Tatlong Demonic Vampire ang agad na sumalubong sa kanila pagdating na pagdating nilang tatlo sa pinagkukutaan ng mga ito. Isa itong malaking beach house na may dalawang palapag. Siguradong may kaya ang may-ari ng bahay na ito na minalas na nabiktima ng mga kampon ng demonyo.
Agad naagnas ang isang bampira matapos tamaan sa tiyan ng talim ng Ragnor na iwinasiwas ni Arabella. Samantala'y kabisado naman nina Draven at Athan ang kahinaan ng mga kalaban, at iyon ay ang leeg na agad nilang pinuntirya.
Ilang bampira pa ang sumugod sa kanila ngunit lahat ng ito ay nabigong talunin sila. Gamit ang Ragnor at ang mga natutunan sa pakikidigma mula sa Romania, ni hindi tumagal ng ilang minuto ang labanan sa pagitan nilang tatlo at ng mga Demonic Vampire.
"Mukhang lalo kang gumagaling sa pakikihamok sa mga basurang ito, Athan Danovan," puri ni Draven sa kasanggang kanina lang ay halos patayin niya dahil sa galit.
"Ikaw rin," sambot naman ni Athan na tila nawala na rin ang pagkainis sa kanya. "Sinunod mo lahat ng itinuro ni Professor Dmitru."
"Mas mahusay ka," salo niya. "Karapat-dapat ka talagang maging commander ng hukbo ng ating mga mandirigma."
"At ikaw rin, bilang bagong pinuno ng Mystical Vampire coven. Alam kong hindi na mag-aalinlangan ang iyong lolo Silvero na isalin sa iyo ang pamumuno pagbalik natin sa Romania sa isang kondisyon..."
"Ano iyon?"
"Ang Ragnor, kailangang nasa mga kamay mo ang Ragnor pagbalik natin sa ating bansa. Iyon ang misyon na iniatang sa iyo ng iyong lolo upang maging karapat-dapat kang maging pinuno ng ating coven."
Sinulyapan ni Draven si Arabella sa di kalayuan. Kasalukuyan itong nakikipaghamok sa dalawang bampira. Dahil sa husay sa pakikipaglaban ay walang makalapit man lang dito.
"You know that I cannot force her. Ayaw ko rin siyang linlangin makuha lang ang Ragnor," sabi niya habang naaaliw na pinanood ang dalaga sa pakikipaglaban. Sa tingin niya ay lalong humusay ito dala ng matinding pagnanais na mailigtas si Don Leandro.
"Then bring her to Romania. Siguraduhin mo lang na dala niya ang Ragnor pagsama niya sa atin pabalik sa ating bansa."
Kunot- noong ibinaling niya ang tingin kay Athan. "At pagkatapos..."
"Convince her to fight for us. And I know she will if..."
"If what?"
"If she fall for you. And I think, she did already."
Muling tinapunan ni Draven ng sulyap si Arabella. Tapos na ito sa pakikipaglaban. Nakahandusay sa paanan nito ang dalawang bampira, namimilipit sa sakit habang unti-unting naaagnas.
Napangiti siya. Hindi na siya kailangang paalalahanan ni Athan tungkol kay Arabella. Desidido na siya na pagkatapos ng labanang ito, isasama niya ang dalaga pauwi sa Romania. Hindi dahil sa Ragnor o sa ano pa man, kungdi dahil sa isinisigaw ng kanyang puso.
Pagkatapos ng mahabang gabi ng kanilang pagniniig, sigurado siya na hindi na niya kakayaning mawalay pa sa babaeng ito.
At malakas ang kutob niya na hindi siya mabibigo dahil nararamdaman niyang may pagtingin din sa kanya ang dalaga.
Pasugod na sila sa malaking bahay nang isang tinig ang narinig nila mula sa dalampasigan. Tinatawag nito ang pangalan ng dalaga.
"Lolo?" sambit ni Arabella nang makilala ang tinig. Agad itong tumakbo patungo sa kinaroroonan ni Don Leandro. Sumunod naman agad sila ni Athan.
BINABASA MO ANG
DEEP WITHIN YOU (Into the Darkness Series Book 1) Published in Paperback
Vampiro"Because I dream more than anyone else and so I see more than I should. But when the night comes there is a refuge of a dream of ecstasy. Where I only see love, you and me."