Chapter 11.6

265K 3.9K 291
                                    


Naging maganda ang takbo ng mga sumunod na araw. Natapos na ang madugong school year o sem na meron kami.

Lahat ng requirements and stuffs ay napasa naman ng kumpleto. All is well kumbaga.

Nagyaya naman si Kane ng simpleng sleepover sa bahay nila. Bonding daw para sa mga bago niyang kaibigan.

I'm cool with her. She's good, really. Wala akong mairereklamo sa kanya. Wala na rin akong issue sa kanya.

Kane, nandito kami sa super market ni Kane. You want me to fetch you?

I hate the idea na magkapangalan kami simply because it brings confusions in both parties.

Nope. Mamaya nalang ako pag sa mismong bahay na. :)

As much as I want to join them pero matatagalan lang kung pabalik balik. Hindi naman talaga kailangang nandun ako diba?

Okay. Love you.

Love you too.

Just that. No complications.

Bumangon na ako sa kama. 8:30 palang pala. 1 pm pa ang usapan.

Naligo ako at nag-ayos.

Nag-umagahan at nanuod muna ako ng TV kasama si Christine, pamatay oras lang.

"Ate feeling ko ang cold mo kuya Mico."

Seriously? Paano naman niya naiisip ang mga bagay na ganun.

"Ha? Hindi naman ah. Paano mo naman nasabi?"

"Ewan feel ko lang. Parang wala ka nang pake. Hindi gaya ng dati na bukambibig mo kung gaano ka naiistress sa mga naiisip mo na possibilities and such."

"Nasanay ka lang na OA ako mag-isip. Mabuti nga itong ganito eh, less complications."

Napansin ko rin ang pagbabagong yun. Pero isinantabi ko lang kasi wala namang problema eh. I think.

"Hindi kaya ate you're falling out of love?"

Is she crazy? Of course not. Hindi na nga lang siguro ako showy pero I love him. Mahal ko si Mico.

"Baliw ka ba? Of course I love Mico. Ilang beses ko siyang binalik balikan."

Totoo yun.

Kahit na saan ako mapunta, kay Mico ang uwi ko.

Kahit sino pa ang makilala ko, sa kanya ang balik ko.

"What if, nagsawa ka na? Sa lahat ng sakit? Sa lahat ng dramas. Like that? That's why you care less. I mean look, nung highschool kayo ikaw first move pati nung nagbalikan kayo. Paano kung challenge lang talaga ang tingin mo kay kuya Mico? Paano kung iniisip mo lang na mahal mo siya kasi yun ang nakasanayan? Paano kung iba na ang pinapakita ng kilos mo?"

Sa totoo lang naguguluhan na ako kay Christine. Hindi ko alam ang pinapahiwatig niya.

Hindi ko alam kung anong punto niya.

"Ano ba yang pinagsasabi mo?" iritang sabi ko dahil pointless itong pinagsasabi niya sa totoo lang.

"I mean ate. Observation lang ha. Dati ang clingy mo kay kuya Mico. Ngayon ayos lang sayo kahit kasama niya pa yung pinagseselosan mong bff niya."

"Cool na kasi ako kay Kane. Hindi siya threat sa akin. Mabait siya at alam niyang bestfriends lang talaga sila. Nilinaw na niya iyon."

"Pero ate iba pa rin eh. May iba talaga. Hindi ko lang maexplain nang maayos."

"Heck. Edi iexplain mo. Tss."

Hindi ako interesado pero curious ako.

"Mahal mo si kuya Mico, I know. Pero what if it's not that enough na?"

"Mahal ko siya and I know it will always be enough."

Napangiti siya.

"Oh 'wag mo ng seryosohin ate. Masyado ka naman. Hahaha I am just testing you. I know naman kung gaano mo kamahal si kuya Mico right from the start eh."

I glared at her. Kainis ha.

"Paano ate kung nakita mong click na yung other Kane at si kuya Mico? Will you set him free?"

"Paano kung nakita mo na they are better without you? Paano kung mas bagay pala sila? Paano kung gusto talaga nila ang isa't-isa pero nakaharang ka? Paano kung cause of delay ka lang sa relasyon nila?"

"Christine kanino ka ba talaga boto? Sa akin o sa isang Kane?"

"Eto naman. Nagtatanong lang! Paano lang naman eh. Du ko naman simabing totoo. Sooo... Handa ka bang palayain si kuya Mico kung ganun?"

Sa totoo lang hindi ko masasagot yun. Kahit sa akin ay katanungan pa rin ang sagot ko para dun. Simply because, yun ang kinakatakutan kong mangyari. Na ako pala ang extra,

"Ewan sa'yo Christine. Matutulog muna ako. Nakakaantok ka kausap! Palibhasa, broken hearted nandadamay p. Tse!"

"Tse ka rin ate!"

Malapit na ako sa huling hakbang nang bigla nanaman siyang sumigaw.

"Ate! Masaya siya sa'yo, ang tanong, sa'yo lang ba?"

Kumunot ang noo ko at nilingon siya. Bigla siyang tumawa nang malakas.

"Hahahahah joke lang ito naman. Ge na. Shoo!"

She's Rich, He's RicherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon