Chapter 13.8

225K 4.2K 429
                                    

Mabilis na nakabawi ng gulat si Karen kumpara sa akin. Kinakabahan na rin talaga ako dahil tantya ko'y may hindi magandang mangyayari. Oh please sana wala naman. 

"Ano nga ba ako Karen? Ituloy mo lang. Sige na." inis na sambit ni Cassandra. 

"Tama na Cass, umupo nalang tayo." bulong sa kanya ni Kane. 

"Hayaan mo kami. Ano Karen? Ano ako? Sige na sabihin mo makikinig ako."

"Speaking of the devil ba ang drama natin ngayon? Tama bang makinig sa pinag-uusapan ng iba? Mind your own business Cassandra. Huwag kang masyadong eskandalosa." 

"Hindi pa ako nakapag eeskandalo sa tanang buhay ko Karen pero baka ngayon matesting-an ko." Pilit na hinihila ni Kane si Cass para lumayo na. Ako naman nakaupo. Sus kaya na ni Karen yan. Go bestfriend! Moral support nalang. 

Pero syempre joke lang yun. 

"Kah alis nalang kaya tayo?" suggestion ko. Para wala nalang away. Nakakahiya kasi ang daming tao baka may kakilala pa ako. Dapat kung mag-aaway yung kami kami lang para rumble mwahaha jokie.

"Bakit kayo aalis? Para sa ibang restaurant niyo nanaman ako pag-uusapan? Go pag-usapan niyo lang ako at dito nalang kaya kayo para marinig ko naman." Palaban at matapang na panghahamon niya sa amin. 

"Oo nga, bakit kami aalis? Nauna naman kami dito ah. Kayo mag adjust. Move on move on din kasi pag may time. Gusto mong maprangka? Ang b.tch mo. Hindi ko alam kung saan mo hinuhugot yan pero girl, ang lalim ng pinaghuhugutan mo. Bakit ba tutol ka ng tutol kay Mico at Kane? May porsyente ko ba kapag si Kane Lee ang nakatuluyan ni Mico? Hindi kasi kita magets eh. Ang bait mo naman sa amin dati pero anong nangyari? Para kang t*nga na hindi nalang tanggapin na hindi nga si Kane Lee at Mico ang para sa isa't-isa. Tapos yung bunganga mo pa, sobrang kinikimkim ko nalang yung pikon ko para sa'yo. Nanggigigil ako. Sorry ha. Pero ang b.tch b.tch mo kasi talaga."

"Kah, tama na. Ano, Cass, aalis nalang kami." mahinahon kong paalam kay Cassandra. 

"Shut up Kane." Aba gaga, inano ko ba siya? "Nakakainis kayong magbestfriend. Kane, sa simula gusto kita. Oo okay ako sa'yo, noong una. Pero bakit nga ba biglang ayaw ko na sa'yo? Kasi habang tumatagal pakiramdam ko hindi ka worth it sa pagmamahal ni Mico. Bakit? Dahil sa pang-iiwan mo sa kanya noon at hindi malabong mangyari ulit. At ayan nangyari nga." 

Luh? Papansin? Hindi nga ako dapat kasali, moral support nga lang kasi ako. Ano ba yan. Edi siya na. Honestly naiintindihan ko naman ang pinaghuhugutan niya pero parang ang lalim na ata masyado tapos naghuhukay pa siya. 

"Ikaw naman Karen, dukha ka lang naman diba? Kaya mo lang binestfriend si Kane kasi may pera? Diba siya yung tumulong para makapag-aral ka ng college? User ka rin na----- What the f---?!"

Ayos lang na kantiin niya ako pero ang sakit na nung mga sinasabi niya kay Karen. Hindi na ata tama yun. Hindi ko na kayang manahimik lang at maging moral support kaya ayun nasampal ko siya. 

"Bakit mo ako sinampal?!" Aba at siya pa ang galit. 

"At bakit hindi? Sumosobra ka na Cassandra."

Kulang pa nga yun eh. Mas masakit yung binibitawan niyang salita kesa sa sampal ko        ng yun.

"Kane Sy! Hindi mo dapat ginawa yun." 

"Bakit Kane Lee ano ba ang dapat kong gawin? Ininsulto niya ako. Oo sige, okay lang yun. Pero yung pagsalitaan si Karen ng ganun? Aba ibang usapan na yun."

"Pero hindi tamang manampal ka sa harap ng ibang tao. Mali yun." Mali? Siguro nga pero hindi ko na napigilan. Para bang may sariling utak ang mga kamay ko at kusang gumalaw. 

O sige na nga. Mali na ako. Tama na siya. Mabait na siya. Bw*sit!

"Ma'am yung order niyo po." 

"Shut up!" Karen, Cassandra and I said in unison. 

Pinagtitinginan na tuloy kami ng mga tao. Pasensya naman yung dugo ko umabot na sa ulo ko. Uminit talaga siya nang dahil ka Cassandra. 

"Ate pakilagay nalang po. Pasensya na medyo mainit po kasi ang ulo nila" saad ni Kane Lee. Tumango naman ang waitress. Gusto ko ring humingi ng tawad pero sige na, nakahingi na rin naman si Kane Lee. Nakakahiya naman kay ateng waitress baka maubusan siya kakahingi namin ng tawad. 

Bigla akong napatingin kay Kane at wari ba'y ineexamine siya. Yes, she's really nice. I don't know kung hanggang saang point o kung paano pero hindi ko siya magets at ang kabaitan niya. 

"Ano Cassandra, tapos ka na ba? Pwede na ba kaming kumain? Nandito na ang order namin. Sana magpaubaya nalang kayo. Tutal naman sobrang bait mo Kane, pwede bang pakihila nalang si Cassandra palayo, please?"

"Hihilain ko na ba?" panlolokong tanong ko kay Karen kahit na alam kong si Kane Lee ang tinutukoy niya.

"Tigilan mo ako. Ang sabi ko yung sobrang mabait na Kane. Sumosobra ka lang, walang mabait." Tumawa nalang ako. 

"Sige na Kane, kung ayaw mong magkagulo, kasi pasensya na ako rin ay umiinit na ang ulo ko. Kaya sana sa susunod nalang tayo mag-usap apat. Salamat" Mahinahon kong paki-usap.

"Sige pasensya na ulit kung naabala namin kayo." Tumango at ngumiti nalang siya at  hinila si Cassandra na nakabusangot. "Dapat hindi ka na humingi ng tawad. Ugh." 

"Cool down Cass." At unti-unti na silang nakalayo. 

"Grabe imbis na mawalan ng gana mas nagutom ako. Oh ano Kane? Kailangan ko pa ba sabihin kung kamusta o anong nangyari kay Cass? Obvious na ba kung ano ang inasal niya nung nawala ka at pati ngayong nandito ka? Ewan. Nastress ang dukha but rich beauty ko." 

"Oh kalma na. Kain nalang tayo. Next topic. Kamusta si Reynaldo?"

"Oh please Kane 'wag na si Reynaldo ang tanungin mo. Baka mamaya biglang umappear din yun." 

"Ay Karen akin nalang yung pineapple dyan sa piz----" 

Panunumpa ng Katapatan sa Watawat ng Pilipinas. Ako ay Pilipino. Buong katapatang nanunumpa-----

"Teka Kane tumatawag si Mico. Hello?" 

(Kasama mo ba si Kane? Nasaan kayo?!)

Paano niya nalamang nandito ako?! 

She's Rich, He's RicherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon