Chapter 14.6

210K 3.8K 289
                                    

Nanahimik na naman na ako habang nagdadrive siya hanggang sa mapansin kong bigla kaming nag u-turn.

"Oy oy teka. Hindi dyan ang daan pauwi sa bahay ah!"

Reklamo ko ng mapansing ibang direksyon na ang tinatahak namin. Don't tell me balak niya akong kidnap-in? Nah. O baka naman gusto niya akong itanan? Sana. 

Hindi niya pa rin ako kinikibo at seryoso pa rin siyang nagdadrive. Yung totoo? Kausap ko sarili ko? Baka akala niya wala siyang kasama.

Hello to Earth naman Mico, may dyosa kang kasama tapos hindi mo lang papansinin? Grabe. Ibang level ka talaga ang sarap mong bugbugin.... ng pagmamahal hihi.

Okay tama na. Seriosly, may balak kaya siyang sagutin manlang ako kung sakaling magtatanong ako ulit? Still, I'll try. Malay natin.

"Mico, ano ba, saan tayo pupunta?" Wala pa rin siyang kibo. Ughh. Napipikon na ako ha. Konti nalang.

"Oy, saan nga tayo pupunta?" For the last time, magtatanong ako ng maayos at pag wala pa rin ewan nalang.

"Oy oy oy. Saan tayo pupunta?" Pero seryoso pa rin siyang nagdadrive at walang kareareaksyon. Okay that's enough. Naiinis na talaga ako.

"Ano ba Mico! Saan nga tayo pupunta? Alam mo bang iba ang taong bingi sa taong nagbibingibingihan? Pwede ba sagutin mo naman ako. Nakakairita na ha. Nagtatanong na ako ng maayos ayaw mo pa rin kumibo. Hello, may kasama ka dito. Sana manlang bigyan mo ako ng hindi kung saan tayo pupunta! Leche naman oh." 

Imbis na sagutin ako ay kumunot lang ang noo niya. Napakunot din tuloy ang noo ko.

Naiinis, naiirita, nabubwis*t at lahat na ng negative vibes nararamdaman ko. Kulang nalang sipain ko yung pagkalalaki niya para lang mapansin niya ako. 

Ano ba ang iniisip niya? Ano ba ang gusto niyang gawin? Bakit ba niya ako hindi kinikibo?

Hindi naman pang board exam ang tanong ko ah. Hindi naman mala x plus y plus z minus 10 watermelons plus 2 irons times the age of Lapu lapu when his brother is four times as old as he is 201 years ago raise to the number of moons the universe has divided by the number of rats in the world plus the circumference of the moon ang tanong ko ah. 

Sa totoo nga lang hindi na kailangang pag-isipan ang sagot sa tanong ko kasi una palang malamang dapat alam na niya ang sagot. 

"Mico! May balak ka bang kibuin ako?!"

"Don't shout will you?" Aba aba ang lalaking ito talagang namumuro na sa akin.

"Paanong hindi ako sisigaw eh hindi mo nga ako pinapansin? Parang t*nga lang akong sige kasalita dito tapos ikaw itong parang walang kasama kung makaasta. Yung totoo? Anong planeta na ba ang narating ng utak mo at nawalan ka na ata sa Earth?" 

"I'm thinking Kane. I'm thinking real hard kung ano ba ang tamang gagawin. I'll make everything right so please just please keep quiet even just for a while. Tapusin na natin lahat ng misunderstanding na meron tayo."

Seryoso niyang saad tsaka humarap sa akin gamit ang seryoso niyang mukha. 

Natikom naman ang bibig ko sa sinabi niyang iyon. Pero sa ngayon ako na ata ang medyo naguluhan. Dapat pala di na ako nagtanong. My bad.

Pero seryoso na, anong, paanong aayusin niya? Anong balak niyang gawin? 

Balak ko pa sanang magtanong kaso mukhang seryosong nag-iisip siya at tinatantya niya ang gagawin niya kaya minabuti ko nalang na tumahimik kahit saglit. Di ko naman siguro ikamamatay ang pagtahimik kahit saglit.

Ayoko naman ipush siya sa limit niya kung saan maiisipan niya nalang na istapler ang bibig ko para lang matikom. Tsaka halata namang medyo malalim nga naman talaga ang iniisip niya. Sumandal nalang ako at nagbuntong hininga. Iniikot ko nalang ang leeg ko para sulyap sulyapan siya. 

Maya maya ay kinuha niya ang cellphone niya at dinial. 

"Reynaldo nasaan ka? Magkita tayo sa Midnight Owl. Oo, kasama ko siya. Kasama mo ba si Karen? Sige, contact-in mo nalang siya at hanapin. Sabihin mong kasama ko si Kane. Pumunta na kayo agad dun. Bilisan mo, mag-aantay kami."

Pinatay na niya yung tawag at nagdial ulit.

"Cassandra, are you with Kane Lee? Okay. Midnight Owl, now. Just continue shopping next time. Go.There.Now." Pagkatapos nun ay nagdial ulit siya.

"Shane. Midnight Owl. I don't care if you're doing something. Yes, I found Kane. Okay. Thank you." 

Ano ba ang balak niyang gawin? May meeting de avance ba? May eat all you can buffet? May party? May get together? May reunion? Bakit bigla bigla nalang niyang pinagtatawagan ang mga taong yun? 

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko na parang t*nga. 

"Nagdadrive." Sagot niya rin na parang t*nga. It's a tie.

"Hindi yun." I sighed and rolled my eyes. "Bakit mo sila pinagtatawagan?"

"Nasabi ko na diba?" Yung totoo? Magtatanong ba ako kung klaro sa akin ang sinabi niya? Hindi ko alam kung sino ang mas kumplikado sa aming dalawa eh.

"Sumagot ka nalang kasi."

"Malalaman mo rin yan pag nandun na tayo. Again Kane, please keep quiet and just save all your words. It might be useful later than at this time."

I gave up. Sumandal nalang ako sa upuan, tumahimik at nag-antay na makarating sa lugar kung saan kami papunta.

She's Rich, He's RicherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon