Chapter 2

444K 7.1K 864
                                    

She's Rich, He's Richer : Chapter 2

~Feeling something new...

*****

Hindi ko alam pero sa sinabing yun ni Mico nakaramdam ako ng abnormal na pagtibok ng puso ko. Parang kinakabahan ako.

Pinanuod ko siyang lumabas ng room. One word to describe him, ideal.

Mabilis naman ang araw sa akin but not until our session.

Nakaupo ako kaharap siya. May binabasa siyang libro pero hindi ko alam kung anong title kasi hindi naman talaga ako nakatingin sa binabasa niya. Nakatingin ako sa mukha niya.

Yung ilong niyang perpekto sa tangos, yung mata niyang parang singkit na ewan. Mapupulang labi. Mahahabang pilik mata. Yung kilay niyang bumabagay sa manly niyang mukha.

"Stop staring will you?"

"Sorry, ang gwapo mo kasi."

He looked at me with disbelief. WHAT!? Nagsasabi lang naman ng totoo.

"OH? Wag mo akong tingnan ng ganyan. Nagreason out lang ako. It was for real you know."

"You should know how to control your mouth."

"Anong masama dun? Sinabi ko lang naman ang nasa isip ko."

"I can feel the feelings Kane and it is not healthy."

Tumayo na siya sa kinauupuan niya. Anong problema niya? Nakakainis para nacompliment lang.

"Oh saan ka pupunta?"

"Uuwi."

"Hindi mo ako tuturuan?"

"Bukas nalang. Wala ako sa mood."

What is his problem? Ano nanaman bang ginawa ko? Wala pa naman akong kat*ngahang ginagawa ah, may magagawa, pwede pero promise wala pa akong ginagawa. Bakit walk out walk out agad? Wala manlang explain explain?

Tinawagan ko si manong at sinabi kong uuwi na ako. Pagod na din ako. Nawawalan ako ng energy. Medyo disappointed kasi ako, nakakawalang gana ba akong turuan? Ang hard naman kung ganun.

Dahil medyo down ako dahil hindi naman ako naturuan ni Mico, nagpadaan ako sa bilihan ng paborito kong mangga at bagoong, sobrang sarap at bagay na bagay sila para sa panlasa ko.

Oo nga pala. naweweirduhan na ako sa sarili ko kasi kanina ko pa naiisip si Mico, crush ko na nga ata talaga yung poging yun.

My heart goes shalalalala tuwing naiisip ko siya. Naks ang corny ko ba? Sorry nagkakacrush lang.

She's Rich, He's RicherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon