Chapter 1.6

457K 7.3K 966
                                    

 Sorry if the first chapters were lame, hindi ako magaling gumawa ng entrada babawi ako sa kalagitnaaan ng plot :) Patience friends :*  love lots. 

------------------------------------------------------------------------------------------

Papasok nanaman akong school. Lagi naman eh. Pero ngayon idedelay ko muna. Palate muna akong konte. Manunuod muna akong Winnie the Pooh. 

Nabasa ko kasi sa kung saan may mental disorders daw na nirerepresent ang mga characters dito. Napagdesisyunan kong panuorin kahit saglit kasi curious ako. Ayun nga sabi sa nabasa ko may mental disorders daw yung characters sa WTP kagaya ni eeyore, depression. Kay Pooh, addiction. Si Tigger may ADHD. Hahahah natatawa talaga ako sa disorder ni Tigger. Sa lahat siya ang pinakaobvious pero napansin ko ang bastos ni Pooh, wala siyang shorts. Porno! 

Bumalik nanaman ako site na may mga facts at nagbasa basa muna. Mas marami pa ata akong natututunan dito kesa sa school. 

 Dumaan muna ako sa bilihan ng mangga bago pumasok sa school. Stress reliever ko na nga ata ang mangga minsan pantawid gutom na din. 

"Manong dito na po. Paantay lang saglit."

"Pero po late na ako kayo ng mag-iisang oras."

"Oks lang yan manong."

Bumaba ako ng sasakyan at dumiretso sa carinderia.

"Oh Kane iha. Oh eto ipinagbalat kita ng dalawang pirasong mangga. Ginayat ko na din yan ng maliliit kasi yan ang gusto mong hiwa. May dagdag na bagoong yan at dinamihan ko."

"Yey! Eto po bayad. Salamat manang Elsie. Sige po papasok na ako."

"Naku kang bata ka. Magaalas otso na, alas syete ang pasok mo ah?" 

"Parehas kayo ni manong ng sinabi. Bagay po kayo hehe. Sige po una na ako."

"Ikaw talagang bata ka oo."

Dalaga kasi si manang Elsie. Binata naman si manong Greg, ang naghahatid at sundo sa akin. Ang totoo niyan minsan nahuhuli kong nakatanaw si manong Greg sa kotse kay manang Elsie tapos parang may spark. Eh kaso hindi naman bumababa si manong Greg sa sasakyan kaya hindi siya nakikita ni manag Elsie, tinted pa yung sasakyan. 

"Ma'am Kane dito na po. Dala ko po yung ID niyo para di na kayo umakyat sa bakod."

"Salamat manong you're the best. Minsan magpakita po kayo kay manang Elsie baka maging magMU kayo."

"Ano pong M.U.?"

"Malanding unggoy po. Sige manong babye."

Kinuha ko ang bag ko at bago ko sinara...

"Mutual understanding po talaga yung MU sige manong una na po ako. Ingat."

"Ikaw talagang bata ka osya."

She's Rich, He's RicherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon