Chapter 12.6

237K 3.8K 662
                                    

Sorry guys kung masyado kayong naiinip sa bagal kong mag-update (_ _)
Spoiler: Chap 13 pa ang POV ni Kane since ang title ng chap na ito ay She's Gone. Alam kong miss niyo na siya pero kailangang mapanindigan ang plot.

---------

Reynaldo Ajinomoto's Point of View

Nagsimula na akong lumakad palabas pagkatapos kong sagutin nang maayos si Karen.

Ewan ko ba bakit ang init ng ulo ng babaeng yun sa akin.

Ano bang ginawa kong kasalanan sa kanya? Ang pagiging pogi ko lang naman ang naiisip at ang sa tingin kong natatangi kong kasalanan.

Hirap talaga maging gwapings, maGM nga.

h4isxtz.., b4@kit k4y4 aqoue pIn4n6@nak nuAh Gwapingz..,?  0wh k4@y h3R4@p m4@6iN6 fUg333h..,

uF 2 sumwhir

g3-3m!!!,
#R3yn@ldo

(Translation from jeje to normal language due to insistent public demand: Haist. Bakit kaya ako pinanganak na gwapo? Oh kay hirap maging pogi. Off to somewhere. GM. #Reynaldo)

Tinungo ko ang usual na madilim na eskinita papunta sa maliit kong bahay.

Nakapamulsa ako habang naglalakad, para cool at dagdag pogi points.

Napansin kong may babaeng naglalakad sa unahan ko, hindi ganoong kalayuan mula sa akin.

Lingon siya ng lingon sa direksyon ko. Mukhang takot. Takot na takot.

Akala niya ba ay kriminal ako? O balak ko siyang gawan ng masama?

Binilisan ko ang lakad ko patungo sa kanya para matestingan kung tama ba ang hinala kong pinagsususpetsahan niya nga ba niya talaga ako.

Nakaka limang mabilis at malalaking hakbang palang ako ay nagtitili at nagtatakbo na siya.

"Tulooong! Tulooooong! Rape! Holdaper! Kidnapper! Pulis!!! Aaahhh."

Aba iniisip niya ngang gagawan ko siya ng hindi maganda. Bakit ba napaka judgemental ng mga tao? Kadalasan ay kay kikitid ng nga utak. Hindi na sila resonable (reasonable). Sana minsan maging fair naman sila sa iba. Hindi porque yun ang iniisip nila ay yun na ang totoo o tama.

Oo hindi ako kasing gwapo ni Mico pero medyo magkalapit lang naman ang looks namin ajeje. Aykn sa paniniwala ko lang naman.

Ang ibig kong sabihin talaga ay oo di ako ganun kakinis o kaputi, medyo dugyot man akong tingnan paminsan pero hindi ibig sabihin nun ay isa akong masamang tao.

Bakit ba sa anyo nalang laging nakabase?

Halimbawa. Halimbawa lang. Papasok kami ni Mico sa iisang restaunt, ito ang magiging scenario.

Imagination

*Mico enters*

"Hi sir. Table for how many? May reservation na po ba kayo? Dito po ang VIP area."  sabay pakita ng mapupungay na mga mata.

*Me enters the dragon*

"May CCTV dito, 'wag mo na tangkaing dito pa isagawa ang modus mo." 

o kaya

"Ikaw ba ang tinawagan naming tubero? Sumunod ka, dito ang kusina"

Haaaay. Napakaraming taong mapang mata.

Bigla ko tuloy namiss si Kaney.

Isa kasi siya sa mga taong hindi humusga sa akin. Rumespeto, naniwala at nagtiwala siya sa akin. Sa mga kakayahan ko.

Tinuring niya akong kaibigan kahit na ang layo ng pagitan ng estado namin sa buhay.

Hindi siya perpekto pero isa siyang inspirasyon.

Gusto ko na siyang makita. Miss ko na siya, sobra. Sana ay ayos siya kung nasaan man siya. Sana mahanap at mapauwi na siya sa lalong madaling panahon.

Ako man na gusto kong gumawa ng paraan ay walang anumang magagawa kundi ang maghintay sa mga mangyayari.

'Pag-asa'. Yan ang kinakapitan ko ngayon.

Haaaay Kaney, miss ka na ng lahat. Ajujujuju.

MaGM nga.

She's Rich, He's RicherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon