Chapter 12.2

251K 4.6K 1K
                                    

Tumawa si Cassandra na parang baliw.

"She's rich and breaking his heart was her biggest mistake. Hindi na siya dapat habulin pa ni Mico. Dapat magsettle na si Mico sa the best and it's Kane Lee not Kane Sy."

Sasabat na sana ako pero naunahan nanaman ako ng armalite na bibig ni Shane.

Seriously?

"He's Richer, he'll do everything to win her back. That's for sure. Pinsan ka lang."mariin na sinabi ni Shane.

Alam kong nagkakainitan na sila lalo na at nakainom sila kahit papano. Gusto ko sana awatin pero di ako makasingit.

"Bakit sino ka ba? Childhood friend ka lang, kababata. Minsang nagkagusto sa kanya. If I know kaya ka lang boto kay Kane kasi mas madali mo siyang maaagaw dun. Ha ha. Pathetic."

Halatang nainis si Shane at kulang nalang ay sabunutan na niya si Cass pero kahit papaano ay nakikita kong nagpipigil pa siya.

"P*kyu with all my guts. Nambubwisit lang ako simula palang at hindi ako nagkagusto kay Mico. I just like how Kane reacts and everything. Tanga mo para isiping totoo yun."

"Sorry ha. Para kasing totoo."

"Edi totoo!"

"Stop!" pagpigil ko sa dalawa. Ayoko namang magkaroon ng catfight dito.

Mahirap awatin lalo na at mas matangkad sila sa akin. Height matters!

"Anong nangyayari?" pag-uusisa ni Kane nang dumating na may hawak na mga pagkain.

"Wala! Pwede ba lumayo ka muna. Naalibadbaran ako sa'yo."

Sa totoo lang nung una nakakapagtaka bakit biglang gusto ni Shane itong si Kane, Kane na bestfriend ko. I figured out that she was just a secret friend.

Secretly caring without anyone knowing. Simula palang gusto na ni Shane si Kane. Pero di niya lang pinapadama.

Kunwari galit, kunwari ayaw pero ang totoo she cares because she finds that person worth of something.

Yun ang naobserve ko sa kanya.

"Shane! Walang ginagawa sa'yo si Kane. Tumigil ka nga."

"A-ahh s-sige dun muna ako sa table nila Mico."

Kane has been nowhere and I don't know what this Kane's up to. Wala naman akong nakikitang masamang ginagawa niya.

Usual lang ang pag arte niya. Nothing's strane.

"At ikaw naman Cassandra, ano ba ang problema mo kay Kane? Pagkakatanda ko ayos naman siya sa'yo dati ah." baling ko kay Cassandra.

"Well, wala akong problema sa kanya. Ayos ako sa kanya. But I am siding the other Kane. That's it. I am just a confuse friend. That's it." depensa nito.

"Hi girls. Am I late? Ajejeje." ngiting ngiti nitong sabi.

Eto nanaman siya mukha paring tanga.

"So what's up?" masayang tanong niya.

"Nakaka down ang mukha mo." sambit ni Shane sabay roll eyes.

"Grabe naman kayo. Oh? Anyare kay Mico? Nacontact na ba si Kaney? Kailan daw balik niya? Miss ko na pa naman siya. Ajujuju. Sana balikan niya na ako. I'm incomplete without she."

"Her!" pagtatama ni Shane.

"Galit? Agad agad? Selos ka?"

"Asa ka namang jejemon ka. Suntok sa buwan kung magseselos ako para sa'yo."

"Aba nasaan ang buwan at susuntukin ko para magselos ka. Ajejeje." sabay kindat nito.

Tumawa siya at biglang lumungkot ang mukha.

"Miss ko na talaga si Kaney."

Bigla siyang tumayo at pumunta kay Mico. Ikinagulat nalang namin ang sumunod niyang ginawa.

Bigla niyang kinuwelyuhan si Mico at sinuntok kaya napaupo ito.

"Hoy Mico! Kung mahal mo si Kaney hanapin mo siya. Mag effort ka naman! Lalake ka! Akala ko ba kung mahal mo, mahal mo? Lagi kong naririnig yan eh. Hanggang salita ka lang ba? Gawa gawa din pag may time. Iinom ka lang? Mahahanap mo siya gamit ang alak? Aba g*go walang magagawa ang kagwapuhan mo kung di mo gagamitin sa tama. Ang gwapo mo pero mas gwapo pa rin ako sabi ni mama. Walang connect yun. Pero Mico, payong lalake at kaibigan lang ha. Hanapin mo na rin si Kane. Isang taon na oh! Effort effort din. Akala ko mahal mo? Edi simulan mo na kumilos!! Gawin mo na lahat kung totoong mahal mo siya!"

Pinahid ni Mico ang bibig niyang may dugo at tumayo. Tiningnan niya nang matalim si Reynaldo.

"Alam ko. Alam ko ang gagawin ko." atsaka umalis na siya.

Pero teka? Sinong magbabayad ng bill namin?! T@$#)(&

She's Rich, He's RicherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon