Chapter 3.2

428K 6.8K 659
                                    

Syempre dahil kahit papaano ay may katalinuhan akong taglay. Naisip ko na tutal sabado bukas ay why not grab the chance diba? Tsaka naalala ko na may magdiriwang pala ng kaarawan bukas na espesyal sa puso ko. 

I immediately looked for my phone at tinext si Mico.

To: Mico <3 

Sunduin mo ako dito sa bahay bukas, 7 in the morning. Kapag hindi mo ako sinundo bahala ka mawawalan ng saysay yung deal. Sa akin naman okay lang pero sa'yo malaking kawalan iyon. Tandaan mo reputasyon mo nakasalalay dito. 

Oo nilubos ko na sa isang text lang mamaya hindi pa pumayag yun eh mahirap na. 

*BZZZT*

Sender: Mico <3

Okay.

Sana manlang mahaba haba yung reply niya. Para kinilig kilig naman ako kahit papano. Tss.

Dapat pala sinimulan ko sa Hello, tapos magha-Hi siya tapos 'Kamusta ka na?'. Sasagot naman siya ng 'Eto ayos naman' tapos kapag mage-end conversation na tsaka ko ipapasok yung tinext ko. 

Pero knowing Mico malamang kapag nagHello ako eh hindi yun magrereply. Dahil para sa kanya ang walang kwentang text ay hindi dapat nirereplyan. Kupal talaga, ang KJ. 

Natulog na ako para hindi naman sangkatutak ang eyebags ko bukas at baka maturn off si Mr. Perfect Mico Ensomo kay Miss Beautiful Kane Sy.

 Oo buhatan na ito ng sariling bangko. 

Gumising ako ng mga 5 am. Hindi naman halatang masyado akong excited diba? Sinimulan ko na ding ayusin ang sarili ko. 

Halos isang oras akong nasa banyo para sigaraduhing mabango ako na kahit pagpawisan at babad sa ilalim ng init ng araw ay hindi ako mangangalingasaw at mangangamoy mabaho. Tsaka nagconcert pa ako sa loob ng CR kaya medyo natagalan talaga ako. 

Sinuot ko yung damit na pinakakumportable ako na kahit saan at kahit anong gawin ko ay relax pa rin ako. 

"Kane nandyan na ang bisita mo."

"Sige po manang pababa na."

Pinony tail ko naman ang buhok ko at humarap sa salamin. Haaay ang ganda ko talaga.  Tiningnan ko ang orasan, 6:55 palang. As usual si Mico yan eh. Hindi uso ang Filipino time sa kanya kasi para sa kanya, time is gold, hindi na mababalik ang oras. Kaya dapat bawat galaw mo worth your time, hindi ka dapat nag-aaksaya ng oras. 

Oo, unti-unti ko nang nakikilala si Mico. Sa isang buwan na iyon marami akong nalaman at naobserbahan sa kanya. At nagustuhan ko ang mga bagay na nalaman ko sa kanya, his good and bad sides. His flaws and perfections unti-unti kong nakikita at masaya ako kasi nagkachance ako na makita ang mga iyon.

Pagbaba ko nandun na nga si Mico at nag-aantay sa akin. 

She's Rich, He's RicherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon