Chapter 4.4

364K 5.1K 171
                                    

"Aray! 'Wag mo nga akong hampasin! Ang sakit kaya! Paano kung mag-asawa na tayo, ano ako? Battered wife?! Kainis."


"You deserved it. Gawin mo nalang kasi ang pinapagawa ko. Arte. Tss."


"Ano?!" Maarte daw ako?! Wala ngang kaartehan itong ginagawa ko eh.


"Wala!"


"Sinisigawan mo ba ako Mico?!"


"Kasi sinisigawan mo ako! Sino ba sa atin ang nauna? Goodness, hindi ka din dapat sumisigaw. Hindi ka megaphone, hindi ka announcer at lalong hindi ka fire alarm kaya wag kang masyadong maingay. Ang sakit mo sa ulo!" he then massaged his temple.



Ako pa? Ako pa ang masakit sa ulo?


Siya nga itong parang ewan. Manghahampas ng folded na dyaryo sa kamay kasi hindi ako nagchopstics! Yun lang yun, ang babaw.


Pinag-aawayan na namin. Eh sa gusto ko magkutsara at magtinidor tapos wala palang spoon and fork. Tapos chopstics lang talaga meron edi nagkamay ako. Bakit ko papahirapan sarili ko? 


"Ugh. You did not even bother to wash your hands! That was so ungraceful, Kane!" 

"Pag ba naghugas ako ng kamay papakainin mo na ako ng nakakamay?"


"Fine. Do whatever pleases you." iritableng sagot niya. tse.

Siguro alam niya na ring matigas talaga ang ulo ko at ayaw niya ng pahabain pa ang pagtatalo namin kaya hinayaan niya nalang din ako sa gusto ko. 

Then I stood up tsaka naghugas ng kamay.

Isa lang yan sa mga walang kwentang bagay na pinag-aawayan namin.

Minsan pa nga kung anong klase ba ng damit ang susuotin ko, pag-aawayan pa namin. Gusto niya kasi nakaformal ako tapos gusto ko casual lang pero sa pagtatalo naming yun, siya yung nanalo. Party rin kasi talaga ang pupuntahan namin kaya mas may point talaga siya.

Madalas naman yung pagsigaw, pagtakbo, pag-akyat sa bakod at hindi ko pagsuot ng ID ang madalas naming pagtalunan.

"Kane, nasaan ang ID mo? How many times do I have to tell you na suotin mo yun lagi. Estudyante ka at kailangan mo yun. You'll need that in case of emergencies."

Yan ang lagi niyang linya. Dumating na din sa point na pinagawaan niya ako ng benteng ID para makasiguradong may masusuot ako in case na iniwan ko o nalimutan ko o nawala ako. Kaya wala akong lusot para hindi mag ID.

Peste saan ko ba magagamit na emergency ang ID? Pangbukas ng nakalock na pinto? I just don't get it. Pero wala akong laban eh and somehow he really, no, he always has a point.

Another month had passed. Wala namang masyadong nangyari, puro kilig, bangayan, turuan at kung anu-ano pang medyo walang kwentang bagay ang ginawa namin ni Mico ng magkasama.

Nakahiga ako ngayon dito sa kama at nagpapahinga. Grabe parang kahapon lang crush ko palang siya ngayon meron na kaming malanding ugnayan/MU/mutual understanding.

Speaking of kahapon, pinatawag kami kahapon sa guidance office at kinonggratulate si Mico for a job well done.


Akalain mo yun under observation na pala ako last week para sa counseling ng actions ko at pumasa ako. Yey.

Mabuti at timing ang pag observe nila kasi medyo masama ang pakiramdam ko last week kaya wala ako gaanong energy para sumigaw, tumakbo at kung anu-ano pa. Kung nagkataon lagot na.


Napangiti ako, as I remembered that I passed the counseling but nothing changed. I'm still the carefree Kane ang diperensya lang ngayon is I have now my Mico. Salamat talaga sa principal na may pakana kung bakit ako napalapit kay Mico.


The weekend was boring. Kain, tulog, computer, TV and the cycle goes on and on. Paulit ulit lang.

Monday, I was really energetic. Maaga ako ng 30 minutes, may ID ako at una kong hinanap si Mico.

Disappointed ako nung hindi ko nakita ang bag niya pagpasok ko ng room. I waited pero walang Mico na dumating. 2 minutes before ng klase dumating siya nakakunot noo. I greeted him pero he just nod. What is his problem?

"May problema ba?"


"None of your business"


That was harsh. Nasaktan ako sa sinabi niya. Sumimangot ako at bumalik sa upua  ko.

The whole lesson was boring as usual. The next subject teacher arrived late pero nagpaactivity lang siya. The next one discussed a lesson which I did not bother to listen at all.

I am still preoccupied by the words that Mico told me. 

I don't know if it was still my ego who is hurting or rather my heart.

Finally, the long awaited RECESS has come.

"I'm sorry. I didn't mean to offend you. Pagod at puyat lang ako."

I looked up. It was him.

"Concern lang naman kasi ako. Wag ka namang harsh ang sakit kasi sa pakiramdam ng ganun. It is like you are rejecting me or tinataboy mo ako or something worse than that. Nakakainis kasi. Talagang talagang nakakainis na nakakasakit na basta hindi mo maiexplain yung feeling. Maarte na kung maarte nasaktan lang talaga ako. Hindi ko alam kung ego ko ba yung natapakan o yung feelings/damdamin ko."

I walked out.

Akala ko susunod siya sa akin but to my dismay hindi niya ako sinundan. Aish! Nakakainis, nakakainis siya. Nakakainis talaga. Nasabi ko na bang nakakainis siya? Aish. Nakakainis talaga.

Ugh! Nagpapakipot lang naman ako eh! Akala ko kasi lalambingin niya ako. Mali pala ako. Isang maling akala, tagos hanggang buto, sagad hanggang puso. Haaay.

She's Rich, He's RicherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon