Chapter 8.8

308K 4.9K 1.2K
                                    

 

Tanghali na at nakatambay nanaman ako dito sa tapat ng fountain. Nag-e-emo lang? Hindi, dito ko kasi kikitain si Reynaldo. Ibibigay ko sa kanya yung mga letters of recommendations galing kela daddy.

Naka-usap ko kasi sila kaninang umaga at kinwento yung nangyari. Humingi na rin ako ng tulong para magkapermanenteng trabaho na itong bago kong kaibigan. Yung trabahong pwede pa rin siyang makapag-aral habang ayun nga nagwowork.

Mabuti at may mga bakanteng trabaho. Pinapapunta lang siya dun dala itong mga letters para madali siyang mahire. Ngayon naman ay pinapunta ko siya dito sa school para makuha itong mga letter of recommendation. Delikado kasi kung ako pa ang pupunta sa kanya mamayang hapon na uwian. Ang swerte niya na ata kung ganun. 

pAponTA nA aqu..,,

Sige. Sabihin mo nalang sa guard na ako ang pupuntahan mo tapos ilista mo yung pangalan mo sa log book. Tapos dun ka na rin magtanong kung nasaan ang may fountain.

uKi3... T3kA mAy bAnA+ aqu pra saU..

Ano?

K4n3.., r3gLa k b???

Sinakyan ko nalang ang banat niya at nagtanong ng ng bakit kahit na medyo nakakadiri. Walang magawa talaga ang isang ito sa buhay. 

kAs3 cRuxX nA cRuxX ktA eii.,,,

Hah? Nasaan ang regla dun?

b00m tAgo$,..!! Ajejeje.

Napatawa ako hahahahaha. Hinawakan ko ang tiyan ko habang tuloy tuloy na nakangiti at hawak ang cellphone ko. Gahd alam kong corny pero havey kasi para sa akin eh hahaha.

"Ano ba?!" Parang engot talaga. Bigla biglang nanghahablot ng cellphone.

"Sino 'tong katext mo? Bakit kanina ka pa ngingiti ngiti at tawa ng tawa dyan?"

"Bakit selos ka? Kaibigan ko."sagot ko sa kanya. Binasa naman niya yung text sa cellphone ko.

"Reynaldo? A guy friend? You can't have a guy friend."

"Bakit hindi?"

"Because a girl and a guy can never be just friends!"

"Anong tawag mo sa inyo ni Shane? Diba magkaibigan din kayo? Bakit bakla ba siya at hindi babae?"

"Magkaiba ang sitwasyon natin. Atsaka tingnan mo nga kung paano 'to magtype! Paalon alon. Daig pa ang calculator kung makasingit ng number sa mga words. Masakit sa mata. Nakakabulag."

"Mico, mas totoong tao naman yan kesa sa kaibigan mo. Mas mabait din yan kumpara sa Shane na kaibigan mo!"

She's Rich, He's RicherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon