Chapter 11

5.1K 94 1
                                    

BEA

5:30am

Papunta na ako sa beg dahil may morning training kami.  Iniwan ko lang car ko at naglakad para exercise na rin for our training. It's going to be a hard training for sure because we have a game on Wednesday against NU. 

I'm here na sa BEG and nandito na rin pala sila ate ly, rex, marck and sumang. Asan kaya si ate den? Himala hindi sila sabay pumunta dito

"Oh bea aga mo yata"

"Ahm excited e. Excited nang mahirapan kay coach tai"

We laugh.

"Grabe ka bea! *laughing*" sabi ni rex na tawang tawa sakin

"Totoo naman e.. Kasi may game na sa wednesday" seryosong sabi ko

"Yeah right!  Bilis na ayusin na natin tong net rex para makapaglaro na" ani ni ate ly

Inaayos nila ang net at kami naman ni ate ly inaayos ang mga bola. Maya maya dumating na si ate den kasama sila ate bea and ate ells.

"Goodmorning ate den, ate bea!" sabi ko

"So ano ako dito pader lang?" Aniya ni ate ells

"Ay.. Sorry i thought alalay ka lang nila e" 

And we laugh except ate ells

"Ah ganon gusto mo sabihin ko kay jho yung secret mo?" pantatangka niya sakin

"What secret?" Anung secret? Wait alam ba niya, sinabi ba ni ate den? sana nagjojoke lang siya. Close kasi sila ni jho so baka masabi niya or makwento niya yon sakanya

"Yung sinabi niya sakin kanina" sabay turo kay ate den

"A-ano yon ate den?" kinakabahan ako kay ate ells baka nga alam na niya

"Huh? Wala akong sinasabi dyan. Gawa gawa niya lang yan bea"

"Joke lang *laugh* naniwala ka naman. Bakit meron nga ba bei? Meron ba kayong secret ni den?" Tinitigan ako ni ate ells. As in mata sa mata

"Wala. Kung meron man samin lang yon syempre bawal sabihin sayo... Sayo lang" pangaasar ni ate den

Bully din tong si ate den e. Halos lahat kami binubully niya hindi lang si ate ells.

Maya maya dumating narin ang iba namin teammates pati sila coach tai dumating narin. Nagstart na ang training namin, partner partner ulit kami kapag warm up.

After ng training. Diretso agad lahat sa shower room. Halos lahat may mga class kaya halos lahat nagmamadali. After ko magshower I walked my way towards Eliazo. Wala na akong kinausap sa teammates ko. Kinuha ko lang yung gamit ko for my class then pumunta na ko sa class ko.

After 3 straight class. I'm on my way to Blue Eagle Gym and it's 3pm.

"Ooooh! I'm too early ata" i said when i saw no one here in Blue Eagle Gym.

Inayos ko nalang yung mga bola na gagamitin namin at kinabit yung net para warm up agad pag dating ng mga teammates ko.

Habang nag aayos ako dumating ang mga seniors.

Til i met youWhere stories live. Discover now