"You sure you don't want to ask anything?"
Hindi naman siguro masama ang magtanong kahit konte diba? 'Wag ko lang gawing OA yung tanong.
Maging sensitive nalang siguro ako sa bibitawan kong salita.
"Kane... About the other Kane. Ahm. Is she that special to you?"
"She will always bear a special part in my heart."
Hindi naman masama yun. Kaibigan siya ni Mico. She was once his everything, his best, I think.
Pero there's a part of me na syempre masakit.
"So, she's really special ha?" pinilit kong ngumiti.
"Silly." Hininto niya ang sasakyan saka humarap sa akin. "She only holds a part of it. You hold everything of it."
Tinanggal niya ang seatbelt niya tsaka bumaba at umikot para pagbuksan ako.
Palihim akong napangiti. Yun na ba yung assurance na gusto ko? Siguro.
"Table for two maam, sir?" sabi ng waitress na nagpapacute pa kay Mico at nagpapapungay ng mata.
Mukha bang tatlo kami? O baka gusto niyang makikain sa amin?
O baka may nakikita siya hindi namin nakikita? Sana wala.
Tumango lang si Mico.
The usual lang naman. Pag upo namin binigyan kami ng menu. Pumili. Inorder. Nagluto. Habang nag-iintay sa order nagkuwentuhan. Nagserve ng pagkain. Kumain. Umalis.
Habang nasa loob ng sasakyan the usual lang. Yung normal.
"Gusto mo ng dessert?"
"Ha?"
Lumiko kami sa isang pamilyar na eskinita.
Bumwelo siya para magpark and there I saw my all time favorite.
Mangga at bagoong ni aling Elsie.
Lumingon ako sa kanya at ngumiti ng napakalaki. Namiss ko ito. Halos tatlong taon na akong hindi nakakapunta dito.
Pakiramdam ko tuloy highschool ako ulit. Time really fly so fast. Nakakamiss yung mga kalokohan ko dati.
Hindi ko na inantay na pagbuksan ako ni Mico. Dali dali akong bumaba, agad agad. Old habits die hard.
Grabe halos tatalon ang puso ko sa saya.
"Si manang Elsie po?" tanong ko sa babaeng nagbabantay sa tindahan niya.
"Ahy umalis te eh."
Ako lang ba o talagang parang tae lang yung pagbigkas ng 'te eh'. Pft~
"Saan po pumunta?"
"May date ata po."
"Ahhhh" tumango tango ako.
"Hi koya. Ano iyo?" sabay beautiful eyes niya sa taong kakarating lang.
"Ako nalang koya. Libre pa. Ahihihi. Dine in o take out?" tuloy nito.
Wow? Nakalimutang nag eexist ako ganun? Ang taglandi talaga ay for all seasons. Walang pinipiling panahon, lugar, time, space.
Lumingon ako at si Mico pala.
"Girlfriend ko." sabay akbay niya sa akin.
"Ay shayang."
"Limang order ng indian mango tsaka limang bagoong. Pakidagdagan nalang. Suki ako dito eh." sabi ko.
Pinanuod ko lang maghiwa ng mangga si ateng tindera.
"Oh ayan na pala si manang Elsie oh!"
Lumingon ako. Ay shet. Ang kadate ni manang Elsie ay si manong George? Lumaki ang mata ko sa nakita ko.
"Mang George? Seryoso?" napatakip ako ng bibig ko. "Kailan pa?"
Hindi pa ata ako napapansin ni manang Elsie dahil nagbayad pa siya sa tricycle habang si mang George ay papunta dito bitbit ang mga ginrocery na mga paninda at pagkain.
"Mga two years na ho ma'am."
"Bakit niyo po di nabanggit sa akin? Huhuhu. Ang daya niyo naman po."
"Hindi ka naman ho nagtanong hahaha."
"Hmp. Daya pa rin."
"Kane?!" pasigaw at gulat na tanong ni manang Elsie.
Tumawa ako sa naging reaksyon niya.
"Opo. Hahaha. Kalma lang po baka mahighblood kayo."
"Jusko kang bata ka. Ang tagal mo bumalik. Hoy Neneng sapung mangga at bagoong ang ibigay mo rito. 'Wag mo nang pabayarin."
"Naku manang Elsie. Nakakahiya naman po."
"Ikaw namang bata ka. Di ka na naiba sa akin. Sige lang, libre ko na yan sa iyo. Halina kayo rito at maupo."
Nagkakwentuhan kami at nagkatawanan. Nagbibiruan din. Napaka sweet pa ni manong George at manang Elsie.
Kami naman ni Mico ay tuwang tuwa sa pinapakita nila.
Akalain mo nga naman. Kung kailan na sila tumanda ay tsaka pa nila nahanap ang great true love nila.
Love is really timeless.
"Eh manang kailan po ang kasal?"
"Hindi pa namin napag-uusapan. Baka sa susunod na mga taon kapag nakaipon. Kayo kailan ang kasal?"
"Hahaha. Manang talaga oh. Wala pa po."
"Ikaw Mico ha. 'Wag mo nang papakawalan ito. Ay naku! Napakaswerte niyo sa isa't-isa. May palo talaga kayo sa akin kapag hindi niyo ako inimbita sa kasal niyo."
Nagkatinginan lang kami ni Mico at sabay na tumawa.
"Anong nakakatawa. Seryoso ako. Mga batang ire talaga."
"Matagal pa po yun manang."
Nagkakwentuhan si mang George at Mico habang kami ni manang Elsie ay nasa may kusina at iba rin ang pinag-uusapan. Hanggang sa lumalim na.
"Basta kahit anong mangyari, kung anumang pagsubok ang pagdadaanan niyo. 'Wag kayong bumitaw sa isa't-isa. Dun, dun masusukat at mapagtitibay ang pagmamahalan niyo. Kaya Kane, kapag ang sitwasyon naging magulo at gusto mo nang bumitaw, makinig ka muna sa gusto ng puso mo. Pag-isipan mong mabuti ang mga hakbang na gagawin mo."
May pinaghuhugutan ba ito si manang? Nakakakaba ang mga pinagsasabi niya.
"Dahil kapag ang tadhana nagbiro, mahirap na."
Bigla akong kinilabutan. Ano ba itong nararamdaman ko.
"Osya. Luto na ang meryenda. Ihatid na natin ito sa kanila." ngumiti siya at ngumiti din ako pabalik.
Pero hindi ko maiwasang hindi talaga kabahan at kilabutan sa sinabing iyon ni manang.
BINABASA MO ANG
She's Rich, He's Richer
RomanceA feel good story that will drive you crazy. Hanap mo ba ang kilig? Sweet words? Chase? Gusto mo bang matuwa? Humagalpak kakatawa? mainis? disappointments? Eh yung mapunit ang bibig kakangiti? Thrill? At marami pang iba? Just read this. P.S. Don't...