Chapter 25- Leave

282 24 2
                                    

Cerisemie © Wattpad 2012

Chapter 25- Leave

 

Tiningnan ko ‘yung papel na may nakalagay na parang kontrata pero hindi naman kontrata ang nakasulat, at saka ko iyon pinirmahan. “Are you really sure about this thing, Chloe?”

Tiniklop ko ‘yung papel sa dalawa at isinilid sa bag ko. “Ilang araw ko na rin naman po itong pinag-isipan, Ma’am. Pumayag na rin naman po sila Mama sa desisyon ko. Besides po, nakatulong na rin ako kahit papaano kay Janeth sa problema niya since siya naman po talaga dapat ang gagawa nito. At saka Ma’am, wala na pong atrasan since napirmahan ko na po itong waiver.”

Tumingin sa akin ng mataman si Ma’am. “Baka naman Chloe, ginamit mo lang ang project na exchange student ng kapatid na Academy natin para makaalis at para meron kang dahilan para lalong iwasan iyong iniiwasan mo?”

Napangiti ako. “Ma’am naman.”

Tumayo ito at sinimangutan ako. “Mabuti pang tumayo ka na at umuwi na. Papipirmahan mo pa iyan sa mga magulang mo. Ihahatid ka na lamang ng Academy sa Sunday since medyo malayo ‘yung papasukan mo dito sa Bulacan.”

Tumayo rin ako. “I’ll miss you Ma’am.” Napangiti ako nang mapansin ko na natigilan siya. Nang humarap sa akin si Ma’am ay niyakap ko siya.

“Ikaw talagang bata ka.” Hinigpitan ni Ma’am ‘yung yakap niya sa akin. “Magpapakabait ka ‘dun ha? October ang buwan natin ngayon, babalik ka dito nang March na kaya mag-iingat at mag-aaral kang mabuti ha?”

Tumango naman ako. “Ah Ma’am, pwede po request? Pwede po bang ‘wag niyong sabihin kahit kanino kung saan po ako lilipat na school? Advance thank you po.”

“Madali lang naman ‘yang gusto mo dahil ‘yun naman talaga ‘yung rule na nakalagay sa waiver mo. Pero wala akong magagawa kapag tinanong nang mga kaklase mo ang papalit sa iyo na taga St. Mary Academy.”

Humiwalay ako sa yakap ni Ma’am. “Kilala niyo na po ba ‘yung papalit sa akin?”

Tumango si Ma’am. “Actually, apo na siya sa tuhod ng founder ng Academy nila. Napakapasaway daw ‘nun kaya siya ang naisipang ilipat dito. Ang alam ko, porket apo sa tuhod ng may-ari, may kundisyon pa bago siya talaga lumipat dito.”

Napanganga naman ako. “Hala, grabe naman ‘yun, Ma’am.”

Ngumiti sa akin si Ma’am. “’Wag mo ng problemahin iyon Ace. Kakausapin ko na lang ‘yung papalit sa iyo at sasabihin ko sa kanya ‘yung pabor na hinihingi mo.”

Napailing naman ako kaagad. “Hala, Ma’am. ‘Wag na po. Ako na pong bahala ‘dun Ma’am. Kakausapin ko na lang po siya bago pa man siya pumunta rito besides, Sunday naman po eh nandoon na ako.”

Tinapik na lang ni Ma’am ‘yung balikat ko. “Mamimiss din kita Chloe.”

Pagkaraan kong makalabas ng office ay dumiretso ako sa room namin. Nakalimutan ko kasing bitbitin ‘yung folder ko na naiwan ko pa pala sa room. Pagkaraan kong makuha ‘yung folder ko eh nagulat naman ako na nasa may likod ko ‘yung dalawa. “Anong problema niyo?” Tanong ko sa kanila nang malaglag ko ‘yung folder dahil sa gulat ko sa kanila.

Book 1- My First Love [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon