Cerisemie © Wattpad 2012
Epilogue
Minah's POV (Refer Chapter 12, kababata siya ni Carl)
Alam mo 'yung mahirap sa mga extra lang sa bawat istorya? Ito 'yung katotohanan na, pagkatapos ng happy ending ng mga bida, nakatengga na lang sila sa isang tabi, not knowing who will be the one for them. Basta, hanggang doon lang sila ginawa ng manunulat sa puntong, tuluyan na nilang binitawan 'yung bida para lang magkaroon ng happy ending ang mga ito.
Ang saklap 'di ba? Eh nasaan ang kasiyahan ng mga extra? At ano nga bang nangyayari sa mga extra, after nito?
Bumukas ang ilaw sa may gilid kaya napatingin ako kay Carl na nasa gilid ko. Napansin ko naman ang panginginig ng balikat niyang nakadikit sa balikat ko. Napakagat ako ng labi ko nang mapansin ko ang napakalungkot na expression ng mukha niya habang nakatitig sa magkayakap na Ace and Lor sa stage.
Napahinga ako ng malalim at nahigit ang paghinga habang pinipigilan ang luhang gustong dumaloy sa mga mata ko. Matagal ko ng mahal si Carl, matagal na, sa sobrang tagal eh nakalimutan ko na kung kailan nagsimula. Kahit kababata ko na siya at kahit sobrang lapit namin sa isa't-isa, iba pa rin ang hinanap niya. It's as if, hindi pa ako sapat sa kanya. Nakuha ko pa ngang umextra at ipagkalat sa buong Academy na naging kami para lang maniwala siya na mahal ko siya. Hindi kasi siya naniniwala dahil para sa kanya, magkababata lang kami.
Napatingala ako at muling napakagat sa labi. Kung para sa iba, extra siya sa buhay ni Ace, come to think of it, Extra lang din talaga kaya ako sa buhay ni Carl?
xxxxx
Graduation Day
Ace's POV
"JJ! Happy graduation for the both of us!" masaya kong bati sa kanya noong sagutin niya iyong tawag ko. Naglalakad ako papunta sa Classroom namin dahil mahigit 30minutes pa naman bago magstart ang Graduation. Marami akong nakasalubong na ka-batch ko at bawat makita kong kakilala ay nginingitian ko. And besides, pinag-i-istay kami 'ron para raw hindi kami naggagala sa paligid ng Academy. Naiwan naman sila Mama sa may field dahil doon naman sila pinapunta at pinaghintay.
[Thanks Ace. Sayang nga at wala ko diyan.]
"Aysus, ang arte!" Natatawa kong sabi sa kanya. "Eh pwede ka namang pumunta rito anytime you want ah."
Narinig kong bumuntong-hininga ito. [Sa Manila na ako mag-aaral ng College.]
"Really? Edi maganda! Pero bakit parang disappointed ka pa ata?"
[It's not that. Alam mo namang doon naman talaga kami nakatira. Nag-stay lang ako sa St. Mary because of my Lola.]
"Eh ano bang problema mo? Isama mo si Justin!"
[Kasama ko naman siya eh.] Bumusangot na 'yung mukha ko. Ang gulo naman kasi nitong lalaking ito. [Ohh, I feel that someone's creasing her forehead.]
BINABASA MO ANG
Book 1- My First Love [FIN]
Short StoryRevised ǁ How would you know if you've made the right choice? Property of: cerisemiestories.weebly.com