa school even though maaga akong gumising, ay nakita ko ng sinalubong ako ng dalawa kong best friends at kaagad akong nilapitan.
“Ow Christine, may dala ka bang sunglasses? Ayokong makita ang mapanuring mga mata ng isa diyan.” Narinig kong sabi ni Manilyn and I rolled my eyes.
“Actually, nakalimutan kong magdala best. Sa susunod, magdadala na ako promise.” Christine answered with a salute.
“You guys know what?” Pareho silang napatingin sa akin. “Nagkatotoo nga iyong itinawag niyo sa akin. Papa just confiscated my phone a while ago.” Then, nakarinig ako ng hiyaw from Manilyn.
“Yes! Christine, I won! Where’s my teddy bear?” Napakunot ang noo ko dahil sa narinig ko.
“Bakit? Anong mayroon?” Tanong ko sa kanilang dalawa.
Ang tanging napansin ko lang ay ang victorious smile from Manilyn, at ang isang nanlulumong tingin naman from Christine.
“Here’s the teddy bear. Ingatan mo iyan ah!” Sabi ni Christine at saka iniabot kay Manilyn iyong favorite teddy bear niya na kinuha niya mula sa bag niya. Mas lalong kumunot ang noo ko kaya kaagad kong kinuha ang teddy bear na iyon bago pa man mahawakan ni Manilyn.
“You guys will tell me what’s happening or itatapon ko ito?” I mocked them. Pero kahit niloloko ko lang sila para naman magsalita sila ay halata namang seryoso ako.
“Don’t.” Sagot sa akin ni Christine. Halatang kabado sa ginawa ko.
“Hey, huwag naman Ace! Sa akin muna iyan!” Manilyn said.
“Then, sabihin niyo sa akin kung anong mayroon!” Sagot ko sa kanila.
“Well, nagkaroon kami ng bet. Christine said na kapag hindi na-confiscate ang phone mo, she will take all my gadgets for a day. And kapag ako ang nanalo, kukunin ko naman iyong favorite teddy bear niya for a day din. How nice isn’t it?” Nakangiti niyang sagot sa akin habang nakalahad ang dalawang kamay to motion na iabot ko na sa kanya iyong teddy bear.
“So ako pa pala ang pinagpustahan niyo?” Sagot ko naman.
“Okay lang iyon best. Andyan na eh.” Sagot naman sa akin ni Christine. I stuck my tongue out at them at pinagtawanan nila ako.
Dumiretso naman na kami sa loob ng classroom. Pagkatapos ko namang umupo ay inikot nila bigla ang upuan ko para makaharap sila.
“Why?” Tanong ko naman kaagad sa kanila.
“May hindi ka sinasabi sa amin.” Christine said.
Kumunot ang noo ko. “At ano naman iyon?” Sagot ko sa kanila. I tried to remember anything na hindi ko raw sinabi sa kanila, and wala akong maalala.
BINABASA MO ANG
Book 1- My First Love [FIN]
ContoRevised ǁ How would you know if you've made the right choice? Property of: cerisemiestories.weebly.com