Chapter 20- Blissful

391 27 7
                                    

Cerisemie © Wattpad 2012

Chapter 20- Blissful

Pagkatapos naming bumili ng drinks sa paborito naming bilihan eh lumabas na kami ng cafeteria at naglakad patungo sa aming classroom.

“Edi kayo na talaga ang may lovelife, ako na wala.” Nakangusong sabi sa amin ni Christine.

Pinagtawanan lang namin siya pareho, muntanga naman kasi, ngumunguso pa eh iyon lang naman ang sinabi. “So, naiinggit ka?” Segunda sa kanya ni Manilyn.

“Sort of.” Sagot naman nito.

“Edi naiinggit ka nga!” Pagkatapos ay tumawa ako. “Eh kung pagtuunan mo na lang kasi si Vince—“

Hindi pa naman ako tapos magsalita eh umentrada na kaagad si Christine. “Hell no, Ace. Alam niyo naman ang ginawa sa akin noong bwisit na kumag na iyon ‘di ba?”

“Eh paano ba iyan, the more you hate, the more you love.” Ngisi sa kanya ni Manilyn.

“Pwede ba.” Sabi sa amin ni Christine with matching hand gestures and a digusted face. “Like duh, hinding-hindi ako magkakagusto sa taong wala naman kayang ipagmalaki.”

“Sumasayaw naman yun ah.” Sabi ko naman habang natatawa. Nakakatawa kasi ang reaction ni Christine, inaasar lang naman namin siya. Eh halatang-halata kung gaano siya kainis doon sa tao.

“Kahit siya pa si Michael Jackson ng bansa natin, I don’t really care. Sana ba, noong tinalo niya ako sa pagiging vise-president ng student council eh nakipag-debate siya. Eh ang kaso hindi, ang bwisit na lalaki eh nagpakita ng katawan DAW niyang matcho para lamang manalo. Like ewww lang ha.”

“Eh nanalo siya eh. At wala kang magagawa.” Sagot ni Manilyn. Syempre, papatalo ba ako ng sasabihin? “At syempre, tinalo ka niya.”

Humagalpak na lang kaming tawa ni Manilyn nang magwalk-out sa harap namin si Christine. “Hu-u kayo sa akin kapag nanalo ako next year!” Sigaw niya pa sa amin.

“Eh ang kaso, hindi ka na mananalo dahil wala ng next year at College na tayo pare-pareho nun!” Sigaw din naman ni Manilyn, mas lalo tuloy kaming natawa.

Saktong pagdating namin sa room ay naaubutan pa namin si Christine sa labas, “Anong meron?” Sabay naming tanong ni Manilyn sa kanya.

“Wala na raw klase.” Sagot naman nito.

“Bakit daw?”

“Tanong niyo kay Janeth. Siya may alam eh.”

Tumingin naman kami kay Janeth na kasalukuyang nasa harap. “Bakit walang klase? Anong nangyari?” Tanong ko sa kanya.

Bumuntong-hininga ito at inirapan si Christine. “Nako naman kasi Christine! Alam mo naman na iyong reason eh hindi mo pa sinabi kila Ace!”

Book 1- My First Love [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon