Chapter 10.8

282K 4.5K 321
                                    



"I-i'll confront him? Paano kung---"

"That's always the problem with us humans. We are dying to seek the truth yet afraid of knowing it." she sighed heavily.

Tama nga naman siya. Pero naduduwag ako.

"Eh kasi parang mas okay na itong nasasaktan ako at least hindi nanggaling mismo sa bibig niya. Alam mo yun, at least may kakapitan pa ako ng pag-asa."

"Wag ka ngang duwag." inis niyang singhap sa akin.

"Kane, wala kang mapapala kung tanong ka lang ng tanong ng what if, paano, etc. etc. Iniistress mo lang ang sarili mo. The sooner, the better. Bakit papatagalin ang isang bagay kung parehas lang din naman ang kalalabasan. I mean, what's the difference of asking today or tomorrow. Magkaiba ba ang isasagot? Who knows, pero pinapatagal mo lang ang burden mo."

"Okay. Kapag nagkita kami, i'll try."

Pero sa totoo lang, hindi ko pa rin alam. Nakakainis itong ganito. Maraming hindi makakaintindi sa kaguluhan ko kasi wala naman sila sa sitwasyon ko.

"No, you do it! Pag nasaktan ka. Edi tama na. Bullsht. Dalawang beses ka ng naghabol. Di ka ba nagsasawa? Babae ka hindi aso. Every girl deserves the best. Oo, boto pa rin ako kay Mico. Pero kapag sinaktan ka niya, ako mismo ang maglalayo sayo sa kanya. Kahit wala akong pera, naku, itatawid kita ng dagat."

Napangiti ako. Ang swerte ko mero akong Karen. Meron akong bestfriend. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung wala siya sa buhay ko.

That struck me. May biglang pumasok sa utak ko.

The other Kane is Mico's best friend! Malamang sa malamang ayaw niya rin mawala sa buhay niya ito parang ako kay Karen.

Naalala ko, Mico told me that a guy and a girl can never be just friends!

Mas lalo na akong pinanghihinaan ng loob sa mga naiisip ko.

"Mukha kang tanga dyan Kane. Hindi bagay sa'yo ang nag-iisip ng malalim ag seryoso lalo na kung halata." she jokingly said.

Nag-usap naman kami ng ibang bagay at nagtawanan. Kahit papaano ay naaalis sa utak ko ang mga what ifs ko. Mabuti na rin yun para kahit saglit, mapahinga naman ang puso ko sa kakaibang sakit na nararamdaman nito.

"Salamat Ka. Buti nakilala kita."

"Buti sinabunutan mo ako sa jeep noon? haha."

"Buti nagmamadali ako kamo."

Sa gitna ng pagyayakapan at pagtatawanan namin ni Karen ay pasulpot sulpot nanamang dumating si Rey.

"Oh tama na ang drama girls. The cake is ready."

Nakaapron siya at may hawak na chocolate cake. Lumapit siya sa amin at nilapag ang hawak na cake sa mesa.

"Kapag natikman niyo itong cake ko mawawala ang stress niyo at mapapasabi kayo ng... Boom sarap!"

Tumayo ako at kumuha ng tatlong platito, kutsilyo at utensils. Dinistribute ko sa aming tatlo.

Hmmm. Mabango ito at mukhang masarap.

"Choco moist ito Rey?" tanong ko habang hinihiwa ang gitna ng cake.

"Oo tapos may lava sa gitna na effects. Ajejeje."

Paghiwa ko biglang may nag ooze na chocolates mula sa loob. Ang galing, habang medyo malamig ang outer chocolate icing ay mainit naman ang loob dahilan para mag ala lava ang loob.

Sa dami ng natikman kong cake, ito ang masasabi kong unique na combo. Talagang nakakatakam. Walang sinabi ang triple chocolate roll ni Kendra.

"Aba jeje boy, mukha ngang expert ka dito ah."

Ako ang unang kumuha ng isang slice.

Agad kong nilagay sa plato at tinikman.

P*ksh*t mapapamura ka sa sarap. Best cake so far! Must taste it talaga.

"Grabe Rey, words can't express kung gaano kasarap itong gawa mo!"

"Mas masarap ako dyan. Ajejeje"

"What the f^&%." napamura ako at biglang bumilog ang singkit kong mata.

"Mas masarap ako dyan... Magmahal. Ajejeje. Ikaw naman napaka greenminded mo Kaney."

Sabay sabay kaming tumawa tatlo.

Wala ng imikan dahil sa sarap nitong cake. Dahil medyo stressed ako ag tunay ngang yummy ito at naka apat na akong slice, malapit na ngang maubos.

Baka pwedeng gawing personal baker nalang itong si Rey dito sa bahay. Pero wag na, mahirap baka madevelop ako sa kanya.

Alam mo na, kung ang lalake ay nakukuha through his stomach ang babae ay madalas nakukuha dahil sa humor ng lalaki.

Pero iba pa rin si Mico. Parang pakiramdam ko na sa kanya talaga lahat ng hinahanap ko sa isang lalaki. Haaay. Ayan nanaman, naalala ko nanaman siya.

"Kane! Nandyan na ata mom at dad mo." sambit sa akin ni Karen na ngayon ay kakagaling lang sa kusina para kumuha ng maiinom.

Meron kasing sasakyan na bumusina. Baka sila na nga iyon.

Agad namang tumakbo ang isa sa kasambahay namin palabas.

"Kane." lumapit ako kay mommy at humalik. "Oh, Karen nandito ka pala." sabi niya nang makita si Karen na papalapit.

Nakipag beso naman si Karen.

"Oh may isa pa pala kayong kasama." si daddy naman ngayon ang nakapansin.

"Ahh opo si Reynaldo po pala." pagpapakilala ko. Tumayo naman si Rey para makipag kamay at mag bigay galang kay dad.

"Meet the parents na ba ito?" natatawang kumento ni Karen. Binatukan ko nga. Napakabaliw.

"Ano ang ibig mong sabihin Ka?" tanong ni mommy na napakunot ng noo.

"Ahhh kasi tita. Boyfriend po yan ni Kane."

Nakita kong medyo nasamid si mommy at napaubo si daddy.

"K-kane?" pagkukumpirma ni mom.

"Hindi po 'no! Nagbibiro lang si Karen. Si Rey po yung kaibigan ko na hinihingian ko sa inyo ng recommendation sa company buwan na po ang nakalipas."

Nakita kong lumuwag ang paghinga ni dad. Hindi matapobre ang pamilya ko. Marahil ay nabigla lang. Syempre alam nila na may boyfriend ako tapos biglang may bago akong ipapakila hindi ba?

Abnormal kasi itong si Karen na hanggang ngayon ay tumatawa tawa pa.

"Ay tita, tito, tikman niyo po itong cake na gawa ni Rey. Masarap po ito. Sobra."

Ikinuha ni Karen sila mom at dad ng cake. She's my bestfriend at kumportable siya sa pamilya ko at ganu din sila.

Nakita ko kung gaano sila kasaya habang kumakain ng cake.

Pinupuri ni mom ang lasa ng cake habang si dad ay tumatango tango.

Si Reynaldo naman ay namumula dahil siguro sa mga natatanggap niyang magagandang salita mula sa mga magulang ko.

Habang si Karen ay inaasar si Rey na namumula raw ito at parang bakla.

Dumating si Christine at nakisalo sa cake. Sarap ma sarap ito at ngayon ko malang ulit nakitang ngumiti.

There's a lot of reasons to be happy.

I joined the fun at nakipagkulitan.

Pagkatapos ng mahaba habang oras ng kwentuhan, tawanan at bolahan. Umakyat na para magpahinga sila mom, dad at Christine. Nagpaalam na si Karen at Reynaldo.

Hinatid ko sila sa may gate and waved goodbye. Bago tuluyang umalis ay may pahabol pa si Karen.

"Basta Kane, no matter what happen trust your heart. It may be located at the left side of your chest but most of the time it's right." she smiled.

----------------------

Ang sipag ko 'no? I DESERVED A HUG!

She's Rich, He's RicherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon