CHAPTER 15.1

1.8K 93 13
                                    


"I am Draven Gualtieri, the grandson of Silvero Gualtieri, the Head of the Mystical Vampire Coven in Romania," mahinahong pagpapakilala ni Draven sa sarili kahit napapangiwi siya sa hapdi na dulot ng nasusunod na balat na likha ng talim ng Ragnor. "Alam kong kilala mo ang aking lolo, Blackfire," sabi niya habang pinapanood ang dahan-dahang pagpasok ng bagong dating.

"Address him as don Leandro. Don Leandro Duarte," sabat ni Arabella. Hawak pa rin nito ang Ragnor at nakatutok sa kanya.

A smile curved on his mouth. "Glad to know your real name, Black...ahm...Don Leandro. Unfortunately, Romanian history doesn't include your name. Kahit naisulat nang maraming beses sa aming kasaysayan ang iyong kabayanihan, wala namang nakakaalam ng tunay mong  pagkatao maging ang tunay mong pangalan. May suspetsa ako na sinadya mo iyon," Inilahad niya ang isang palad upang makipag-kamay sa matanda.

"Kung inaakala mo na makukuha mo nang ganon kadali ang Ragnor ay nagkakamali ka, dadaan ka muna sa ibabaw ng aking bangkay," pormal na sabi ni Don Leandro, sadyang hindi pinansin ang pakikipag-kamay niya.

Napabuntong-hininga siya. Natagpuan nga niya ang mahiwagang espada, ngunit mukhang hindi magiging madali ang gagawin niyang pagkuha rito. "I came here in peace. Walang kailangang itanghal na bangkay sa pagitan nating dalawa. Kung kinakailangang lumuhod ako ay gagawin ko. Alam mo kung gaano kahalaga sa aming angkan ang espada ni Hecate."

Sinulyapan ni don Leandro ang espadang hawak ni Arabella saka muling bumaling sa kanya. "The sword no longer belongs to Hecate, or to any damn, blood-sucking creatures like you. It belongs to me. And from me, to Arabella. It is now owned by my family, the Duarte family. Asking for it may mean asking for your own death."

He grimaced in pain. Pero ang lalong nakapagpangiwi sa kanya ay ang tahasang pagtanggi ni Don Leandro na ibigay sa kanya ang Ragnor. "Hindi ko gagamitin sa masama ang Ragnor, Don Leandro. Alam kong alam mo kung gaano kahalaga ang espadang ito para sa kaligtasan at katahimikan ng aming angkan. Lalong lumakas ang puwersa ng mga Demonic Vampire sa pamumuno ni Braedan Voldova, ang anak ng kanilang dating pinuno na pinatay mo noon, si Faramundo Voldova. Hindi pa rin natatapos ang alitan sa pagitan ng aming mga angkan. Pagod na kaming makipaglaban at marami na ang nasasawi sa amin at tanging ang Ragnor lamang ang aming pag-asa upang wakasan ang kasamaan ng mga Demonic Vampire. Sana'y huwag mong ipagkait sa amin ang kapayapaan na napakatagal na naming inaasam," pagpapakumbaba niya.

But his humility did not change Don Leandro's disposition. Ipinagkibit-balikat lang nito ang mga pakiusap niya. "At pagkatapos ay ano ang susunod ninyong gagawin? Gagamitin ninyo ang Ragnor upang tanghaling pinakamakapangyarihan sa lahat ng mga alagad ng dilim? Sino pa ang susupil sa inyo kapag nangyari iyon?"

Pain was evident in his voice when Draven spoke. "Hindi likas na masama ang mga Mystical Vampire, Don Leandro, alam mo iyan. Hindi namin kagustuhan na naging bampira ang angkan namin. Ang mga paghihirap namin ay dulot ng isang sumpa. At kung meron mang naging masama, iilan lamang sila at itinawalag na sila sa aming coven."

"Sinasabi mo bang sa paglipas ng panahon ay may ilan sa inyong miyembro ang umiinom na ng dugo ng tao, Mr. Gualtieri? May ilan sa inyo ang hindi na nakatiis at tuluyan nang niyakap ang kadiliman? Kung ganoon ay tama ang sinabi noon ng lolo mong si Silvero. Darating ang araw na magsasawa na sa dugo ng hayop at matutuksong uminom na rin ng dugo ng tao ang mga Mystical Vampire," may pang-uuyam sa tinig ni Don Leandro. "Mas lalo akong nagkaroon ng matinding dailan upang hindi ko ipagkaloob sa iyo ang Ragnor."

Naningkit ang kanyang mga mata sa unti-unting pagbangon ng poot sa kausap. Hindi niya inaasahan na tatanggihan siya ng taong ito ganoon din ang panghuhusga nito sa kanilang angkan. Nagkamali ba ang kanyang lolo Silvero sa pagkakakilala kay Blackfire?

DEEP WITHIN YOU (Into the Darkness Series Book 1) Published in PaperbackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon