Cerisemie © Wattpad 2012
Chapter 28- Folder
Kanina pa ako iyak nang iyak. Hindi ko alam kung ano ba ‘yung dapat kong maramdaman. Gulong-gulo na ako. Maiinis ba ako o matutuwa sa lahat ng nalaman ko? Kanina pa rin ako tinatahan nila Ma’am Lacangan pero iyak pa rin ako nang iyak.
Sinabi ko sa kanila sa pagitan ng paghikbi na kung pwede ay ihatid ako sa bahay nila Manilyn. Pinagpaalam na rin ako sa parents ko. Matagal din bago sila pumayag, dahilan nila na kailangan ko na raw muna na umuwi, makita nila Mama at Papa para sure na ligtas akong nakauwi, magpahinga muna at ipagpabukas na lang daw ito, pero pinilit ko pa rin.
Nang makababa ako sa sasakyan ay tumulo na naman iyong luha ko. Hinigit ko iyong paghinga ko at dumiretso sa may gate. Sakto namang nasa may garden si Manilyn at siya ang nagbukas nito. Nakakatawa nga, malabo na ‘yung paningin ko dahil sa luha pero nakita ko pa rin si Manilyn.
Pagkaraang makapasok ako sa loob ay kaagad kong kinuha ang braso ni Manilyn. “T-totoo ba?”
Hinawakan niya iyong balikat ko. “Teka Ace, ano bang nangyayari? Bakit ka umiiyak? Kauuwi mo lang ‘di ba? Bakit? Anong nangyari?”
“Totoo ba? Na pinsan mo si Lor? And he’s Raffy?”
Napansin kong napasinghap siya. “Omyghad, kanino mo nalaman?”
Napasinghap din ako. “So totoo nga?”
“Yes, yes. He’s my cousin, he’s Raffy. Ace, I’m sorry, Lor told me na ‘wag nga raw sabihin sayo. Not that he wanted to surprised you, ang gusto kasi niya, magustuhan mo siya hindi dahil siya iyong kababata natin, gusto niyang magustuhan mo siya bilang Lor, not being Raffy.”
Napaupo na ako sa damuhan nila at humagulgol doon. “Shit, Manilyn. I pushed him away because I thought he’s your fiancé! I fvcking pushed him away!”
Kaagad naman niya akong dinaluhan. “W-what? All this time, ‘yung sinabi mo sa akin before na kilala mo na ang fiance ko eh you thought it was Lor? God Ace! He’s my cousin! K-kaya ba bigla na lang kayong naging ganito? I-I never knew! I never had a chance na magtanong sayo kung anong problema because first, ayaw mong magsalita, and second, ang bilis ng pangyayari at dumating na lang sa point na aalis ka na pala!”
Nayugyog ko na siya. “Manilyn, I pushed him away kasi akala ko siya iyong fiance mo. I pushed him away kasi ‘yun iyong inakala kong tama. Umalis ako sa pag-aakala na magiging okay na ako pagbalik ko, pero nawala lahat ‘yun pagkatapos ng nalaman ko! Shit, puro ako akala! Ang tanga ko! Ang tanga-tanga ko! Ba’t ang tanga-tanga ko bessy.”
Hinawakan niya ako sa braso. “Hush, Ace. Don’t blame yourself.”
“Paanong hindi ko sisisihin iyong sarili ko eh ako naman pala ang puno’t dulo ng lahat ng ito! Me and my hastiness! God, bessy, I pushed him away for nothing! Tinaboy ko ‘yung taong mahal ko para lang sa wala.” Napatingala ako, “Ba’t napakatanga ko! Ba’t ‘di ako nag-isip!”
“Ace, hush, Ace, ‘wag ka ng umiyak. Pag-usapan natin ‘to, alam mong walang mangyayari sa pag-iyak mo.”
BINABASA MO ANG
Book 1- My First Love [FIN]
Storie breviRevised ǁ How would you know if you've made the right choice? Property of: cerisemiestories.weebly.com