Chapter 13.2

231K 4.2K 807
                                    


"Anong it's too late ang ibig mong sabihin?"

Tila curious at naguguluhan niyang tanong. Yumuko ako saglit atsaka tumingin pabalik sa kanya.

Hinanda ko ang sarili kong sagutin siya at panindigan ito. Eto na 'to.

"Buntis ako." Seryoso kong tugon.

"Ano?! Bakit? Paano?!"

Pasigaw niyang tanong. Hawak niya ang magkabila kong braso at patuloy akong inaaalog. Ugh. Nahihilo na ako.

"Karen! 'Wag mo nga ako masyadong yugyugin. Makakasama sa bata."

"Kane. Bakit? Paano? Saan?" Sunod sunod niyang tanong sa akin.

"Anong saan? Anong paano ang pinagsasabi mo?" Pinanlakihan ko siya ng mata. Napaka OA pero hindi ko siya masisisi.

"Kane! Paanong nangyari?" tila gulat niya pa ring tanong. Hindi pa rin nakakarecover sa mga sinabi ko.

Kung sa bagay sino nga bang hindi magugulat hindi ba?

"Aksidente ang lahat." pag-eexplain ko sa kanya.

"Ano yun nadapa ka and boom. Shoot!"

Sarcastic niyang tugon. Ha ha. Nakakatawa.

"Karen! Gusto mo ba idetalye ko pa sa'yo ang buong panguayari? Ugh."

"Hindi naman. I mean. Shete Kane. Hindi ko alam ang sasabinin ko. Teka nga. Seryoso ka ba?" Dahan dahan akong tumango.

"Kaya ka na nakipagbreak kay Mico kamakailan lang ay dahil dyan sa batang dinadala mo?"

Tumango ako ulit. Nanlaki ang mga mata niya muli.

"Baliw ka ba?!" tinakpan ko ang tenga ko.

"Nagpabuntis ka lang doon? Akala ko nag-aral ka lang? Ano yang inuwi mo? Yan ba ang diploma dun sa school niyo? Aba matinde ka Kane."

Yung bibig niya tuloy na sa kararatatat. Kung anu-ano ng litanya ang pinagsasabi. Hindi na natikom. I rolled my eyes.

Sa wakas tumigil na rin siya kakadadak.

"Oh? Tapos ka na?" seryosong tanong ko sa kanya.

"Medyo. Bukas na ulit. Pero grabe Kane, hindi ko pa rin maabsorb."

"Akala mo ikaw lang? Ako rin naman eh."

"Grabe Kane. Grabe talaga. Huuu. Teka kukuha muna akong tubig baka sakaling malunok ko na ang katotohanan. Bumabara talaga eh. Aish. Ambot sa imo."

Tumayo siya at pinaypayan ang mukha gamit ang kamay niya.

Hindi niya ba tatanungin kung sinong tatay?

Bumalik siya na may dalang dalawang malamig na tubig. Kinuha ko ang isa at ininom. Tamang tama sobrang nauhaw rin ako sa pakikipag-usap sa kanya.

Pagkaupo niya ay iinumin na sama nya ang tubig na kinuha niya pero nagsalita ako at tinanong siya.

"Hindi mo tatanungin kung sinong tatay?"

"Oo nga pala. Sino ang tagay niyang dinadala mo? Pero Kane pwede ba kahit iba ang tatay si Mico pa rin pakasalan mo?" kumunot ang noo ko. "Lol just kidding lmao. Nvm. So sinong tatay?"

Huminga ako ng malalim. Ito na 'to. Habang tinutungga niya ang tubig ay pinangalanan ko na nga ang nasabing ama nitong pinagbubuntis ko.

"Si Damon. Damon Salvatore. Rawr. Hahahahaha." bigla niyang nabuga ang tubig sa akin. Tsaka umubo ng umubo.

Dinaluhan ko siya dahil mukhang nahirapan siyang huminga.

"Ehem. Oy ayos ka lang?"

"P&*^/ta. Anong sapak mo sa utak?"

"Aray bitiwan mo ang buhok ko Karen!"

"Buset. Halos atakihin ako pagsabi mong buntis ka tapos muntik na akong mamatay nung sinabi mo kung sinong tatay. Leche ka! Leche!"

Nang makarecover na siya, binitiwan niya na ang buhok ko, umupo ng maayos at seryoso niya akong hinarap.

"Pero di nga? Buntis ka ba talaga?"

"Duh! Hindi ah!"

Bigla niya akong sinipa.

"Aray. Kalma naman."

"Eh ano nga yung pinagsasabi mong too late? O joke lang din yun?"

Bumuntong hininga ako.

"I've got tired of waiting. Wondering if he would ever coming around. My faith in him was fading..."

Binato niya ako ng THROW pillow. Wow. Nagamit ng tama ang throw pillow nila. At sosyal may throw pillow. #BracketAKaNa.

"Para kang tanga." And I flashed my evil grin. "Akala ko nagmature ka na. Childish pa rin. Hmp."

"I guess I will always be Kane. No matter what." I winked.

She's Rich, He's RicherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon