Awtomatikong iminulat ni Arabella ang mga mata. Kilala niya ang tinig, maging ang paraan ng pagtawag sa kanya. Ngunit ang ipinagtataka niya ay ang kakaibang samyo ng hangin na nanggagaling mula sa balkonahe kung saan naroroon ang may-ari ng tinig.
Dahan-dahan siyang bumangon. Pinakiramdaman niya ang paligid. Iba ang presensiya ng bagong dating. Wala ang pagkasabik at init na nararamdaman niya kapag tinatawag siya ni Draven sa ganitong oras. Ngunit alam niyang wala nang iba pang puwedeng tumawag sa kanya sa ganitong paraan kungdi ang lalaking iyon lamang.
"Lubirea mia...what keeps you so long? Alam kong gising ka at hinihintay mo ako. Bakit hindi mo pa ako anyayahan sa loob ng silid mo? Uulitin natin ang ginawa natin noong isang gabi, and this time, it will be more exciting. I will not hurt you again, lubirea mea, I promise."
Sukat sa narinig ay mabilis na nagpasya si Arabella. Gumuhit ang init sa buo niyang katawan at sinundan iyon ng pagkasabik. Tunay na iba ang pang-akit ni Draven para sa kanya. Nawawala siya sa katinuan maging ang kontrol sa sarili. "Halika, Draven. Kanina pa kita hinihintay. Pumasok ka sa aking silid," malambing niyang tugon na sinundan ng sunod-sunod na paglunok.
Sa isang iglap ay nasa harapan na niya si Draven. Iyon lang ang kailangan nito, ang isang paanyaya mula sa kanya. Nakatayo ito sa bandang dulo ng kama sa paanan niya. Titig na titig ito sa kanya, bahagyang nakangiti.
Napaurong naman siya sa gulat. Kahit palaging ganoon ang paraan ng lalaki sa pakikipagkita sa kanya ay hindi pa rin niya maiwasang matakot. He was a vampire. And she couldn't understand why she was entertaining this creature of the dark.
"Kumusta, lubirea mea?" nakangiting tanong nito habang unit-unting lumalapit sa kanya.
Lalo naman siyang napaurong nang tila may kakaibang aura siyang naramdaman mula sa panauhin. Tuloy pa rin ito sa paglapit sa kanya. Nang makalapit sa kanya ay inilahad nito ang isang kamay.
"Maganda ang musika, lubirea mea. Isang malaking karangalan kung maisasayaw kita sa gabing ito."
Saglit na nagdalawang–isip si Arabella. Totoong may kakaiba siyang nararamdaman ngayon sa presensya ng binata. Kung ano man iyon ay hindi niya mawari. Ngunit sa bandang huli ay nanaig pa rin ang espesyal niyang nararamdaman para rito kung kaya bantulot niyang iniabot dito ang isang kamay.
Ngunit nang maglapat ang kanilang mga palad ay napaigtad siya dahil sa kakaibang temperatura na nanggagaling sa katawan ni Draven. His hand was very cold. So cold that she felt she was holding a block of ice.
Dios mio! Kailan pa naging ganito kalamig ang katawan ng lalaking ito? As far as she could remember, Draven's body was indeed smoldering hot especially during the first time that they made love.
Unti-unting gumapang ang kilabot sa katawan niya.
"May problema, lubirea mea?" kunot ang noong tanong ni Draven.
"A-ang kamay mo..." paputol-putol niyang tugon. "B-bakit singlamig ng yelo ang kamay mo?"
Gumuhit ang inis sa mukha ni Draven. "I am a vampire. What do you expect? I thought you knew that?"
"No!" bulalas niya. Nakaramdam siya ng panganib kung kaya agad siyang tumayo upang tumakbo palabas ng silid ngunit bago siya nakalapit sa pinto ay biglang humarang doon si Draven. Nanlilisik ang mga mata.
BINABASA MO ANG
DEEP WITHIN YOU (Into the Darkness Series Book 1) Published in Paperback
Vampiros"Because I dream more than anyone else and so I see more than I should. But when the night comes there is a refuge of a dream of ecstasy. Where I only see love, you and me."