Namalayan din nina Draven at Athan ang biglang paglusob ng bagong hukbo ng mga bampira. Kapwa nila alam na tagilid sila sa laban kung kaya agad silang nagpadala ng susunod na gagawin gamit ang mga isip.
Sa isang iglap ay dinagit ni Draven ang nabiglang si Arabella. Nakabitaw ang isang kamay nito mula sa pagkakahawak sa braso ni Don Leandro ngunit nanatiling hawak naman ng isa pa ang Ragnor.
Ginamit niya ang kanyang kakayahan na makalipad at makapagpalipat-lipat sa mga sanga ng malalaking puno. Kung nag-iisa lang siya ay siguradong teleportation ang gagamitin niya pero dahil sa kailangang isama niya si Arabella ay ang paglipad ang agad niyang naisip upang makatakas.
"Ibaba mo ako, bloodsucker," sigaw ni Arabella habang nagwawala. "Saan mo ako dadalhin?"
"Sa ligtas na lugar," mahinahon niyang sagot. Hindi niya alintana ang pagwawala ng dalaga.
"Moron!" sigaw muli ni Arabella. "Sa akala mo ba makapapayag akong maligtas habang nasa panganib ang aking lolo at ang kanyang mabuting kaibigan?"
"Don't worry about them. They will be safe."
"Safe? Sangkaterbang bampira ang dumating tapos iniwan mo lang mag-isa ang kaibigan mo?"
"Athan is smarter than what you think. Mas mahalagang mailayo kita at ang Ragnor mula sa mga kaaway."
"At ikaw? Hindi ba isa ka ring kaaway? Baka nakalimutan mo na pinagtangkaan mo rin ang buhay ko kapalit ng Ragnor."
"I didn't intend to do that, lubirea mea. Believe me."
"Stop fooling me, damn you! Akala mo ba mauuto mo pa rin ako? Isa kang sinungaling!"
Minabuti ni Draven na hindi na lang kumibo. Alam niyang mahirap makipagtalo sa isang babae, bampira man o tao. Naiiling na ipinagpatuloy na lang niya ang paglipad.
"Ibaba mo ako, hangal. Inuutusan kitang ibaba mo ako," utos ni Arabella.
"Paano kita ibaba? Lumilipad tayo," he said impatiently.
"To hell I care. Ilaglag mo ako kung kinakailangan.."
Napabuntong-hininga na lang si Draven. Ang mga babae talaga...
Bago pa muling nakapagsalita si Arabella ay bigla niyang binitawan ito. Napasigaw ang dalaga nang ubod lakas dahil sa gulat. Bumulusok ito pababa ngunit bago pa tuluyang bumagsak sa mga puno ay agad din niya itong nasalo ng isang kamay habang ang isa naman ay ipinangsalo niya sa Ragnor na nabitiwan nito.
Pinakiramdaman niya ang sarili kung may magbabago sa kanya pagkahawak niya sa espada. Ilang segundo ang lumipas ngunit wala kahit na ano siyang naramdaman.
Naiiling na itinuloy na lang niya ang paglipad habang karga pa rin ang walang malay na dalaga. Totoo kung gayon ang sabi sa mitolohiya. Magkakaroon lang ng bisa ang Ragnor kapag ang taong pinagkalooban nito ang hahawak. Kung kaya mapasakanya man ang espada, hindi rin niya ito magagamit laban sa mga kaaway. Kailangang kusa itong ipagkaloob sa kanya ni Arabella.
Maingat na inilapag ni Draven ang wala pa ring malay na si Arabella sa malambot na kama. Naririto na sila ngayon sa loob ng kanyang kastilyo. He also placed the Ragnor beside her. Kung hindi niya magagamit ang Ragnor, ano'ng silbi na kunin niya ito mula sa dalaga? The mystical sword would be safer in the hands of its owner hanggang kusang mapasakamay niya ito.
He gazed at the beautiful woman in front of him. Arabella was perfect in all details. Mula sa napakagandang mukha, makinis na balat at perpektong hugis ng buong katawan, she was indeed, captivating.
Natuon ang pansin niya sa mapupulang mga labi ng dalaga na bahagya pang nakaawang. Those luscious lips were inviting him to taste them. Or crush them using his own mouth.
His eyes went back to her chest. Nakabukas ang ilang butones ng puting blusa ng dalaga kung kaya nakahantad sa kanya ang punong bahagi ng mga dibdib nito.
He swallowed though his mouth was dry. He suddenly remembered how his hands, mouth and tongue feasted on those two pairs of beautiful breasts the first time they made love. And how Arabella moaned her satisfaction with the kind of his foreplay.
Patuloy na naglakbay ang mga paningin niya sa iba pang bahagi ng katawan ni Arabella hanggang sa flat na tiyan at puson nito pababa sa magagandang hubog ng mga hita at binti. Then he went back to the part that connected her thighs.
Muli na naman siyang napalunok. He knew how delightful and juicy that sacred part was. He was there before and he wanted to be there again.
Now!
![](https://img.wattpad.com/cover/91102451-288-k684549.jpg)
BINABASA MO ANG
DEEP WITHIN YOU (Into the Darkness Series Book 1) Published in Paperback
Vampiro"Because I dream more than anyone else and so I see more than I should. But when the night comes there is a refuge of a dream of ecstasy. Where I only see love, you and me."