Chapter 13

242K 4.1K 408
                                    

She's Riche, He's Richer : Chapter 13

~Playing hard to get...

*****

Kane Michelle Sy's Point of View

"KANE?!" pambungan na sigaw sa akin ni Karen. Makikita ko sa mukha niya na shock na shock siya at halos maluha.

Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapangiti. Sulit ang matagal kong paghihintay sobra ko siyang namiss. 

Napansin kong pagkatapos niyang isigaw ang pangalan ko ay hindi na siya makagalaw sa pwesto niya. Wari'y naestatwa. Parang hindi makapaniwalang nandito ako sa harap niya, sa ganitong sa oras, sa bahay niya, ngayon mismo.

"N-nanaginip ba ako?" nakatulala niyang sinabi na parang wala sa sarili. 

Buti ay nakapagpigil ako dahil gustong gusto ko siyang sampalin para malaman niyang totoo ito. Ngunit subalit ay niyakap ko siya. Grabe, it's so good to be back. 

"K-kane.." nanginginig ang boses niya. "Seryoso, ikaw ito? Hindi ako nananaginip o nagiilusyon? Hindi kaya puyat lang ako?" patuloy siyang nagsasalita habang magkayakap kami. 

Kumalas ako sa pagkayakap at hinarap siya. *PAK* Sinampal ko siya. 

"Aray! Bakit mo ako sinampal?!" 

"Para malaman mong totoo ito. Totoong nandito na ako. Namiss mo ba ako?" Ngumiti ako nang malapad at nakitang ang kanina lang na nangingilid niyang luha ay tumulo na. "Namiss mo nga ako 'no? Kaya tumulo ang luha mo 'no?" saka ngumiti ako ulit.

"Ilusyonada ka. Hindi ako naiyak sa sobrang lungkot. Oo nangilid ang luha ko nang makita kita. Pero sa lakas ng sampal mo sinong hindi maiiyak? Sa sakit nun, paanong hindi babagsak ang luha ko? Kaya ko na ngang ihold back pero sinampal mo ako! Walangya Kane Sy ang sakit!" daing at bulyaw niya sa akin. 

I missed her. I really do. Grabe, parang sobrang tagal kong nawala. 

"Aww I miss you too." the I hugged her and finally, she hugged me back. Pero wala pa isang minuto ay kumalas na siya sa pagkakayakap at seryoso akong tiningnan.

"Explain." Diretsong tingin niya sa mga mata. 

"Woaaaah! Scary." Asa naman. So I flashed a poker face, isang sign na mukha siyang tanga dahil feeling niya'y matatakot ako which is hindi naman. 

"Seryoso ako. I need an explaination. I need an acceptable explaination!" 

"Tigilan mo nga ako. Times two ka pang nagmukhang tanga." 

Alam ko naman na hihingi siya o sila ng explaination eh. Mag-eexplain naman talaga ako. 

Umupo kami sa sofa nila at sinimulan na niyang tanungin ako ng tanungin.

"Sabi mo two months lang? Bakit tumagal ng mahigit isang taon?" nanunumbat ba ito o ano? "Ha?!" Teka bakit ang baho?

"Galit? Agad agad? Nagtoothbrush ka na ba? Ano ba ang kinain mo. Ang baho ng hininga mo Karen pwede ba magtoothbrush ka muna! Maka huh huh ka sa mukha ko. Juice ko gusto ko pang mabuhay at walang balak mamatay dahil sa mabahong hininga ng kausap! Ang baboy ha."

Itinapat naman niya ang palad niya sa bibig niya at huminga. Pag-amoy niya ay wari'y umiba ang itsura niya. 

"Ahh oo nga. Kumain kasi ako ng sibuyas nung nasa beef steak kanina sa bar tapos garlic rice pa. Teka lang nga." tumayo siya at nagtoothbrush. 

"Game! Bakit tumagal ka ng halos isang taon at kalahati? Sabi mo two months lang ah."

"I came back." tiningnan niya ako na parang nagtataka. "Weh?" Yes, I really did. But none of them knew. 

"Kung totoong bumalik ka bakit umalis ka kaagad at wala ka manlang pasabi na nandito ka na?"

"You see when I came back here, magpapaalam lang sana akong magtatagal ako sa US, kasi dun ko tatapusin ang pag-aaral ko. Pero hindi na ako nakapagpaalam kasi hindi magandang scenario ang inabutan ko." 

Nakatingin lang siya sa akin at maiging nakikinig at nag-aantay sa susunod kong sasabihin kaya tinuloy ko nalang. 

"I was about to surprise him, Mico but then naudlot. Why? Kane the bff and him, masaya silang nag-uusap sa garden nila Mico pagdating ko. Hindi nila ako nakita pero ako pinagmamasdan ko lang. They seem to be happy. I felt worthless that time. Biruin mo, umalis ako pero hindi manlang niya ako hinanap or nagworry or naghanap ng way para maka keep in touch sa akin or what. I mean, nandito man ako o wala, masaya siya. So pakiramdam ko hindi naman pala niya ako kailangan, it will be the same if I'm with him or not."

"No Kane, mali ka. Hinanap ka sa akin ni Mi---" I cut her off.

"Yes Karen, hinanap niya ako sa'yo. Nagtanong siya sa'yo. May ginawa ba siya? You see, words aren't enough." Natameme siya. Bull's eye. I hit the right words.I continued.

"It sucks, reality sucks. Tinanong ko ang sarili ko, am I not worth of his efforts? I'm hurt back then so I went away without any single word. Nagbilin din ako sa guard na 'wag sasabihin na nanggaling ako dun. Sorry Karen hindi kita nacontact, I lost my mind, nagbook ako agad ng ticket paalis. Nagfocus nalang ako sa pag-aaral ko dun. Sa sobra kong focused hindi na ako nakapagtext o ano sa inyo. I'm sorry."

"At least medyo naliwanagan na ako. Pero Kane, bakit after a year ka na bago nakipagbreak kay Mico, bakit hindi yung time na bumalik ka?"

"I've been always selfless, I have thought it's already time to be selfish, just for once. Gusto kong habulin niya rin ako. Yung siya nanaman ang gagawa ng mga paraan. Yung ako ang magmamatigas pero syempre in the end or in no time bibigay rin naman ako. He has the money and all. Kaya niyang gawin kung anong gusto niya basta gugustuhin niya, you know the song lyrics kung ayaw may dahilan, kung gusto palaging merong paraan. Pero wala eh. Nagsawa na rin ako, so I broke up with him." 

"Hindi mo lang alam Kane, he wants you back."

"He wants me back but never made a move. It sucks." I smiled bitterly

"He's on the process na. Ay leche napapa english din tuloy ako. Ikaw kasi eh."

"He's on the process but it's too late." My smile slowly faded away.

-----------------------------

Correct me if there are typos or wrong grammars, madaling araw ko ito ginawa. *Yawns* hihi. 

She's Rich, He's RicherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon