Chapter 5.4

342K 4.5K 302
                                    

Please like my official READER's PAGE ----> https://www.facebook.com/girlprincessstories

Diyan po ako magpopost kung kailan ang update, mag e-entertain ng questions. Makikipagchikahan. LAHAT!

Kailangan ko din pala ng ADMINS dyan :) Salamat po.

 

---------------------------------------------

Nagmadali akong lumabas ng room pagkatapos magdismiss ng prof. Huling subject para sa araw na ito.

Sa totoo lang walang pumasok sa utak ko, busy kasi ito sa pag-iisip kung paano ko mahahanap si Mico. Gayunpaman, naniniwala pa rin ako sa Power of Love.

Kailangan kong mahanap yung nakabanggaang babae ko kanina, siya lang ang susi para makita ko ulit si Mico.

Pero paano ko nga siya mahahanap?

Tama! Mag-aabang ako sa gate. Pumwesto na ako at tumayo sa gilid banda ng gate habang pinagmamasdan ang mga dumadaan.

Ang dami ko ng mukhang nakita, iba-ibang shapes. May bilog, oblong, pentagon, square, parihaba, patulis pero nakng! Wala, di ko pa rin natatagpuan yung babaeng yun. Mag-iisang oras na ako dito, pawis na pawis at haggard na haggard pero di pa rin natitinag.

"Hoy! Mukha kang ewan. Ano bang ginagawa mo riyan sa may gate? Kanina ka pa ata dyan. Tsaka mukha ka na ring basang sisiw."

"OJT ko para maging guwardya. Wag ka nga magulo Karen, tabi. Oy ne! ID mo." sigaw ko sa babaeng dumaan.

Tiningnan ako nito na parang nababaliw na ba ako o mukhang nantitrip siguro. Nga naman, palabas na siya ng school tapos hahanapan ko pa siya ng ID.

ID. ID. ID. napahagulgol ako. Ang sakit sakit na niya. Kakaiba talaga kapag tinamaan ka ng power of love.

"Hoy Kane, anong problema mo? Wag ka nga dito umiyak, nakakahiya,"

"Ka, wala nang magpapagawa sa akin ng benteng ID."

"Hindi mo naman kailangan ng benteng ID. Tsaka baliw ka ba? Anong gagawin mo dun? Garland? Kwintas? Tatakbo ka ba sa eleksyon at mamimigay ng souvenir? Adik ka ba?"

Tuloy tuloy ang luha ko. Sobrang bigat na ng pakiramdam ko. For three years akala ko on going ang pagmomove on ko. Yun pala, habang patagal ng patagal mas lalong bumabaon siya dito sa puso ko.

"Ano ba Kane, bakit ka ba umiiyak?"

"Ang t*nga ko, ang t*nga t*nga. Kung sana di ako nag-inarte edi masaya ako ngayon. Kung sana hindi ako naging sensitive masyado edi kasama niya ako ngayon."

"Shhh Kane, wala na. Nangyari na. Wala na tayong magagawa."

She's Rich, He's RicherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon