Chapter 13.4

241K 4.4K 349
                                    

"What do you mean by that?" She asked. Naks umeenglish ang bestfriend ko. 

"Talaga nga naman. Mga ilang oras mo nabuo yang straight english mo?" pabiro kong tanong. Wala lang gusto ko lang iligaw ang usapan namin. 

Nakita ko namang nagbilang siya bago ako sinagot. 

"Mga three hours lang naman." humagikhik ako dahil hindi ko naman alam na papatulan niya pala ang kalokohang tanong ko. Actually, mukhang wala siya sa sarili niyang sumagot atsaka palang narealize na ginag*go ko lang siya.

"Bw*sit! Seryoso na nga! Ano bang ibig mong sabihin na you'll always be Kane no matter what? May laman yung sinabi mo eh. Nararamdaman ko."

"Simple. I'll always be Kane because I'll never be you or anyone else. I'm Kane and will never be Karen. Can Kane be Karen? No. Can someone be anyone? Never. Can Karen be Reynaldo? They are so much alike but still different in a way. Like, Rey is funnier, more good looking... Aray! Bakit naninipa?"

"Kanina ka pa nakakainsulto ah! Napapansin kong kanina mo pa ako inaaway!"

"Ikaw ha. Napapansin kong napaka judgemental mo lagi pag dating kay Rey. Ikaw ba ay nakiki love triangle sa tambalang Rey Or Shane. Ha? Ha? Aray! Nakakarami ka na ah!" 

Parang kabayo kung makapanipa. Ang sakit. 

"Asa naman! Seryoso na kasi!" she said with frustration. Naawa na rin ako sa kaibigan kong sagad ang curiousity sa katawan kaya seryoso ko na siyang sinagot.

"Okay. Simula palang naman alam mo na kung ano ang ibig kong sabihin. Kane will always be Kane no matter what it's meaning is equal to Kane will always love Mico no matter what. No heart change." 

"Oh yun naman pala eh. Dapat sa bahay ka na ni Mico dumiretso at nagpakita!"

"I'm playing hard to get. Umeffort naman siya 'no. Ang swerte niya na masyado sa akin, maganda, matalino, maya---"

"Mayabang. Ewan sa'yo ha. Napakachildish mo pa rin nga talaga. Eto ha. Bigla kong naisip. Ang childish mo plus ang mature ni Mico. Perfect couple but very hard to understand at ang daming circumstances. May pros and cons. Ewan ang hirap niyo igets."

Wala naman kasing nag-uutos sa kanya na igets kami. 

"Oo nga pala dito ako matutulog. Nilatagan ka na sa sahig ni tita kasi ako ang sa kama. Good night! Mwa!" Tumakbo ako papasok sa kwarto niya at tumalon sa kama.

Ako ang nanalo pero syempre nagrumble muna kami, nagtulakan at nag-agawan sa kama bago namin naisipang matulog. 

"Kane! Kane! Gising! Gising! Bilis! Nagtext si Mico!"

Hindi ko maimulat ang mata ko at ramdam na ramdam ko pa ang antok kaya tinaklob ko ang kumot sa buong mukha ko.

"Kane! Si Mico nga nagtext!"

"Kanino?" I lazily asked.

"Sa akin! Kane nagtext siya! Bangon dali. Gising! Nagtext siya!"

Eh sa kanya naman pala nagtext bakit kailangan niya pang mang isturbo ng tulog ng may tulog. Tss. 

"Oh edi ireply mo. Sa'yo pala nagtext eh. 'Wag kang mandamay please. Inaantok pa ako. Text mo si Reynaldo kung wala kang magawa. Tss." 

"Kane!"

Bumangon ako dahil sa irita ko sa matinis niyang boses at sa pagyugyug niya sa akin. Napaka OA din talaga ni Karen minsan, nakakaiyak.

"Gaano ba kaimportante niyan? Kailangan ba talagang mangisturbo pa ng tulog ng may tulog?"

Biglang itinapat niya ang cellphone na hawak hawak niya sa mukha ko. Nanlalabo pa ang mga mata ko kaya hindi ko ito mabasa ng ayos. Pero nung sa wakas ay luminaw na ay...

"Yun lang naman pala eh. Tss. What's the fuss?"

"Anong what's the fuss? Pupunta siyang America para hanapin ka! Nandito ka naman na eh. Hahayaan mo lang ba siyang maghanap dun sa wala?"

Nagkibit balikat ako.

"Hindi ko siya inutusang maghanap or what. Masyadong mabagal ang lipad ng balita papunta sa kanya kaya nagkasalisihan kami. Alangan namang habulin ko pa siya sa airport. Ano ako nanaman ang maghahabol? Oh please, naka leave muna ako sa trabaho kong yun." 

Can't I be selfish just for once? Like what I have said I've been always selfless I think it's time na isipin ko naman ang ego ko 'no. 

"Kane?! Hindi ka ba naaawa kay Mico? Pupunta siya dun for nothing. Wala siyang makikita dun kasi nandito ka na naman."

"Let him do his part. Let him do the efforts for once or twice and so. Matanda na siya. Let him prove me how much he loves me. Let him show how willing he is to win me back. Pahard to get nga ako remember?"

"Eh paano kung nagsawa na yung tao kakahabol sa'yo?"

"I know my limits Karen so don't worry. Kung nagsawa na siya bago pa maabot ang limit na tinatawag ko, maybe hindi nga kami para sa isa't-isa. If he'll just quit malamang he's not really worthy of my love. Pero I'm hoping na he'll surpass all my expectations. And I know he will." 

"So you want the chase? Why? Pwede namang iwork niyo nalang agad agad ang mga bagay. Bakit kailangan pang ganun?"

"I need assurance na mahal niya nga ako. Assurance at effort lang naman hinihingi ko. In return ibibigay ko sa kanya ang tiwala at pagmamahal ko. Tapos happily ever after na. Kung may problema mang dumating at least alam na namin na mas strong na kami kesa noon. Mahirap kasi kung siya lang ang may assurance sa akin, syempre I need assurance from him also." 

Tumango tango lang siya.

"Atsaka, yes, I really want the chase. Know why? Because I believe that in every love story, the chase or journey is always more meaningful than the ending itself."

She's Rich, He's RicherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon