Special Chapter (2)

55K 1.1K 108
                                    

Sari saring bati ang natanggap namin bago kami makalabas sa loob ng airport. Nagpahayag din ng suporta ang parents namin sa aming dalawa. Hindi na rin naman kasurpresurpresa iyon. Mico's mom and dad were so proud of him.

"Remember when you first visited me Kane? When Mico introduced you as his ex-girlfriend but soon to be wife? I know na kayo talaga ang magkakatuluyan. I am so happy for the both of you." said Mico's mom na hindi matago ang pagka-excite.

Maluha luha naman si mommy, tears of joy nga raw ika nga. Si daddy naman tinapik niya si Mico.

"Take good care of my daughter okay?"

"Dad! Hindi pa naman kasalanan, kapag nasa simbahan na yang mga message na ganyan". Pagpoprotesta ko.

"Sige son, mauuna na kami." Mico's dad said.

Nagpaalam na rin kami sa kanila. Marahil ay naisip din nilang may lakad din kaming sarili at ayaw na nga ring makaisturbo pa sa amin sa ngayon.

Pagkaalis na pagkaalis nila mommy ay agad na sinalubong naman kami nina Steven (Mico's brother) at Christine (my sister). Nagmula silang dalawa sa magkaibang direksyon. Napansin kong hindi maganda ang mood ng dalawa ng makita nila ang isa't-isa. Not in good terms eh? Alam ko namang may background ang dalawang yan, nakakapagkwento sa akin si Christine. Oh well, it's not my story to tell.

"Congrats ate. Congrats Mico." Sabay na pag-irap nito kay Steven.

"Congrats bro. Congrats Kane." Pagkatapos nitong bumati ay nag make faces siya sa harap ni Christine. Iyon naman ang pagkapikon ng kapatid ko tsaka nagmartsa paalis.

"Itetext nalang kita ate." Pahabol nito bago tuluyang mawala siya sa paningin ko.

"Steven, ano nanamang ginawa mo?"

"Wala akong ginawa kuya. Nakita mo naman, siya ang unang nang-irap tss. Sige na mauuna na rin ako. Congrats ulit." Nginitian niya ako bago siya umalis at tumango naman ako bilang sagot.

Akala namin ay makakatakas na kami ni Mico, ngunit hindi pa pala dun nagtatapos ang walang humpay na pagbati sa amin. Kasunod na dumating ay sila Karen, Cassandra, Kane at Kier.

Agad akong niyakap nina Karen, Cassandra at Kane. May patili tili at patalon talon pa silang nalaman. Ako naman ay nakisabay na rin.

"Paghahandaan namin ang bridal shower mo!" Excited na pahayag ni Cassandra na may kasamang tili pa.

"Grabe I'm so happy for the both of you Kane." Ngiting ngiti na saad ni Kane. Kahit papaano talaga ay nasanay na akong tawaging Kane si Kane kahit na medyo nalilito pa rin ako.

"Teka saan pala dadalhin si Rey?" matabang na tanong ni Karen.

Binaling ko ang tingin ko kay Mico, na kakatapos lang makipag-uap kay Kier, bilang tanda na naghihintay rin ako ng sagot.

"He'll be fine."

"Paano tayo magcecelebrate ng kulang tayo?" Pag-aalalang tanong ni Cassandra.

"Sinong may sabing kasama kayo sa pagcelebrate? Can we not be alone for the mean time? Hindi ba kami pwedeng mapag-isa kahit minsan lang?" Frustrated na sagot ni Mico. Napatawa nalang ako ng mahina.

"Hindi talaga kayo pwedeng mapag-isa pre kasi dalawa kayo. Ajejeje. Bilang bilang din po tayo pag may time. Jeje. Joke lang pre." By that laugh alam ko na kung sino nanaman ang sumingit sa usapan.

Sabay sabay kaming napalingon kay Reynaldo.

"Paano ka nakatakas?" Kunot noong tanong ko. Inunahan ko na si Mico na makipag-usap dahil kung hindi, baka sa prisinto ang celebration namin.

"Hinayaan na nila ako pagdating namin sa labas, tapos pumasok ako. Mga shushunga shunga hajeje. Easy as pie."

"Mukha kang terorista paano ka nakapasok ulit?" Pabirong sabi ni Kier

"Oo nga, kaya nga nakapasok ako."

"Ha? Kung sabi mo mukha ka ngang terorista paano ka pinapasok?" Naguguluhang tanong ni Cassandra na para bang hindi niya magets si Reynaldo.

"Terorista, diba? Yung mga naga pasyal pasyal sa iba't-ibang lugar. Hala! Hindi mo alam yun?" Sabay pakawala nito ng nakakaasar na tawa.

"Kapag ang drum maingay, siguradong walang laman." Saad ni Karen.

"We'll leave. Now." Hinawakan ni Mico ang kamay ko at hinila paalis sa lugar kung saan kami nag-uusap usap. Gustong gusto na nga talaga niya atang mapag-isa kami. Paano ba naman ang gugulo at ang iingay nila. Malamang ay naiinis na ito. Ngunit thumbs up pa rin sa pasensya niya simula kanina pa.

Hindi na nakapagprotesta pa ang mga kaibigang naiwan namin. Mabilis ang lakad ni Mico na para bang ayaw na niyang may mangharang pa sa amin at gumawa ng kung anong patalastas.

Ngunit, subalit, dapatwat ay may nangharang pa rin sa amin para bumati.

"Con----" Hindi na niya ito pinatapos at agad ng sumagot.

"Thanks."

"Mico, bakit ba tayo nagmamadali?" Nagtataka na kasi talaga ako. Ano bang problema nito? Sadya bang gusto niya lang makatakas kami sa mga makukulit naming kaibigan or what?

Nang makarating kami sa parking lot ay agad niyang pinatunog ang sasakyan niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto. Pagkasakay ko ay mabilisan niya itong sinarhan at agad na sumakay sa driver's seat. Sinigurado niyang nakaseatbealt muna ako bago siya nagsuot nito. Pagstart palang ng sasakyan ay binacking niya ito at agad na ring pinaharurot.

"Saan ba talaga ang punta natin?"

"You'll see."

Nanahimik nalang ako sa byahe dahil mukhang seryoso talaga siya sa pagmamaneho. Hindi ko namalayam ay nakatulog na ako.

Pagmulat ko ng mata ay nasa loob pa rin kami ng sasakyan ngunit napansin kong medyo pagabi na.

"Wala pa rin tayo? Saan ba talaga ang pupuntahan natin?"

"Malapit na."

After almost ten minutes siguro ay huminto na rin ang sasakyan.

Pagbaba ko ay halos namangha nalang ako sa tanawin. Napaawang ang aking bibig sa sobrang ganda ng lugar. Green na green ang buong tanawin. Malawak ang lupain na puno ng pananim. Hindi ganun kapatag ang lupain ngunit kamanga manga ang pagkaayos ng mga pananim. Siguro ito ang farm nila na nabanggit niya sa akin noon pa.

"Sorry. I've tried my best for us to watch the sun set together. I thought it's the best way to end the day. But I failed."

I smiled because of how thoughtful and romantic he is. But then, I saw his frustration.

"Are you upset?" I hate seeing him this frustrated. Para bang pinlano na niya ito and then failed.

"For a moment. But I realized that the most amazing view I can ever see is right by my side. And I'll marry her soon." He kissed me on my forehead. "Just a glimpse of you, my heart is already filled with happiness and contentment."

----------------------

Again, check out my new story Not Your Ordinary Love Story thank yah mwahugs ❤️ ❤️

She's Rich, He's RicherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon