Chapter 24- The twist to their story

294 24 3
                                    

Cerisemie © Wattpad 2012

Chapter 24- The twist to their story

“You should talk to him, Ace.” Napatingin ako kay Carl nang sabihin niya ito. Kinausap niya ako nang finally eh mapansin niya na mag-iisang linggo na rin na iniiwasan namin ni Lor ang isa’t-isa.

“Para ‘san pa? May magbabago ba kapag sinabi ko sa kanya ‘yung nalaman ko? Alam ko namang wala eh. Nawala na rin naman ang lahat ng mayroon saming dalawa Carl, kaya alam ko na wala ng mangyayari. Sa tingin mo ba, ano bang laban ko ‘dun sa nalaman ko ha?” Tanong ko sa kanya. Bigla ko na namang naalala ang lahat ng nalaman ko bago pa man kami makauwi ng Pilipinas at ‘yung nangyari last week. Shit lang talaga. Nakakapanglumo.

“Posibleng wala. Posibleng meron. Pero atleast, sinubukan mo.”

Napatungo ako. Si Carl, siya pa lang ang tanging sinasabihan ko ng problema ko ngayon. Siya pa lang. Na kahit mismong mga bestfriend ko pa at pamilya ko, nilihim ko ang kinikimkim kong problema ngayon.

Bahagya akong natawa, kahit alam kong naramdaman ko na ang biglang pag-iinit ng mga mata ko. “Bigla kong naalala iyong sinabi mo dati, ‘yung tungkol sa dalawang bida na hindi makuha-kuha ang happy ending nila ng mas maaga dahil mas iniisip nila iyong ibang tao kaysa sa sarili nila?” Huminga ako ng malalim. “Carl, in your own opinion, bakit nga ba hindi makuha ng mga bida ang happy ending nila ng mas maaga sa mga drama at pelikula?”

“Sa totoo lang, naiisip ko, malayo pa kasi sila sa happy ending nila. Marami pa silang kailangang pagdaanan.”

“Pero alam mo kung ano rin ang natutunan ko sa sinabi mo? Na sa buhay, hindi ikaw palagi iyong bida. Hindi ikaw palagi iyong makakakuha ng happy ending. Darating sa buhay natin na minsan, ikaw pala ‘yung gaganap na evil step-sister, the villain, o kontrabida, na tawag ng lahat.” Napatingala ako. “Minsan ba, naisip mo na baka ako ang kontrabidang iyon? Malay mo, pinaglalaruan lang ako ng tadhana, that I needed to meet him, fall for him, then left him eventually, dahil hindi ako ang end game na nakalaan para sa kanya. Isa lang kasi akong hamak na kontrabida na dumaan sa buhay niya bago niya makilala iyong totoong para sa kanya.”

Narinig ko siyang bumuntong-hininga. “Anong plano mo ngayon?”

Pinakatitigan ko iyong damo at napansin kong may tumulong isang luha roon. “Anong plano Carl? Tapos na ‘yung pinlano ko. Pinatigil ko na siya sa kung anong ginagawa niya, tinapos ko na rin ‘yung namamagitan sa amin. Kaya anong plano ka dyan?”

Kahit malabo na ang paningin ko ay napansing kong umiling si Carl. “Wala ka talagang balak sabihin sa kanya ‘no?”

I immediately scoffed. “Carl, ba’t ba hindi mo maintindihan? Ba’t ‘di mo ma-gets ang ginawa ko? Pumipili lang naman ako ah? ‘Di ba nga sabi nila, you can’t have them both? Kaya kahit masakit, sobrang sakit, kailangan kong mamili. Ano ba naman kasing laban ko sa mga nalaman ko? Wala talaga eh. It’s as if, nakalatag na ang bawat gagawin ni Lor. Kung sakali mang piliin ko siya, wala ring mangyayari, hinding-hindi kasi ako makakasama sa mga bawat nakalatag ng gagawin niya.”

Yumuko si Carl. “Remember the 2 truths and 1 lie? May pinagsisisihan akong bagay na dapat ginawa ko before. Mahilig ako sa bata. At, nagka-girlfriend na ako.

Book 1- My First Love [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon