CHAPTER 18.2

1.5K 84 5
                                    

Nagulat pa silang lahat sa pagbagsak ng dalawang malalaking bulto sa gitna nilang lahat. Agad nakilala ni Arabella ang isa sa mga ito.

"Draven?"

Her heart almost leaped out of her throat when she saw him. Isang tagapagligtas ang tingin niya ngayon sa binata at hindi bilang isang kaaway. Between Braedan and Draven, she knew that the latter is the lesser evil. Ikinatuwa rin niya ang kaalamang hindi namatay ang lalaki sa sugat na nakuha nito mula sa Ragnor.

Lumingon lang si Draven sa kanya saka makahulugang kumindat pagkuwa'y muling ibinalik ang tingin kay Braedan.

"So, you are here to rescue that wench?" nang-aasar na tanong ni Braedan.

"I came here to save all people in this place," matatag na sagot ni Draven pagkuwa'y bumaling ito sa kasamang bampira. "Athan, bahala ka na sa kanya." Ang tinutukoy ni Draven ay ang isa pang bampira na tinawag kanina ni Braedan na Claudiu.

"Nici o problema!" sagot ni Athan. Palapit na ito kay Claudiu nang biglang matigilan nang makita ang mukha ng walang malay na lalaking hawak nito. "Oh, Doamne! Hindi ako maaaring magkamali. Si Armand Mondragon ang lalaking ito."

Ngumisi si Claudiu sabay bitaw kay Armand. Bumagsak sa lupa ang wala pa ring malay na lalaki. "Of course, he is. Malilimutan mo ba ang lalaking naging mahigpit mong karibal sa pag-ibig ni Astrid?"

"You, moron!" galit na sigaw ni Athan. "Sigurado akong tinraydor mo si Armand kaya nagapi mo siya dahil hindi ang katulad mo lamang ang tatalo sa kanya maliban na lang kung nandaya ka!"

"Tama na ang satsat. Laban na." Pumorma pa si Claudiu ng pagsalakay. Ngunit mas maliksi si Athan kung kaya hindi inasahan ng demonic vampire ang padating na flying kick. Agad itong humagis sa malayo.

Hudyat iyon upang simulan na rin nina Draven at Braedan ang sarili nilang away. Nakapangingilabot ang naging sukatan ng lakas ng apat na bampira. Nagpapakawala sila nang malalakas na atungal sa tuwing magdidikit ang mga katawan habang iniiwasan ang mga pangil ng bawat isa. Humahagis naman ang sino mang tamaan ng bawat suntok at tadyak.

Mabilis namang nilapitan ni Arabella ang nanghihinang si Don Leandro. Hindi pa rin niya binibitawan ang Ragnor. "Tumakas ka na, lolo. Isama mo si Armand."

"Hindi ako aalis dito nang hindi ka kasama, Arabella," sabi ni Don Leandro.

"Nanganganib sina Draven, lolo. Nakikita kong malalakas din ang kanilang mga kalaban. Kailangan ko silang tulungan."

"Hayaan mo silang magpatayan," singhal ng matanda. "Pumunta sa bansa natin ang mga hangal na iyan upang dito ituloy ang kanilang away. Kung sino man ang magwagi sa kanilang laban, iyon naman ang papatayin mo gamit ang Ragnor."

Nakagat ni Arabella ang pang-ibabang labi dahil sa katigasan ng kanyang agwelo. "Lolo, naririto si Draven at ang kanyang kasama upang iligtas tayo."

"Nagkakamali ka. Naririto sila dahil sa Ragnor. Kung matatalo nila ang dalawang demonic vampire na iyan, tayo naman ng isusunod nilang ilalagay sa panganib."

Sa isang sulok ng utak ni Arabella ay may pagtutol ngunit hindi niya kayang suwayin ang kanyang lolo lalo na sa ganitong pagkakataon. "Sige, lolo. Pero hindi natin pwedeng iwan dito si Armand. Baka sakaling buhay pa siya."

Don Leandro threw a glance to the man who was still unconsciously lying on the grass. "Sino naman ang may sabi sa iyong iiwan natin siya? Kahit matigas ang ulo niyan, hinding-hindi ko naman iyan pababayaan."

Magka-akay nilang nilapitan ang nakahandusay pa ring si Armand. Ngunit nang ilang hakbang na lang ang layo nila mula rito ay nakarinig sila ng kakaibang ingay, palakas ito nang palakas at tila nagmumula sa kalangitan.

Halos magkasabay silang tumingala ni Don Leandro upang tingnan ito. Gayon na lang ang gulat nila nang magdilim ang buong kalangitan dahil natakpan ng mga nilalang na bagong dating ang buwan.

"Dios Mio!" bulalas ni Don Leandro. Paparating ang isang hukbo ng mga demonic vampire mula sa impyerno!


DEEP WITHIN YOU (Into the Darkness Series Book 1) Published in PaperbackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon