Chapter 11.2

271K 4.4K 156
                                    

Hi cheescake21. Ito na yung mention na promise ko sayo haha.
Thank you sa support and promotions and eveything. :)

To all readers out there, I couldn't thank you all enough. Sobrang natutuwa ako sa pag-appreciate niyo sa story ko. Lots of love ♥♥

-------

I can't contain all the emotions anymore. I want to walk out but instead I chose to hug him.

I don't know, I just feel that I need to.

Knowing him beside me can mend this broken heart and it also made me realize that there's nothig to sober about.

"Sshhh. Stop crying. I'm sorry."

Pinapatahan niya ako habang magkayakap kami. Kumalas siya and looked at me. He wiped all my tears away.

"You're way more beautiful when you smile. Kane, beautiful is an understatement to describe you."

I smiled. There's no break up, just make up.

Nakatulog ako ng maayos, maganda ang gising ko at nakapasok ng maaga para sa huling mga linggo ng klase.

"So okay na kayo?" asked Karen.

Tumango ako bilang sagot.

"Ahhh kaya pala blooming. Mabuti yan Kane."

Kanina pa nga ay sinundo niya pa ako sa bahay. Masaya ako. I think what I feel right now is beyond happiness.

"Napaka contagious niyang mga ngiti mo Kane ha. Nakakahawa." Karen laughed.

Awkwardly, bigla siyang napatigil sa pagtawa. Nakatingin siya diretso sa likod ko.

"Ahh hello!" may energetic akong boses na narinig sa likod ko.

Lumingon ako only to find out na may dalawang babaeng nakatayo mismo sa aking likuran. Ang isa ay si Cassandra at ang isa ay hindi ko kilala. Ang ngiti niya napakalapad. Para bang walang dapat ikalungkot.

"Ahhm Kane, this is Kane." Cassandra looked away.

"Hi Kane! Ang ganda ng pangalan natin 'no? Kasing ganda natin! Haha. Alam mo bang pinilit ko pa si Cassandra parang lang makilala ka? Ang dami kong naririnig about you."

"H-hello." Sa dami ng sinabi niya, yun lang ang kaya kong itugon.

"Pwedeng makiupo?" She smiled so wide.

Paano ko tatanggihan ang mala anghel na mukhang yan? Even if I want to hate her, parang walang rason para maramdaman ko yun dahil sa pinapakita niya sa akin.

"Gusto kitang maging kaibigan alam mo ba? I want to be friend with Mico's girl. Mukhang mabait ka pa. Sa tingin ko magc-click tayo."

Sa asta at galaw niya masasabi mong hindi siya maarte. Mabait at friendly pa.

Hindi naman siguro masama ang makipagkaibigan sa kanya diba?

"Oo naman. Ahm pwede tayong maging magkaibigan kung gusto mo. Haha. Ito pala si Karen, bestfriend ko."

"Hi Karen! Nice name. Alam mo ba..." blablabla.

Kay Karen nanaman siya nakipag-usap. Samantalang ako I looked at Cassandra.

"May problema ba?" tanong ko ng mapansing nag-iiwas siya ng tingin sa akin.

"I'm just sorry Kane. For all the nega thoughts I have said. Mico's mad at me because of that. Haaay dapat hindi nalang ako nakisawsaw. Pasensya talaga Kane."

"Ano ba Cass, wala yun. Tapos na rin naman eh. Wag mo na masyadong alalahanin."I patted her and smiled. She smiled as well.

Nagkwentuhan kaming apat. Nagkakatawanan na rin dahil sa kwela nitong si Kane, hindi ako ah. Yung isa.

Minsan tuwing nasusulyapan ko itong si Kane, iniisip ko, ano kaya ang masinsinan nilang pinag-usapan ni Mico nung nakaraang araw?

Di bale. Hindi na naman na mahalaga yun. Maayos naman na ang lahat eh. Wala nang dapat ikaproblema at ikabahala.

Sarili ko lang ang papahirapan ko kung iisipin ko pa yun.

Naramdaman ko namang nagvibrate ang phone ko kaya madali kong kinuha ito. The sender was Mico kaya binuksan ko kaagad.

Lunch?

Napangiti ako at nagreply agad ng Okay.

Saan ka?

Canteen.

Dyan nalang kita sunduin.

Sige.

Hindi nagtagal ay dumating na si Mico. He's handsome and intimadating as ever.

Pero ano rin? Ang ganda ko kaya.

Okay, ayos na nga ako. Humahangin nanaman ang utak ko eh.

"Kane." banggit ni Mico.

Sabay kaming napalingon ni Kane.

"Oyyy Mico. Hindi ka na nagreply sa text ko."

"Tss. Non sense naman kasi."

"Grabe dati naman kahit anong kawalang kwenta ng text ko magrereply at magrereply ka. Hmp. Pero kung sabagay kung itong si Kane naman ang dahilan kung bakit di mo ako nareplyan aba okay lang. Hahaha."

"Ang ingay mo. Ge na. Aalis na kami ni Kane. Tara na?"

Tumango ako.

"Ingat kayo." then she waved.

Nagpaalam na rin ako kay Karen at kay Cass.

In-on ko ang radyo pagpasok namin ng sasakyan pero pinatay rin ito dahil ang pangit ng kanta. Mala genre ni Reynaldo.

"Magkaaway kayo ni Cass?" tiningnan ko siya habang nagdadrive.

"Tampuhan lang siguro."

"Magbati na kayo."

"It will pass."

"Dapat hindi mo na siya...." pinutol niya ang sasabihin ko.

"Kane, let's not talk about others all right? Mawawala rin ang tampuhan namin."

"Okay."

"I love you." he said out of the blue.

I smiled. "I love you too."

"Ask me anything. Sasagutin ko."

Marami akong gustong itanong but I chose not to.

I trust him enough.

Answered questions sometimes just add more curiousity.

Hindi naman lahat ng bagay dapat alamin.

There's always a part of the story that you'll never know. Those parts that will always remain history.

She's Rich, He's RicherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon