Valencia, Bukidnon, Philippines. Kasalukuyang panahon. Alas-dos ng hapon.
Napaunat sa pagkakatalungko si Draven nang maamoy ang isang kakaibang halimuyak. Kanina pa siya sa parteng iyon ng gubat at naaaliw siya sa panonood ng iba't ibang klase ng ibon at hayop nang mapukaw siya sa kakaibang samyo na tila biglang pumuno sa malawak na kagubatan.
Kagabi lang sila dumating ni Athan Danilov sa parte nang maliit na bansang ito sa silangang Asya. Dumiretso sila agad sa malawak na lupain na nabili ng pamilya niya. Doon ay may nakatayong malaking bahay na animo ay kastilyo ang kayarian dahil iginaya ito sa magaganda at makasaysayang mga kastilyo sa kanilang bansa, ang Romania. Narito sila ng kapwa bampira na si Athan para sa isang misyon.
Tumayo siya upang sundan ang pinanggagalingan ng halimuyak hanggang humantong siya sa isang malawak na ilog. Lalong sumidhi ang bango kung kaya kumbinsido siya na malapit na malapit na siya sa pinanggagalingan nito. Sinuyod ng mga mata niya ang malinaw na tubig na nagmumula sa isang mataas na talon. Nang biglang namilog ang mga mata niya nang may makita siyang hubad na babae na tila walang pakialam habang mag-isang naliligo sa ilog.
Kahit kitang-kita niya ang kabuuan ng babae bagamat ilang metro ang layo sa kinatatayuan niya ay hindi niya napigilin ang udyok na lapitan ito at nang mabistahan pa lalo ang alindog nito. Sa edad niyang tatlumpu't lima ay aminado siya na hindi na mabilang kung ilang mga babae ang nakasiping na niya, bampira man o tao. Edad lamang niya ang nagbago pero hindi ang kanyang katawan at mukha. Taglay ang kakayahan ng isang bampira, napanatili niya ang kabataan at kakisigan sa loob ng maraming panahon. Normal para sa kanya ang init na nararamdaman kapag nakakakita ng tipo niyang babae. At alam na alam niya ang isang libo't isang kaligayahan na kayang iparanas ng isang lalaki sa kanyang kapareha gamit ang iba't ibang estilo sa pakikipagtalik.
At siya. Si Draven Gualtieri ay malayang nagagawa ang lahat ng iyon sa kanilang bansa. Kung kaya walang dahilan upang hindi rin niya iyon gawin sa maliit na bansang ito.
Gamit ang kakayahang makalipat ng puwesto nang hindi gumagawa ng ingay, ngayon ay malapit na malapit na si Draven sa kinaroroonan ng babae. Ginamit niya ang malalapad na dahon ng mga halaman upang hindi siya mapansin nito. Ngayon ay alam na niya kung saan nanggagaling ang kakaibang halimuyak na naamoy niya kanina. Sa maalindog na babaeng ito.
Ang labis niyang ipinagtataka ay kung bakit nagtataglay ang babaeng ito ng kakaibang samyo. Bagay na hindi niya naamoy sa napakaraming babae na nakahalubilo na niya sa kanilang bansa. Ano'ng meron ang babaeng ito upang maakit siya sa taglay nitong bango?
Patuloy na pinagsawa ni Draven ang mga mata sa alindog ng babae. Nakatayo ito habang nakalubog sa tubig ang kalahati ng mga hita. Morena ito. Mapusyaw lang ng kaunti sa kanyang kulay na minana niya sa kanyang Pilipinong ama. Makinis at balingkinitan ang katawan nito at medyo kulot ang itim at hanggang baywang na buhok.
Tumutok ang kanyang mga mata sa pinakamagandang bahagi ng katawan ng babae sa tubig. Iyon ay walang iba kundi ang tayong-tayo at malulusog na mga dibdib.
Hindi ordinaryo ang laki ng mga iyon na lalong nagpabilog sa kanyang mga mata. May mga tuktok ito na maliliit at mapupula na tila nag-aanyaya sa kanya na damhin ang taglay na tigas at lambot ng mga ito. Napatikom ang kanyang mga kamay nang maramdaman niya ang kagustuhang gawin ang nasa isip niya. Napalunok siya.
Unti-unting bumaba ang kanyang mga paningin sa tiyan at baywang nito. Napakaliit ng baywang nito na binagayan nang manipis na tiyan at malapad na balakang. Bumaba pa ang kanyang mga mata hanggang sa puson nito hanggang sa bahaging nalalatagan nang manipis na buhok. Halos ayaw na niyang ikurap ang mga mata sa takot na mawala ang mapanuksong tanawin na iyon sa kanyang mga paningin.
Napakaganda ng bahaging iyon. Ngayon ay alipin na siya nang tuksong himasin ito at damhin ang lambot ng balat sa ilalim ng manipis na buhok na tumatabing dito. Nanigas ang kanyang panga. Nanuyo ang kanyang bibig. Nanginig ang kanyang laman kasabay ng paninigas ng isang bahagi sa pagitan ng kanyang dalawang hita. Damang-dama niya ang init. Nagsunod-sunod ang kanyang paglunok.
Panaka-nakang lumulubog ang babae sa tubig pagkuwa'y muling lilitaw. Pagkatapos ay itataas nito ang dalawang kamay upang hawiin ng mga daliri ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa maganda nitong mukha. Lalo tuloy naging kaaya-aya ang anyo nito para sa kanya.
Palakas nang palakas ang udyok ng kanyang pananabik. Kung tutuusin ay kayang-kaya niyang kunin ang babae at isagawa ang nasa utak niya ngayon.
Ngunit hindi. Hindi siya ganoong uri ng tao. Pinalaki siyang marangal ng kanyang ina. Hinubog siya sa mabubuting aral ng kanyang lolo. Hinding-hindi siya gagawa ng ano mang bagay na pagsisisihan niya pagkatapos. Aangkinin niya ang babaeng ito na hindi kailangang gamitan ng dahas o panlilinlang.
Sa ngayon ay alam niya kung paano lulutasin ang namumuong problema sa bandang puson niya. Mabilis niyang ibinaba ang zipper ng suot na pantalon at inilabas mula roon ang naghuhumindig niyang pagkalalaki. Buhay na buhay ito at napakainit. Agad niyang ibinalot dito ang malaking kamay saka marahang hinagod. Napahingal siya.
Hindi na bago kay Draven ang ginagawa niya ngayon. Madalas ay pagkatapos niyang magbasa ng mga pornographic magazines o kaya naman ay pagkatapos manood ng mga porn flicks. Minsan naman ay kapag trip lang niya na mag-enjoy ng walang ibang babaeng kasama sa kama. At nasisiyahan siya sa ganoon. Pero akalain ba naman niyang meron pa palang mas hihigit na exciting doon. At iyon nga ay ang panoorin ng lihim ang isang magandang babae sa isang napakaerotikong tagpo na tulad nito.
Ah, wala nang higit na sasaya pa rito.
BINABASA MO ANG
DEEP WITHIN YOU (Into the Darkness Series Book 1) Published in Paperback
Vampire"Because I dream more than anyone else and so I see more than I should. But when the night comes there is a refuge of a dream of ecstasy. Where I only see love, you and me."