Chapter 13.6

236K 3.9K 365
                                    

 Medyo sabaw ang Update sorry. Babawi nalang po :)

---------------------------------

Bumangon na ako tutal nawala na rin ang antok ko. Ang bunganga naman kasi ni Karen ratatat kung ratatat. Daig pa ang armalite. Kala mo world war III. Oo, bunganga talaga dahil hindi lang ordinaryong bibig ang taglay nitong kaibigan ko kundi bunganga!

Tumayo nalang ako at inayos ang pinaghigaan ko. Nakakahiya naman sa kanya mamaya may maireklamo pa.

Habang nag-aayos ako ng kama ay inaayos niya rin yung kutson niya sa baba habang nagtetext. Malamang ay nireplyan niya si Mico. Mahigpit ko namang binilin na huwag sabihin nandito ako sa Pilipinas kong mahal. 

Makalipas ang ilang sandali ay biglang tumunog ang cellphone ni Karen. Pero mas kapansin pansin ang ring tone niyang Panunumpa sa Katapatan ng Watawat ng Pilipinas. !@#$%^&*( sinong nasa matinong isip ang magriring tone ng ganun?

 Like what the f--- talaga. 

"Teka Kane tumatawag si Mico" 

"Seryoso ka ba dyan?" 

"Oo nga."

"Hindi sa tawag ni Mico. Seryoso ka bang ganyan talaga ang ring tone mo? Nakahithit ka ba ng Cocaine?" tulala kong sabi sa kanya. 

Sinenyasan niya akong tumahimik dahil sasagutin niya na ang tawag ni Mico. Napatikom naman agad ang bibig ko. Mahirap nang mabuko agad agad. Niloud speaker naman niya para na rin siguro marinig ko pati ang sinasbai ni Mico sa kabilang linya. 

"Hello Mico. Napatawag ka?"

(Bakit parang natataranta ka?) Nag make faces nalang ako tutal hindi ako makakapagsalita. Napaka keen observer niya naman para mapansin pati yun. Edi siya na.

"Ahh wala yun. So, ahh, ano na ang balita?"

(I'm with Rey.) Sabay na lumaki ang mata namin ni Karen dahil sa gulat.

"Ano? Kasama mo si Reynaldo?" 

(Yep. Sasama siya sa akin.) 

"Bakit? Paano? May Visa at passport ba siya? Eh yung pamasahe?" 

(Yes, may Visa and passport siya.)

Bumulong ako kay Karen na tanungin niya kung paano nagkaroon si Rey. Napaka-aga naman kung ganun. Parang ang impusible.

"Ha? Paano nagkaroon ng passport at Visa agad agad si Rey? Parang ang impusible naman ata."

(Before he met Kane, mangingibang bansa sana siya pero di natuloy I don't know why. Hindi naman ako tsismoso para alamin pa yun. Next year pa ang expiration ng passport niya. Sa Visa naman nakakuha na rin siya bago pa man kailanganin.)

She's Rich, He's RicherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon