EPILOGUE

4.8K 143 27
                                    


Wallachia, Romania

Nasisiyahang iginala ni Arabella ang mga paningin sa buong Gualtieri Fortress. Ang sinaunang kastilyong ito na itinayo noong edad medya ay nakahimlay sa tuktok ng isang talampas at nakatunghay sa Arges Rivers na nasa paanan ng Carpathian Mountains. It was built by Draven's ancestors but was taken by Faramundo Voldova during his reign. At ngayong nalupil na ng mga Mystical Vampire ang lahat ng Demonic Vampires sa buong Wallachia gamit ang Ragnor, binawi ni Silvero Gualtieri ang kastilyo, ipina-renovate at ngayon ay nagsisilbing tahanan nila ng asawang si Draven.

"I was looking for you. Naririto ka lang pala, lubirea mia." Tinig iyon ni Draven, kararating lang nito mula sa kanilang rancho sa paanan ng Carpathian Mountains. Si Draven ang personal na namamahala sa napakalaking animal farm ng mga Gualtieri na nagsu-supply ng dugo ng mga hayop sa lahat ng Mystical Vampire sa buong Walachia. Sa magkabilang kamay ay may hawak itong pitsel ng sariwang dugo ng hayop at isang kopita. "Inuwian kita ng paborito mo, sariwang dugo ng batang baka."

Nakangiting tinanggap ni Arabella ang kopita saka sinalinan iyon ni Draven ng laman ng pitsel. Nang mapuno ang kopita ay tuloy-tuloy na nilagok niya ang laman niyon.

"You have to eat fruits and vegetables for our baby, lubirea mea. Hindi sapat ang sustansya ng dugo para sa sanggol sa iyong sinapupunan," nag-aalalang sabi ni Draven habang pinapahid ng hinlalaki ang naiwang dugo sa sulok ng kanyang labi.

Draven's gesture filled Arabella's heart with joy. "Ewan ko ba, Draven. Mula nang uminom ako ng dugo ng hayop ay nawalan na ako ng ganang tumikim pa ng ibang pagkain. Ni hindi ko na nga hinahanap ang lasa ng mga iyon."

"Which is not good for you and for our baby. Remember, we are Human Vampire and so is our child. Part of us is still human, and soon we will live a normal life. Babalik na tayo sa pagiging tao katulad ng mga Mystical Vampire."

"Really? At saan mo naman nakuha ang balitang iyan?" natatawang sabi niya. Hindi pa rin naiwawaksi ni Draven ang obsession nito na tuluyang maging tao.

"Natagpuan na ni Athan ang Zatara. Ang mystical sword na iyon ang magiging daan upang maputol na ang sumpa sa lahat ng Mystical at Human Vampire."

Napangiti si Arabella sa narinig. Ang totoo ay hindi na siya interesadong maging tao muli. Nasanay na siya sa pagiging bampira. Ang importante sa kanya ay masaya siya sa piling ni Draven at sa magiging anak nila. "At kung mabigo si Athan?"

"No. He can't be. Natupad ko ang misyon kong kunin ang Ragnor kung kaya dapat ay ganoon din siya."

Lumabi siya upang ipakita ang kanyang pagtatampo. "Nakuha mo ang Ragnor dahil sa mga tumulong sa iyo. Huwag mong kalilimutan iyan."

"I know. And that is something I owe from you and Athan. Kung kaya nakahanda akong tumulong sa kanya kung kinakailangan."

"Bun! Now, let's forget Athan and Zatara. Hindi ba may pangako ka sa akin na ipapasyal mo ako sa buong Carpathian Mountains?"

"Da! Ngayon na ba? Akala ko sa isang araw pa?"

"Ngayon na. Halika!" Hinawakan niya ang isang kamay ni Draven sabay talon mula sa mataas na balkonahe ng kastilyo. Tuloy-tuloy silang bumulusok sa bangin. Napasigaw si Draven sa pagkagulat.

Ngunit bago sumayad ang mga katawan nila sa naglalakihang mga puno ay sabay silang pumaimbulog pataas habang magkahawak-kamay. Dinala ng hangin ang malulutong niyang halakhak habang nagpapaikot-ikot sa himpapawid.

Mangha-mangha si Draven sa ipinamamalas niyang bagong kakayahan. "Ginulat mo ako, lubirea mea. Akalain ko bang marunong ka na palang lumipad ngayon?"

"Nagpa-practice ako kapag umaalis ka. Gusto kasi kitang sorpresahin. Ibig kong ipaalam sa iyo na naa-appreciate ko na ang pagiging bampira. In fact, ayoko nang maging tao. Masaya na ako sa ganito basta't kasama kita." Lumipad siya nang ubod bilis, walang nagawa si Draven kungdi sumunod sa kanya hanggang marating nila ang kinalalagyan ng napakagandang water falls. Mula sa himpapawid ay namamanghang minasdan nila ang kagandahan ng talon. "Look! Isa ito sa mga bagay na hindi ko mae-enjoy kapag naging normal na tao uli ako. Ang panoorin ang kagandahan ng paligid mula sa himpapawid."

"Tama ka, lubirea mia. Pero tao man o bampira, iisang kagandahan lang ang gusto kong panoorin," makahulugang sabi ni Draven.

Inilipat ni Arabella ang mga mata sa asawa. "At ano iyon?"

"Ang kagandahan mo, mahal ko. Noon at ngayon, ikaw lang ang gusto kong makita sa mula sa aking pagtulog hanggang sa aking paggising." Hinagip ni Draven ang dalawang kamay niya saka buong pagmamahal na pinisil. Kasunod noon ay ang paghapit nito sa kanyang baywang.

Nangiti si Arabella sa narinig. Pinupuno ng kaligayahan ng mga pangungusap na iyon ang kanyang puso. "Eu te iubesc, sotul meu," madamdamin niyang sabi.

"Te iubesc, sotia mea." Inilipat ni Draven ang isang kamay sa kanyang mukha saka marahang hinagpos ang kanyang pisngi.

"Te iubesc atat de mult."

"Te iubesc atat de mult, lubirea mea."

Tinapos ni Draven ang kanilang pag-uusap sa pamamagitan ng isang mainit na halik sa kanyang mga labi. Dinig na dinig niya ang maingay na lagaslas ng tubig mula sa talon, ganoon din ang huni ng mga ibon, pero wala siyang oras para panoorin o pansinin ang kagandahan ng paligid.

Dahil may isang uri ng kaligayahan ang bumabalot ngayon sa kanyang puso at buong pagkatao.

A sort of happiness only a beautiful love could bring.

A beautiful love that ony a gorgeous Vampire could give.

Yes. It's only Draven Gualtieri... and the new Human Vampire breathing peacefully inside her womb.


<<<<THE END>>>>


*Thanks for reading, guys! I hope you will also like  the story of Athan Danovan (UNDER MY SKIN)  which is coming very soon...

*This story of Draven Gualtieri will be in paperback version few weeks from now. Kindly inform other readers that you know who have plan to read it to finish reading the story the soonest possible time because some chaps will be deleted once the book is out. Thankie!!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 10, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DEEP WITHIN YOU (Into the Darkness Series Book 1) Published in PaperbackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon