Cerisemie © Wattpad 2012
Chapter 19- Courting
I fished out my phone when I felt its vibration. I smiled when I read a text message came from him saying, “I can’t explain how much I like you. All I know is, whenever I see or whenever you talk to me, there’s a strange feeling inside of me. Goodmorning! I hope this simple text message can make you smile. See you later.”
My father looks at me. “Is it him?” I nodded.
“Ace, kahit paulit-ulit naming sabihin sa iyo ito ay hindi kami magsasawa ng Mama mo. Just enjoy this feeling okay? Hindi ka namin pipigilan na magkaroon ng boyfriend. But please, huwag mong kakalimutan ang pag-aaral mo. Malaki ang tiwala namin sa iyo ng Mama mo.”
I smiled. “Yes Papa. And thank you po dahil may tiwala kayo sa akin.”
He smiled at me too. “Ofcourse, you’re our daughter. May tiwala rin naman ako kahit papaano kay Lor, and besides, he need to earn it again after all what happened. I just don’t want to see you cry again because of him, dahil hindi ko alam ang gagawin ko sa kanya kapag nangyari ulit iyon.”
“Si Papa, ang seryoso masyado.”
He laughed, at saka ipinark ang kotse sa loob ng Academy. “We love you Ace, and we just want what really the best for you.” Then he kissed my forehead.
“I love you too, Papa.” At saka ako lumabas ng sasakyan namin.
I was already heading to our building nang matanaw ko siya sa may harap nito. Nakasandal at nakataas ang isang paa sa pader, at may suot-suot na earphones. We’re both grinning from ear to ear when we both look at each other.
Shit, ang gwapo. Ang gwapo-gwapo niya sa paningin ko. Lalo na ngayon.
“Hi.” Omyghad, simpleng hi pa lamang iyon, feeling ko sobra-sobra na ang nararamdaman ko.
“Hello.”
“Tara na?”
“Hinihintay mo ba ako?”
“Ofcourse. I am waiting for you. Always.” I immediately blushed. Shet, anong mayron sa araw na ito at nagkakaganito ako?
“Anong sinabi sa iyo ng parents mo pagkatapos kong umalis sa inyo kagabi?” He asked habang naglalakad kami patungo sa classroom namin.
“Uhm, actually wala na. Pwera na lang sa isang bagay na sinabi sa akin ni Mama.” Sabi ko at bahagyang humalukipkip.
He looked at me. “Anong sinabi sa iyo ng Mama mo?”
Napakagat ako sa labi ko. “Uhh, w-wala iyon. Huwag mo ng pansinin.”
“Sige na, sabihin mo na.” Pamimilit niya pa sa akin.
BINABASA MO ANG
Book 1- My First Love [FIN]
Short StoryRevised ǁ How would you know if you've made the right choice? Property of: cerisemiestories.weebly.com